Tori's POV
"Ano bang ginagawa mo dun sa lugar na yun?" Tanong sakin ni ace while driving.
Tinawagan ko siya gamit ang oh-so-sossy kong cellphone para magpasundo sakanya. Buti nalang at hindi naman nila sakin kinuha yung sling bag at cellphone ko. Mamahalin pa naman tong mga to. Tch, sayang pag nawala.
"Na-adultnap nga ako okay?" asar na sagot ko naman sakanya. Asar pa rin ako hanggang ngayon dahil dun sa mayabang na lalaking evo ang pangalan na nakausap ko kanina dun sa bahay na yun.
"Pwede kang mas maging detailed sa pagkwekwento, alam mo yun? Tsss."
Hindi niya pwedeng malaman na muntik na akong mamatay kanina. Putspa, pag nalaman niya yun baka mag-transform yan at maging si hulk! Nakuuu, baka bigla pang matuloy yung na-delay na kamatayan ko.
"Tinatamad akong mag-kwento kaya pwede bang wag ka ng chismoso jan? Baka napag-tripan lang ako ng isa sa mga stalkers ko o kaya naman ng haters ko. Hindi naman na to bago eh. Atsaka may nagligtas naman sakin. So, no worries."
"At sino naman yang nagligtas sayo aber?"
Kanina ko pa pinagtatakpan yung nangyari sakin, at nahihirapan na kong magsinungaling. Buti nalang talaga at dati ng nangyari to kaya madali ko lang siyang mapapaniwala. Kaya lang, kailan ba ko tatantanan nitong si ace, baka kasi biglang makahalata eh. Hindi ko na alam ang isasagot ko sa mga tanong niya. Hindi ko rin naman kasi alam kung dapat ko pa bang sabihin sakanya na si evo ang nagligtas sakin. Baka kasi mamaya lalo niya akong pilitin na tanggapin yung offer nun, mapilit pa ako. Tch. Paano ko ba siya mapapahinto sa pagtatanong tungkol sa nangyari? Psh.
Ting! May naisip na ako para makapag busy-busyhan. Kinuha ko ang oh-so-sossy kong phone atsaka yung magandang bracelet na napulot ko kanina. At ginawa ko itong key chain ng cellphone ko. Aba, akala niyo ba superdupermegaultima ubod ng ganda ko lang? No! No! No! Creative din ako noh! Hehe, ang ganda talaga ng bracelet, bagay na bagay sa oh-so-sossy kong pho --- hala! Hindi pa pala ako nakakapag post uli ah!
Nag-selfie ako nang naka-pout tapos medyo teary-eyed pa. Hihi, ang galing ko talagang artista!! Ang bilis ko maluha. Kasalukuyan ko ngayong tina-type ang caption ko nang mapatingin sakin yung mongoloid na katabi ko.
"Anong gagawin mo?" tanong sakin ni ace habang nakataas ang isa niyang kilay nang makita niyang kinakalikot ko na yung cellphone ko.
"Mag-popost sa instagram na na-adultnap ak ---------- Aray!! Ano bang problema mong jellyace ka?!"
Binatukan ba naman ako! Ang sakit kaya!
"Nag-leave nanaman ba yang utak mo kaya ang tanga mo?" Maka-tanga naman to wagas! Tch.
"Katangahan na ba ang pag-iinstagram ngayon ha?!"
"Oo lalo na pag ikaw ang nag-popost! Pag nalaman nila na nakidnap ka edi trending ka nanaman sa social media. Sasabihin nanaman ng mga haters mo na humihingi ka lang ng simpatya at nagpapa-awa o kaya naman nag-iimbento ka ng kwento mapansin ka lang. Ang dami mo ng issues kaya please lang wag mo ng dagdagan pa."
Kidnap? Ano ko bata? Sinabi na ngang adultnap eh, slow lang maka-gets? Hay hayaan na nga!
"Edi maganda para sikat nanaman ak ----- Aray ko naman! Nakakadalawa ka na ah!"
Abuso na talaga tong taong to eh noh? Ipa-barangay ko na kaya?
Medyo gabi na ng nakarating kami sa bahay ko.
"Ayaw mo pa rin ba talagang tanggapin yung offer na doon ka nalang tumira sa unit ni evo kapalit ng pagiging manager niya? Ayokong mag-isa ka dito eh. Delikado kaya. Atleast doon, dalawa pa kaming titingin sayo."
BINABASA MO ANG
The Memory Eater's Super Star
HumorKaramihan sa atin, fragments nalang ang memory na natitira from the past, marami na tayong hindi maalala sa mga childhoon experiences natin, mga alaala na nawala na o marahil nagtatago lang sa ating isipan. Hindi ka ba nagtaka minsan kung bakit? MEM...