Tori's POV
Kanina ko pa siya tinuturuan at mukhang napaka dali naman niyang natutunan ang lahat. Finamiliarize ko lang siya sa mga terms tapos alam niya na agad ang function. Ang astig nga eh, tinuturo ko nalang sakanya kung pano mag like sa ig. At kung paano naman makipag-chat sa fb. Pati kung ano yung mga pipindutin.
"Ayan naman ang pipindutin mo para makita na ng mga friends mo sa fb yung pinost mo.." Sabi ko sabay turo doon sa 'post' sa screen.
"Madali lang naman pala matutunan eh." Walang kaemo-emosyon niyang sabi habang nakatingin sa cellphone ni ace na pansamantalang nasakanya.
"I-follow mo ko sa ig tapos add as friend mo ko sa fb. Mag-dedelete ako ng friend para ma-accept ka. Na-reach ko na kasi yung maximum friends allowed. Wala, famous eh." Sabi ko sakanya habang nakatingin naman sa screen ng oh so sossy kong phone.
"Ayoko nga." Aba! Aba!
Bigla akong napalingon sakanya dahil sa sinabi niya. "At bakit naman aber?!"
"Kasi ayoko." Simpleng sagot naman niya. Arrrggghhh! At siya pa talaga ang may lakas ng loob na tanggihan ang superdupermegaultima ubod ng ganda na katulad ko ahh!!!!!!!!!
Nag-scoff nalang ako sa sinabi niya. "Paano mo ma-momonitor niyan yung mga posts ko kung hindi mo ko i-fofollow at i-aadd? Diba manager kita?! Kaya trabaho mo yun!"
"Kailan pa? Hindi ka pa naman pumapayag diba? Up until now, TRIAL manager mo pa rin ako." He said while still looking at the phone. At talagang pinag-diinan niya pa yung word na 'trial' aaah! Peste talaga!
"Are you provoking me na gawin ka ng manager ko?"
This time, tumingin na siya sakin tsaka ngumisi, PESSSSSSSSSTEEEEE! Wag mo kong akitin! Effective eh! Huhuhu!
"Papayag ka na ba pag sinabi kong oo?"
I just looked away. Hayyyss! Nakakasira siya ng concentration!
"Miss tori, scene niyo na pong dalawa ni sir ace. Pinapatawag na po kayo sa set."
Biglang eksena naman ni hera sa usapan namin ni evo. Tinanguan ko nalang siya tsaka tumayo without looking at evo. Baka pag pinilit pa niya ako lalo, mapapayag ako ng di oras. -_-
Pagdating ko sa set ay nilapitan naman ako ni ace, "Oh ano, kamusta?"
"Eto superdupermegaultima ubod pa rin ng ganda."
"Not you, -_- , si evo ang tinutukoy ko. Natutunan na ba niya yung dapat niyang matutunan??"
"Opkors! Syempre ako nagturo diba???? Ang ganda ko kaya."
"Anong konek? -_-"
"Ah ace ..... Pwede bang kunin mo na kay evo yung phone mo?"
"Bakit naman? Wala kaya siyang phone." Sabi na eeeh! Kaya hindi niya maibigay sakin yung number niya ay dahil wala pa naman siya nun! Tsk. Tsk. Isa pa, natunugan ko na rin yun habang tinuturuan ko siya mag fb at mag ig. Parang kinakapa-kapa parin niya yung phone eh. Though hindi yun ganun kahalata, pero duh! Walang makaliligtas sa aking mga mapupungay na mata ano! Nung sinabi ko sakanya na pindutin niya yung fb icon, parang hindi pa niya alam kung pano yung gagawin sa phone. Pag answer pa lang yata ng call ang alam nung gawin eh.
"Basta kunin mo na yung phone mo okay??"
"S-sige." Medyo nagtataka si ace pero pumayag naman din siya. "Tutal naman, binigay ko lang muna sakanya yung phone para hindi mo ako matawagan. Alam kong gagawin mo yun dahil sa siya ang pinagsundo ko sayo as a trial manager. See? Effective naman diba? Magkasabay kayong dumating sa set."
BINABASA MO ANG
The Memory Eater's Super Star
ЮморKaramihan sa atin, fragments nalang ang memory na natitira from the past, marami na tayong hindi maalala sa mga childhoon experiences natin, mga alaala na nawala na o marahil nagtatago lang sa ating isipan. Hindi ka ba nagtaka minsan kung bakit? MEM...