DO : Four

4.1K 89 1
                                    


Never in my wildest dream na makakapasok ako sa lugar na ganito. Mukha mang mamahalin ang lugar still its a freaking motel and it creeps me out.

"Baka gusto mo ng pumasok?" Asik nya sa akin. Nasa labas pa din kasi ako ng kwartong nirentahan namin eh. Sinamaan ko sya ng tingin. Sya pa kasi may ganang magalit eh ako na nga yung napilit. "Psh kung ayaw mong pumasok eh bahala ka. Madalas pa namang may mga unwanted visitors jan sa hallway." Doon na gumalaw ang mga paa ko para pumasok sa loob.

Kahit hindi ko sya tignan eh alam kong pinagtatawanan nya ako kaya naman mas lalo lang akong nainis. Kaya naman hindi ko na inisip kung anong magiging reaksyon nya sa pagdadabog ko.

"First time mo noh?" Sya na nakatingin sa labas. Alam kong ako ang kausap nya pero wala akong pakialam. Wala syang karapatang kausapin ako after nitong ginawa nya. "Kahit hindi mo sagutin kasi halata naman. Anyway jan ka na sa bed. Dito na lang ako sa sofa."

Hindi ko sya sinagot at tahimik lang akong nanuod ng tv. Maya maya pa eh kumalam na naman ang sikmura ko. Hindi naman ako madalas gutumin pero ewan ko ba at ngayon eh nagugutom na naman ako.

"You can talk to me Danessa. I wont harm you." Naka smirked nyang litanya sa akin. Hindi pa din ako nagsalita. Naisipan kong pumasok sa banyo para sana tawagan si Reese at sabihing hindi ako makakauwi.

Ok naman ang naging paguusap namin kaya lang umepal pa din itong si Thomas. Kinuha pa nya yung phone ko kaya ngayon nga eh mukha kaming tanga na naghahabulan sa apat na sulok ng kwartong ito.

"Give me back my phone you.. you.." hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong itawag sa kanya. Kasi naman eh naiinis na ako.

"Me what? Danessa hindi ko ibibigay sa iyo itong phone mo hanggat hindi mo ako kinakausap. Tell me ano bang problema mo sa akin? Wala naman kasi akong matandaang ginawa sa iyo. Saka ang ganda ganda ng boses mo eh ayaw mong iparinig sa iba." napapikit na lang ako bago ko sya sinagot.

"Really? Eh di wow. Ano pa bang kailangan nyo SIR?" sabi ko na may diin sa salitang SIR. He giggled na parang ang sexy sa tenga ko. Nailayo ko tuloy ang sarili ng wala sa oras. Paano lumabas na naman ang topless nyang katawan sa harapan ko.

"Ganyan ka ba makipag usap sa lolo ko?" playful nyang tanong. Napatingin ako sa mukha nyang may kakaibang ngisi. Inirapan ko lang sya bago ko sya sinagot.

"Hindi. Mabait kasi ang lolo mo unlike you.." sabi ko pa. Bahala sya sa buhay nya na kahit pa isumbong nya ako sa lolo nya eh wa ako pake.

"Mabait din naman ako ah.." kunwari eh nagtatampo na tono nya. Isang irap na naman ang nakuha nya sa akin.

"Kung mabait ka eh di sana hinayan mo ng ako ang maging valedictorian noon. Hindi ko din alam pero naiinis ako sa iyo. Naiinis ako sa mula ng araw na agawan mo ako ng magandang future. You dont know how it feels na ako dapat yung nasa posisyon mo pero dahil sa mas makapangyarihan ang pamilya mo eh wala akong nagawa." Hinihingal na sabi ko. Hindi ko na din napigilan ang mapaluha. Dumilim naman ang ekspresyon nya kaya parang kinakabahan ako.

"Seriuosly Danessa?" may pagaakusa sa tono nya. Oo na alam ko naman na hindi ko na dapat sinabi iyon eh kaso nasabi ko na so paninindigan ko na lang. "It's been like what ten years and yet yan pa din ang nasa utak mo? Graduate ka na nga at lahat sa college tapos may maganda ka ng trabaho tapos ganun pa din?" nakita ko syang tumalikod sa akin kaya naman napakagat labi ako. Ayan kasi Dane eh. Nakaramdam ako ng guiltyness sa katawan kaya naman naglakad ako papunta sa kanya kaya lang nakakaisang hakbang pa lang ako ng maglakad sya diretso sa pinto saka lumabas. Pabagsak din nyang isinarado ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang lalabas na doon ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Masyado ko ata syang nagalit to the point na iniwan nya akong magisa?

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon