Tori's POV
"Hello mga viewers! Muli tayong nagbabalik sa ating show and ofcourse kasama pa rin natin ang super star na si Tori Hartfield. Live! Ako nga po pala ang pansamantalang host na to for today's episode! ^-^"
Prente akong naka-upo sa isang couch katapat ng host na akala mo ay naubusan ng tela sa divisoria dahil sa sobrang ikli at revealing ng damit na suot niya. Psh. Seriously, hinayaan nila siyang magsuot ng ganyan dito?! Come on, for I know trying hard lang siya mag papapansin, palibhasa kasi, isang napaka gandang babae ---- ah scratch that, SUPERDUPERMEGAULTIMA ubod ng gandang babae ang guest niya. Laking takot nalang niya na matalbugan ko siya kaya ayan, todo papansin. Tchhhh.
"So, since napag-usapan na natin kanina ang tungkol sa upcoming movie mo, bakit kaya hindi naman natin pag-usapan ang love life ng isang Tori Hartfield."
"Hmmmm .... Love life? Nakakain ba yan?" Medyo natatawa-tawa ko pang tanong para magmukhang inosente. Prepared yata ako sa tanong na yan.
"Hahaha, ikaw naman tori. Alam naman ng lahat ng nandito ang tungkol sa viral picture niyo ni Zachary Ace Martin na kumakalat sa mga social networking sites. Hindi ba magka-akbay pa nga kayo doon? Why not tell us something about that? Marami pa nga ang nag-bash sayo dahil doon, marami yatang may ayaw sayo para kay ace, pero bakit ba parating on the rescue itong si ace para ipagtanggol ka from all of those harsh comments, is there something going on between the two of you? Bukod doon hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami ang taglay na closeness niyong dalawa mapa-on or off the set. So, kayo na nga bang dalawa?"
Intrigera! Peste. So pag ganun ka-close, mag boyfriend naka agad? Palapa ko to kay simba ng lion king eh.
I flashed her my famous heartwarming smile bago sumagot. "Ace is not my boyfriend. Masyado kong mahal ang buhay ko para patulan siya. He's just my HB."
Napataas naman siya ng kilay. "HB??? Anong HB? Happy Birthday?"
Tumawa ako ng bahagya, yung medyo mapang-asar. "Oooppss, sorry my bad. May pagka dumb ka pala. Hindi mo naman ako ininform, sana sinabi mo agad."
"Pardon me?" Medyo offended na tanong ng host. I just rolled my eyes at her.
"HB stands for Humored Boyfriend. Don't you know that? Psh." Naiirita kong sabi sakanya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa, in chorus pa nga sila ng mga audience and staffs eh. -_- sabihin niyo nga, nag joke ba ko ng hindi ko alam?? O sadyang mga takas lang sa mental tong mga to??
"oooppsss... I'm sorry, I can't really stop myself from laughing." Sabi niya habang di pa rin tumitigil sa pagtawa.
Napataas na ako ng kilay dahil sa sinabi niyang yun, "Excuze me?"
Inilayo niya ang mic niya bago nagsalita. Mukhang sinigurado niyang ako lang talaga ang makakarinig ng sasabihin niya. "Tanga ka na nga bingi ka pa. Oh my gosh, nakakaawa ka naman."
Aba! Aba! Pigilan niyo ko! Kundi bubuhusan ko talaga ng kumukulong lava tong porn star na nasa harap ko!!!!
"Oh my gosh, kung tanga ko edi ano ka pa pala??" Singhal ko naman sakanya WHILE USING THE MIC. Yes, you read that right. Yung mga babaeng katulad niya dapat talagang binabara on screen eeh.
She stopped from laughing and gave me a mocking grin. "Atleast ako alam ko na RUMORED dapat yun at hindi HUMORED."
Bigla akong napaisip ........... I looked at the ceiling with my fingers on my chin.
BINABASA MO ANG
The Memory Eater's Super Star
HumorKaramihan sa atin, fragments nalang ang memory na natitira from the past, marami na tayong hindi maalala sa mga childhoon experiences natin, mga alaala na nawala na o marahil nagtatago lang sa ating isipan. Hindi ka ba nagtaka minsan kung bakit? MEM...