Memory 13

17 2 0
                                    

Tori's POV

'Sa telepono, may tumatawag ...... Sa teleponooooooo, sagutin natin ~~~~~~~'

Ang aga-aga pa aaaah... bakit naririnig ko na yung wonder pets ringtone ko? Sino naman kaya ang mag-aabalang tawagan ako ng ala-una ng hapon? Oo MAAGA pa sakin yan, walang paki-alamanan. Wala naman akong work ngayon eeh. Day-off ko kaya.

Tamad na tamad kong inabot ang oh so sossy kong phone sa bed side table ko habang nananatiling nakapikit ang aking mga mata. Sinagot ko ang tawag ng hindi na tinitingnan kung sino yung caller, eh sa inaantok pa ko eeeh.

"Sino ba tong hinayupak na nang-iistorbo ng beauty sleep ko ha?"

[Yo! Miss taray!]

Bigla akong napadilat at napabangon ng di oras ng marinig ko yung boses ng kupal na na-meet ko noon sa favorite bookstore ko.

"Hoy lalake! Ibalik mo na yung libro ko atsaka yung pera ko, hindi ka marunong tumupad sa usapan!"

[Whoa-whoa! Easy ka lang, chillax, hahaha, magkita nalang tayo.]

"At bakit naman ako papayag na makipagkita sayo aber?"

[I'll text you the address.. See you miss taray, babye-yoo!]

Toot~~~~~~~~~~ Toot~~~~~~~~~~~~~~

Ang kapal! At ako pa talaga ang binabaan niya ng telepono aaah! Humanda talaga to sakin, if-flying kick ko siya pabalik sa planetang pinanggalingan niya! At saan pa ba yun, edi syempre sa planet of the apes!! Bwahahaha!

Maya-maya pa ay may message na dumating, galing kay kupal. I-sinend nga niya sakin yung address.

Tuluyan na nga akong bumangon at agad na pumasok ng banyo para maligo at makapag prepare na rin ng sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay tumayo na ako mula sa vanity table ko at pumunta na sa garage para sumakay sa kotse. Tiningnan ko ulit yung address na tinext sakin nung kupal na sting ang pangalan ayon sa pagkaka alala ko tsaka pinuntahan yung address na sinabi dun sa message.

Habang papalapit ako ng papalapit sa lugar ay parang mas nagiging pamilyar ito sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na rin si kupal. He's wearing a v-neck tshirt under a coat habang preskong nakasandal sa kotse niya na O_O .... Wait, is that a Mclaren P1??? Sobrang mahal ng kotse na yan! Ganyan yung kotse ni ace eh! Shemmmsss! Yayamanin naman pala talaga ang isang to eh noh.

Pagkababa ko ng kotse tsaka ko lang na-realize kung nasaan kami ngayon. Omergosh! Nandito kami ngayon sa lugar kung saan kami nagpunta ni evo kagabi. Pero tapos na yata yung festival. Tanging yung lagoon at yung mga boats nalang kasi ang meron, wala na yung mga floating lights at wishing candles. O kaya lang siguro ganun ay dahil umaga pa lang naman??

Pero hindi katulad kagabi, walang katao-tao ngayon. Anyaree? Kagabi lang ang daming pumunta aah. Kahit wala pang mga ilaw ay hindi mo pa rin maipagkaka-ila na maganda talaga yung place. Yung tipong ang sarap tambayan paulit-ulit pero hindi naman nakakasawa. Kaya nakakapag taka naman na walang tao ni isa.

"Sabi ko na darating ka eh. So, let's go?" Ngiting-ngiting bungad sakin nung kupal.

"Teka, bakit walang tao?? Nag-rapture ba ng hindi ko alam at hindi ako kasama sa mga napunta sa heaven??! Huhuhuhu!! Ganun na ba ko kasama?!"

"Hahahaha! Chill, you're over reacting, pina-reserve ko kasi tong buong place just for the two of us. Kaya tayo lang ang nandito ngayon."

Psh, edi sya na yayamanin! "Oh ... I see." Sabi ko nalang para hindi ipahalata na medyo na-amaze ako.

The Memory Eater's Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon