Tori's POV
"Teka nga lang tori, akala ko ba gusto mong bumili ako ng phone, eh bakit tayo umalis doon?" Naalala ko nanaman tuloy yung titigan nila ni empress!!! ARGH! Bwisit talaga!
"Malas dun! Dito tayo bumili." Sabi ko nalang habang nakakapit parin sa braso niya tsaka siya hinatak sa loob ng isang cellphone store.
Nang makapili na siya ng cell at ng sim ay agad na niya itong binayaran sa counter. (-_-) Kainis nga eh, hindi ako yung pinapili niya ng sim. Pisti! Paano ko naman makukuha ang number niya niyan? Ang arte pa naman ng isang to, ayaw ibigay. Kainissssssssssss times ten raise to infinity and beyond!
"Satisfied?" may pagka-sarcastic na tanong niya sakin.
"Not yet. Pakainin mo muna ako sa restaurant tsaka mo ko ihatid sa bahay ko. Tapos ibigay mo rin yung number mo, then yes, masaya na nga ako."
Napa hilot nalang siya sa bridge ng ilong niya, bakit kaya ang hilig nila ni ace na gawin yan? -_- "You're unbelievable." Nasabi nalang niya.
Hinatak ko na siya papunta sa isang restaurant na madalas kong kainan sa mall na to.
After naming umorder ng foods ay naghintay lang kami sa isang vacant table. At matapos ang ilang minuto ay dumating na rin naman ang mga order namin. Isa yan sa mga gusto ko sa restaurant na to. They serve fast, hindi nila pinaghihintay ng matagal ang mga customers nila.
Kasalukuyan akong kumakain nang magtanong si evo na siyang ikinawala ko ng gana.
"Why the hell did you pulled me awa ----"
"Edi sumama ka sakanya! Kahit maghalikan pa kayo magdamag wala akong pake!!!" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya tsaka ako tumayo at aalis na sana ng bigla kong makasalubong ang babaeng sadyang pinanganak yata talaga para bwisitin lang ako.
"Oh tori ..... just look at that, ikaw pala yung babaeng kasama ng savior ko?" Savior?? Can I puke?!
Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa table namin ni evo. "Yes I am. Got a problem with that?" Tingin niyo papayag ako na hayaan silang makapag solo? Ha! Not on my watch!
At ang lokaret, sa bakanteng upuan pa talaga sa tabi ni evo umupo????!!!!!!
"I'm empress and you are .... ?"
"Sorry, pero hindi siya nakikipag kilala sa mga unggoy na mukhang tao." Tinaasan lang niya ako ng kilay tsaka tumingin ulit kay evo. The nerve!!
"You're name is ..... ? Come on, hindi naman ako nangangain ng tao."
"Nanlalapa lang." I said while drinking my juice.
Tiningnan naman ako ulit ni empress ng matalim, "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko diba? Alam mo naman siguro yun, unless ............ tanga ka. Ooooooppsie .... Don't state the obvious nga pala. Sorry." She said in an obviously mocking tone.
My lips are trembling in anger. Sinasagad talaga ako ng babaeng to ah!
"O, bakit ganyan ang itsura mo? Hahaha, truth hurts noh?" Sabi niya tsaka sadyang tinabig yung juice ni evo kaya natapunan ako. Tama na tong kalokohang to!!!! I had enough!
Padabog akong tumayo mula sa upuan ko at aalis na sana nang biglang hawakan ni evo ang kamay ko para pigilan ako. Nagtataka akong tumingin sakanya pero tumayo lang siya at hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.
Tumingin siya kay empress, "Sa susunod na bastusin mo pa siya sa harap ko, baka makalimutan ko na ang salitang 'respeto'."
At ang sumunod niyang ginawa ay hinila na ako palabas ng resto. And the next thing I new, I can't stop myself from smiling.
Nakatulala lang ako sakanya ..... and there's one thing on my mind right now;
He's not empress' hero .............................. he's MY hero.
"Let's go find you a dress."
"H-ha?" Nakatulala pa rin kasi ako sakanya while remembering what he did earlier kaya hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya.
"Tch, hindi mo naman siguro gugustuhing mag ikot-ikot sa mall ng may juice-stained na dress, right?"
"A-ah ... o-oo naman. Pero anong sabi mo, mag iikot tayo sa mall??" Inaaya ba niya akong mag date?? Omy golly goo! (>////<)
"Tch." Hinila niya ako papunta sa harap ng isang boutique at hawak niya pa rin ang kamay ko. (>///<) Huhu, hindi naman racing field o obstacle course yung puso ko para dito magkarera ang mga kabayo aah. Huhuhuhu. Bakit ganito? Pakiramdam ko kinikiliti yung tiyan ko eeh. Ito na ba yung tinatawag nilang, butterflies in the stomach????
"Good afternoon sir, maam, ano pong hanap nila?" Biglang dating naman ng isang sales lady na napakalapad kung makangiti.
"I want a simple dress for her." Simpleng sabi lang ni evo without even looking at the girl. Tapos ay bigla nalang niya akong hinila papasok sa loob.
Nang dumating na yung babae ay may hawak na siyang dalawang knee-length dress sa magkabila niyang kamay, isang lilac na may mga magagandang decorations at isang white dress na wala masyadong design maliban sa gold at manipis na belt pati yung konting elegant ruffles sa dulo at folds sa bandang taas nito.
"Eto pong white dress ang pinaka simple yet elegant and graceful na dress namin dito sa boutique at itong lilac naman po ang may pinaka magandang decorations sa lahat ng simple dresses namin sir."
Magaganda naman yung mga dress, as in maganda talaga. Kaya lang allergic ako sa salitang 'simple'. Like duh!!! Pagsusuotin mo ng simple dress ang SUPERDUPERMEGAULTIMA ubod ng ganda na super star?? In your dreams!!! Hindi mo ko mapagsusuot ng simple! Never! Ever! Ever!
"Try them on tori." Nakangiting saad sakin ni evo. Aishh!!!!!!!!! Kahit gwapo ka hindi mo ko mapapa-oo, No! No! No! And my decision is FINAL!!!!!!!!!!
~*~
"Perfect." Evo commented pagkalabas ko ng fitting room habang suot-suot ko yung white na dress.
"Psh, kahit naman anong suotin ko, perfect na perfect. Wala yatang damit na hindi babagay sa kagandahan ko noh." Sabi ko pa while flipping my hair.
Babalik na sana ako ulit sa loob ng fitting room ng magsalita si evo.
"Wag mo ng hubarin, bayaran na natin sa counter. Just take off the tag."
"Teka lang uy! Hindi ko na ba isusukat yung lilac na dress?"
"Mas plain ang white kaysa sa lilac kaya hindi masasapawan ng dress ang mukha mo. Plain and simple dresses are made for that purpose. It diverts the people's focus on your face rather on itself."
Sino ba ang nagsabing ayaw ko sa mga simple at plain na dress? Gusto ko kaya sila!
Tinanggal na nung saleslady yung tag nung dress ko at iniabot kay evo para ma-punch na dun sa counter at mabayaran na. At habang nag-aabang ako ay biglang lumapit sakin yung saleslady.
"I must say, ang swerte niyo po sa isa't-isa ng boyfriend niyo miss tori. Hindi niyo na kailangang mag-PDA para lang masabing nagmamahalan kayo, sapat na yung konting ngiti at paghawak ng kamay para masabi niyo na mahalaga sainyo ang isa't-isa. Dahil po tuloy sainyo, naniniwala na akong may forever." Pagkasabi niya sakin nun ay umalis na siya na may ngiti sa mga labi niya.
Boyfriend??!!!! Yang asungot na yan?! Omy gedness!!! Sino bang gugustuhing maging boyfriend ang masungit, at antipatikong nilalang na yan?!
After niyang magbayad doon sa counter ay lumapit siya sa akin.
"So let's go?"
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Tiningnan ko lang siya. Nakangiti siya sakin at inaantay na kunin ko ang kamay niya.
Biglang nag flashback sa utak ko yung ginawa niya kanina sa resto. Alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong.
Ako. Ako yung babaeng gugustuhing maging boyfriend ang masungit, at antipatikong nilalang na yan.
Nginitian ko siya. "Tara." Tsaka ko kinuha ang kamay niya at sabay na lumabas ng boutique.
tworki
BINABASA MO ANG
The Memory Eater's Super Star
HumorKaramihan sa atin, fragments nalang ang memory na natitira from the past, marami na tayong hindi maalala sa mga childhoon experiences natin, mga alaala na nawala na o marahil nagtatago lang sa ating isipan. Hindi ka ba nagtaka minsan kung bakit? MEM...