Memory 9

14 3 0
                                    

Tori's POV

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo.

"Teka lang miss tori, inaayusan pa po kita eh." Sabi ng nag-aayos sakin.

Napatingin naman si evo sakin at nagtataka kung bakit nga ba ako tumayo. "May problema ba?"

Umiwas ako ng tingin sakanya. Peste! Namumula nanaman yata ako aaah. (>///<) Lechugas na kiss kasi yan eh! "W-wala kang pake!!!!!!! Lumayas ka nga dito!"

"Sige. Sunduin nalang kita mamaya." Tumalikod na siya at akmang aalis na.

"Teka lang!" Pagpigil ko naman sakanya.

"May ... kailangan ka pa?"

Lumapit ako sakanya at inabot ang oh so sossy kong phone habang naka-iwas ng tingin. "Manager na kita diba? Y-yung number mo."

Nakita ko naman mula sa per-pel-peliper- pelipelral pweh! Ang hirap bigkasin!! Ah basta yung nakikita ko siya sa gilid ng mata ko, basta ayun! So ayun nga, nakita ko na ngumiti siya ng nakakaloko. "So, pumapayag ka na ngang maging manager mo ko?" Argh! Sinabi ko ba talaga yun???! Lupa, eat me now please!

(A/N: Peripheral vision po yun xD , pagpasensyahan niyo nalang si tori.)

Binawi ko sakanya yung cellphone ko. "H-hindi noh! Asa ka pa! Wala pang isang oras na trial manager kita kaya wag ka masyadong assuming na papasa ka bilang manager ko. Tch. Ni-hindi mo man lang ako inaalagaan. Paano ka papasa. (>3<)"

"Hindi mo pa naman ako manager diba? Kaya paano kita maaalagaan, eh wala pa akong karapatan. Nga pala, nasa akin pa naman ang phone ni ace. Pag may kailangan ka, doon ka nalang muna tumawag." Sabi niya tsaka ako nginitian at umalis na.

Napa-upo nalang ako ulit sa upuan ko. Naka-drugs ba ako???? Bakit nagpa-palpitate ang puso ko dahil sa ngiti niya?

~*~

"Good take! Next scene naman tayo after 5 minutes."

Umupo ako sa upuan ko atsaka tinawag ang P.A. ko. "HERAA!! Nasaan na yung medium-sized pipino shake ko???"

"Eto na po miss tori." Agad naman niyang iniabot sakin yung hinihingi ko.

"Thanks." Marunong din naman akong mag-thank you kahit papano noh. Anong akala niyo sakin?? -_-

"May kailangan pa po ba kayo?"

"Hindi sige wala na. Tatawagin nalang kita."

"Okay po."

Kinuha ko sa pouch bag ko yung oh so sossy kong phone. It's Instagram time!!!!!!!

Nag-pose ako kasama ng pipino shake ko. Naka-nguso ako sa shake at inaangguluhan kung saang side ba ko MAS maganda. Atsaka ko kli-nick yung capture button nung nakuha ko na yung anggulong gusto ko. Tiningnan ko yung picture ko. Hihi, superdupermegaultima ubod talaga ako ng ganda. Hmmm.... Ano kayang caption ko???? Ah! Alam ko na!!!!!

Just chillin' with my cocolumber shake. ;)

Ganun din ang ginawa ko sa facebook account ko. Syempre, paano nalang yung mga fans ko na fb lang ang meron at walang mga Instagram accounts? Kawawa naman sila pag nagkataon diba? Hindi nila makikita ang kagandahan ko pag ganun. Kaya dahil napaka-bait kong diyosa ................ Pinindot ko na ang enter key.

Status Uploaded.

Yan, nakapag-post na ako sa fb at ig. Inilapag ko ang cellphone ko sa table na katabi ko tsaka pinagpatuloy ang pag-inom sa pipino shake na binili ni hera. Nang makarinig nanaman ako ng makabasag-eardrums na sigaw.

The Memory Eater's Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon