Tori's POV
"Come on tori, pumayag ka na kasi." Nandito ako ngayon sa may coffee shop na pinanggalingan ko kanina at syempre, kasama pa rin tong jellyace na to at kinukulit pa rin niya ako tungkol doon sa offer ni evo.
Kasalukuyan kong sinisipsip ang frap ko nang kulitin nanaman niya ako. "Nasa kabilang unit lang naman ako eh. And I promise to check on you always. Tsaka isa pa, he's trustworthy. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na bantay-salakay. Come on tori. You're safe there."
Tumigil ako sa pag-sip sa straw ng frap ko at saka siya tiningnan. "I said no."
"Tori naman eh."
"Bakit mo ba ako pinipilit sakanya ace? Pwede bang iba nalang yung kunin mong manager ko? Kahit yung manager mo nalang. Wag lang siya!"
"No tori, wala ng katulad niya. Sigurado akong hindi ka nun iiwan. Tsaka isa pa, wag mo ng asahan yung manager ko na pumayag jan sa gusto mo, dahil kahit sikat ka, kuntento na yun sakin. Ayaw na nun ng dagdag sakit ng ulo."
Napabuntong-hininga nalang ako. So wala na talagang may gustong tumanggap sa isang super star na katulad ko?? Come on mammon! Pwede ba naman yun?!
"Ah basta ayoko!"
"Tsk. Wag na nga matigas ang ulo. Ibinibigay ko na nga sayo yung best eh, tina-tanggihan mo naman."
Inilapag ko sa lamesa yung key card na binigay niya sakin kanina. "By the way, salamat sa MASTER KEY ah, nakapasok tuloy ako sa unit ng gusto mong maging manager ko at nagawa mo pa ang step one ng plano mo, pero sorry ka nalang dahil kahit nagtagumpay ka sa una, nasakin pa rin ang huling halakhak. Babooo!" Oo alam ko na ang tungkol dun, sinabi na sakin ni ace na plinano niya ang lahat ng to. Kasura!!
"Tori!!"
Hindi ko na siya pinakinggan at nagtuluy-tuloy na sa kotse ko. Tsk! Wala akong panahon sa mga ganung walang kakwenta-kwentang usapan.
Naisipan ko naman munang maglagalag since bukas pa naman ang taping ko para sa movie namin ni ace.
Sumakay na ako sa kotse ko tsaka nag-drive papunta sa isang bookstore na matatagpuan sa mall na madalas kong tambayan.
Ewan ko pero parang gusto kong bumili ng libro. Bukod kasi sa nagagamit ko ito para makakuha ng idea sa pag poportray ng character na ginagampanan ko ay mahilig din kasi ako sa mga novels, lalo na yung may mga tragic na ending. Aaminin ko, iniiyakan ko yung mga ganun pero ewan ko ba, mas nag-iiwan kasi ng impact yung sakit kaysa sa saya eeh.
Favorite ko ang bookstore na to kasi parang isang giant ancient library yung motif niya. Bukod sa mga nagtataasang shelf na nandito ay meron ding nakadikit na mga shelves sa nagtataasang mga pader. Meron din namang reading area kung saan mo makikita ang mga old-styled pero astig na mga tables at chairs. Feeling ko bumalik ako sa dating panahon dahil sa old style nito.
Kasalukuyan akong nagbro-browse ng books sa mga bookshelves nang makita ko yung librong hinahanap ko. Bukod sa limited edition ang libro na yan ay nag-iisa nalang din ito. Pero Huhuhuhu lang. Paano ba naman kasi, nandoon sa pinaka mataas na part na hindi ko abot yung libro. Bakit ba kasi nasa hilera ng mga dictionary yung novel book na yan?? Ang tanga naman nung nag-lagay niyan jan. Porke ba magkaka-size sila?! Tch!
Gusto ko sanang magpa-assist nalang sa mga staff kaya lang kasi paano pag may nakakilala sakin dito? Baka dumugin nanaman ako. -_-
Since may nakita naman akong hagdan kaya tingin ko hindi ko na kailangan ng tulong. Ako nalang mismo ang kukuha. Umakyat na ako sa hagdan pero putspa lang! Hindi ko pa rin abot!! Gaano ba ako kaliit para hindi yan maabot? Huhuhu, kaya mo yan tori! Wag kang susuko! Alang-alang sa ekonomiya ng Pilipinas! Utang na loob abutin mo!
BINABASA MO ANG
The Memory Eater's Super Star
HumorKaramihan sa atin, fragments nalang ang memory na natitira from the past, marami na tayong hindi maalala sa mga childhoon experiences natin, mga alaala na nawala na o marahil nagtatago lang sa ating isipan. Hindi ka ba nagtaka minsan kung bakit? MEM...