DO: Eighteen

3K 71 0
                                    

Akala ko na dahil nandito ang parents nya eh mas bibigyan nya ito ng time pero nagkamali ako dahil madalas pa din kaming magkasama. Nakuha pa nga naming icelebrate ang first monthsary namin sa ibang lugar eh.

Alam kong gusto din makasama ni Tommy ang parents nya pero ewan ko ba dito at palagi na lang nasa tabi ko. As if he's making bantay sa akin. Minsa nga gusto ko syang tanungin kung may mangyayari bang masama o wala eh. Kaso natatakot na lang ako.

"Oh bakit nangingiti ka jan at parang kinikilig ka? Wait hulaan ko ako yung dahilan noh? Iniisip mo ako noh?" Napaikot na lang ng sabay ang mga mata ko. Tinaasan ko sya ng kilay after saka pinisil ang ilong. Hindi naman kasi ako nakangiti eh.

"Assuming mo ah. But yeah ikaw nga ang nasa isip ko. Naisip ko lang na napaka swerte mo kasi gf mo na ako." Sya naman ngayon ang napaikot ang mga mata pero nakangisi din naman.

Nasa byahe kami mula pa kaninang umaga kahit di ko alam kung saan ang punta namin. Bigla na lang kasi nyang sinabi sa akin na aalis kami after ng mass. Kung saan eh hindi naman nya sinabi.

"Hindi ko naman kailangang mag assume kasi nga alam kong totoo iyon." Hinawakan nya ang kamay ko saka iyon hinalikan sa likod. Nanginig naman ang buong kalamnan ko sa ginawa nya.

"Sus ikaw talaga dami mong alam. Teka saan nga kasi ang punta natin at pinag leave mo pa ako ngayong sabado. Bukas naman eh walang pasok." Kunwari eh naiinis kong sabi kahit ang totoo eh super excited na ako.

Hindi naman kasi ako palagalang tao. Dahil nga focus ako sa school ko eh madalang akong pumasyal. Kung hindi pa nga kami magkaka field trip eh malabong makapunta ako sa ibang lugar.

"Secret kasi. Basta sigurado ako na matutuwa." Tumaas ang sulok ng bibig ko dahil sa sinabi nya. Paano naman nga kasi ako matutuwa sa bagay na di ko alam?

"Panay na lang tayong umaalis tuwing weekend at wala akong pasok. Umamin ka nga. May hindi ba ako alam?" Tanong ko kahit pa joke lang naman iyon. Natigilan sya saka napaiwas ng tingin.

"Hindi noh. Bakit masama bang gustuhin kong makasama ang gf ko?" Nakangusong sabi nya.

"Hindi syempre. Ang akin lang eh pinauwi mo ang parents mo tapos hindi mo man lang maipasyal." Biglang nagoba ang mood nya at sumama ang tingin.

"Yeah right pinauwi ko nga sila pero dahil nga gusto kitang ipakilala. Napakilala na naman kita kaya tapos na ang dahilan nila dito. Also kapag magkasama kami ni mommy eh puro na lang si Marie ang bukambibig nya and it annoys me big time." Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Dahil sa sinabi nya.

Isa lang kasi ang ibig sabihin noon. Ayaw talaga sa akin ng mommy nya at nalulungkot ako dahil doon.

"Bahala ka nga kung ayaw mong sabihin kung saan ang punta natin.. Kung malayo pa tayo eh matutulog muna ako. Wake me up kapag nasa pupuntahan na natin tayo ah." Sumaludo sya kaya naman natawa na lang ako. Maya maya pa eh unti unti na nga akong napapikit at nakatulog.

Isang haplos sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. Nang buksan ko naman ang mga mata ko eh ang nakangiting mukha ni Tommy ang nakita ako. Kumunot ang noo ko saka pinakiramdaman ang mukha ko kung may dumi ba.

"Gusto pa sana kitang panuorin habang natutulog ka kaya lang nandito na tayo eh. Malapit ng magsimula yung event kaya halika na sa labas." Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Puoungas pungas pa ang mata ko habang naglalakad ako.

Nang gising na talaga ang diwa ko eh inilibot ko na ang paningin ko only to see lots of car -- racing cars actually infront of me. Kunot noo kong tinignan si Tommy na kumikinang naman ang mata.

"Racing has been my dream since I was 7 kaya lang dahil ayaw ng parents ko eh hanggang sa panonood na lang ang kaya ko." Bumuntong hininga sya bago ako hinarap.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon