DO : Three

4.6K 99 1
                                    


Napadilat na lang ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Inaantok pa kasi ako kaya kahit pikit mata eh tumayo na ako. Ililigo ko na lamg itong puyat ko. Kasi naman eh nawili na naman ako sa pagbabasa ng pocketbook. Ayan tuloy naglalakihan na naman ang mga eyebags ko.

Medyo maga din ang mata ko kasi masyadong madrama yung nabasa ko na nagpaiyak sa akin ng todo. Haay bakit ba kasi sa mga ganun ko lang nararamdaman na may forever eh.

"Morning Danessa!" Seryosong bati sa akin ni Thomas na nagpalaki ng mga mata ko. Feeling concious eh nagmadali akong pumunta sa kusina para maghilamos. Nakakahiya na kung ano lang ang itsura nang makita nya ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reese sa likuran ko kaya hinarap ko sya.

"What the hell is he doing here?" Asik ko sa kanya. Wala naman kasing dahilan para pumunta sya dito dahil hindi naman nagagawi dito ang pinsan nya. Hindi pa din kasi umuuwi si Mela dahil nga ayaw nya pang magpakasal.

"I dont know. Basta bigla na lang syang kumatok eh natameme ako ayun pinapasok ko na. Ang gwapo eh." Nasalo ko na lang ang mukha ko. Grabe naman itong babae na ito. Bigla bigla na lang nagpapapasok.

"Ewan ko nga sa iyo. Sabihin mo na lang na wala si Mela dito at ng makaalis na sya. Linggong linggo eh masisira nya pa ang araw ko." Inis kong sabi sa kanya saka dumiretso ng banyo. Since linggo ngayon eh wala akong pasok pero kailangan kong umalis ng maaga dahil pupunta ako sa simbahan para magsimba.

"Eh nakakahiya eh. Ikaw na lang tutal mukhang close na kayo ngayon." Hirit pa din nya. "Saka paalis na ako dahil si mom may inuutos sa aking isang kliyente." Dagdag pa nya. Tinaasan ko sya ng kilay pero wa epek.

"Ah basta kung aalis ka na eh isabay mo na sya at ako eh maliligo na para makapagsimba." Yun lang at pumasok na ako sa banyo. After one hour eh lumabas na akong nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko din kasi ugali na mag bath robe kahit pa meron ako. Mas feel ko lang.

Pasipol sipol pa ako habang naglalakad ng mapahinto. "What the--?!" Hindi ko napagilang bigyan sya ng masamang tingin. Paano kung makatingin eh para lang akong alien na may anim na ulo.

"Dont you know how to use bath robe at binabalandra mo ang katawan mo sa harapan ko?" Asik nya pero imbis na sumagot eh kinipkip ko lang ang tuwalyang suot ko. Baka kasi biglang mahulog ito ngayon pa at may lalaki sa harapan ko.

"Excuse me pero kung sa iyo ko lang din naman ipapakita itong katawan ko eh di bale na lang." Mataray kong sabi na nagpataas ng kilay nya. Tumayo din sya bigla sa pagkakaupo nya sa sofa kaya naman nataranta na ako. Lumakad sya pasulong kaya lumakad din ako paatras. Ganun lang kami habang hindi inaalis ang paningin sa isat isa. Lihim na lang akong napamura ng maramdaman ko ang malamig na pader.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong nya bago inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang mukha ko. Nilapit pa nya yung mukha nya sa mukha ko kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-ha? Wa-wala oo wala." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa nangyayari sa akin. Lalo pa akong kinabahan ng tumaas ang sulok ng bibig nya.

"Ah akala ko may sinabi ka. Anyway magbihis ka na at ihahatid na kita sa pupuntahan mo." Lumayo na sya sa akin saka umupo ulit sa sofa at tahimik na nagbuklat ng mga magazine doon.

Dala pa din ng kaba sa kung anong pwede nyang gawin sa akin eh mabilis akong tumakbo papunta sa kwartong gamit ko. Nasa loob na ako at sarado na ang pinto pero ganun pa din ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Leche ka Reese.." sabi ko saka padabog na kumuha ng damit na isusuot ko. Tapos na akong magbihis pero kinailangan ko pa ring pakalmahin ang sarili ko para hindi naman ako magmukhang tanga.

Kung bakit naman kasi iniwan pa ako ni Reese sa lalaking ito eh. Alam naman nya na abot langit ang inis ko sa kanya dahil nga sa ginawa nya sa akin nung highschool.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon