DO : Twenty Two

2.9K 73 0
                                    


"Salamat Deng ah. Kung hindi dahil sa iyo eh baka pati si nanay iniwan na kami." Nakangiti ngunit may luha sa mata ng pinsan kong si Santa. Nakababatang kapatid ni Ate Salome. Pareho lang kami ng edad at super close.

Nang umalis ako sa unit ni Reese eh dito ako sa Baler dumiretso para nga sa tyang at tyong ko. Napagamot namin ang tyang pero hindi nailigtas ang tyong.

"Wala iyon maliit na bagay kumpara sa naitulong ng nanay nyo sa akin nung namatay mga magulang ko." Pinilit kong ngumiti kahit na malungkot ako.

Halos isang linggo na din kasi ako dito pero ganun pa din yung feeling. Legal naman ang pagkawala ko sa trabaho dahil nagsabi naman ako kay Mr. Imperial. Nung una nga eh ayaw nyang pumayag at inuutusan pa akong kausapin muna ang apo nya pero ayoko muna talaga.

"Danessa dahil sa mga larawan na iyon eh maniniwala ka ng niloko ka ng apo ko? Alam mong uso na ang photoshop ngayon!" Halos mabingi na ako sa lakas ng boses ng lolo nila Mela. Nagpapasalamat ako na kahit nagalit sya sa ginawa ko nakaalis na ako. Atleast sa tawag na lang nya ako pwedeng sermunan.

Ilang oras na din akong nasa daan pero hindi ko naman pansin iyon dahil sa ganda ng mga nadadaanan namin.

"Basta sir hayaan nyo na lang po muna akong lumayo. Kung mapatunayan man na wala talagang ginawa ang apo nyo eh di maganda. Kaya lang kasi sir nasaktan ako eh. Ok lang kung hindi totoo iyon pero sana man lang po sinabi nya sa akin. Kaso hindi po nya ginawa eh that only means that he's guilty." Tumikhim ang matanda sa kabilang linya kaya naman hinanda ko na ang sunod nyang sasabihin.

"Kung iyan ang gusto mo eh hindi na kita pipigilan pero saan ba ang punta mo ngayon? Wala ka ng mga magulang di ba?" Napalunok ako at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba kung nasan nga ang punta ko.

"Wala na nga po pero may kapatid po ang nanay na syang tinirhan ko noon bago ako pumuntang Maynila. Kailangan lang p nila ang tulong ko kaya ayun po. Paano sir dalawang linggo po akong mawawala ah. Ingat po. Tawagan ko na lang si Dylan para sa mga naiwan kong trabaho." Wala ng nagawa ang matanda kaya nagpaalam na lang din ito sa akin pero ilang beses pa nyang inulit na inosente ang apo nya.

"Nga pala Deng hanggang kailan ka ba dito?" Tanong ng pinsan ko na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Bumuntong hininga ako bago sya hinarap.

Kasalukuyan pa rin naman na nakaburol ang tyong so tingin ko eh may panahon pa akong may stay since sa makalawa pa ang libing. Gusto ko pa ding tulungan ang tyang sa pagpapagaling nya eh.

"Ahm I think three more days pa. Ok lang naman iyon di ba?" Ngumisi ang pinsan ko sa akin.

"Oo naman. So after ng libing pwede kang sumama sa amin na mag surf? Marunong ka naman noon di ba? Dalawin na din natin si Mike. Di ba dati crush mo iyon?" Nangunot ang noo ko sa pangalabg narinig. Kahit naman kasi pamilyar sya eh di ko sya matandaan.

Siguro dahil bata pa nga ako noon. At lahat ng mga alaala ko dito sa Baler eh natabunan na ng mga alaala ko sa metro kasama nila Reese at Mela.

"Sorry di ko na ata sya matandaan." Natawa naman ang pinsan ko sa sinabi ko. Napakamot tuloy ako sa batok ko.

"Ok lang yun. Anyway si Mike nga yung crush mo dati. Bale may ari na sya nung resort sa bayan. Isa na yun sa pinaka sikat dito sa atin. Dalawin natin sya para makalibre tayo." Kinindatan nya ako kaya naman parang kinabahan ako bigla.

"Binata pa iyon at alam ko binalak ka din noon ligawan kaya lang bigla ka ngang nagpunta ng Maynila. Hala halika ng pumasok sa loon ng bahay at baka kakain na ng hapunan." Nagsimula na syang maglakad at pasunod na sana ako kaya biglang mag ring ang phone ko. Kanina ko lang naisipang buksan ulit iyon after a week.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon