DO : Twenty

3K 69 0
                                    

From: Tommyko

Goodmorning Dane :) Gising ka na and dont worry kasi hanggang ngayon eh mahal pa din kita. Im on my way para sunduin ka so brace yourself.

Napangiti na lang ako nang mabasa ang text message na galing mula kay Tommy. Mabuti na lang at hindi sya galit dahil sa biglang pag alis ko kahapon.

Natakot naman kasi ako sa pwedeng mangyari kung nag stay pa ako ng matagal doon eh.  Naisip ko na baka magkagulo pa dahil sa akin kaya minabuti kong ako na lang ang lumayo. Tinawagan ko na lang sya ng makauwi ako para di na sya mag alala pa.

Hindi ko na sya nagawang replyan kasi nagmadali na akong maligo. On the way na nga kasi sya at dahil ayokong maghintay sya ng matagal eh ako ang mag aadjust para sa kanya.

Nang makalabas ako sa banyo eh saka ko lang hinanap ang kasama ko na hindi ko nakita sa harapan ng tv. Sarado din ang kwarto nya so I guess hindi sya dito umuwi. Papasok na sana ako sa kwarto ko para magbihis ng makarinig ako ng mga katok.

Knowing its just my friend Reese eh binuksan ko na agad pero napanganga na lang ako ng makitang hindi si Reese iyon kundi si Tommy pala. Magkasalubong ang mga kilay nya habang nakatingin sa akin.

"You always open this door with that look?" Iritado nyang tanong sabay nguso sa suot kong bathrobe. Well lucky him naisipan kong magbath robe ngayon. Usually kasi towel lang ang gamit ko. Since hindi ko ugaling magbukas ng pinto dahil inuunahan nga ako ni Reese.

"Hindi ah. Akala ko kasi si Reese ka. Wala kasi sya eh." Tinaasan nya ako ng kilay sabay pasok sa loob. Taranta naman akong nag give way sa kanya.

"Alam kong hindi ka pa kumakain kaya bumili na ako sa labas bago dumiretso dito sa kumain muna tayo bago umalis." Kipkip pa din ang bathrobe ko eh sinarado ko na ang pinto. Nang tuluyan na nga syang makapasok.

"Ang bilis mo naman kasi. Kakatext mo pa lang na on the way ka dito eh." Ngumuso ako kasi di ko lam gagawin ko. Kumunot ang noo nya ng humarap sa akin.

"Bakti ayaw mo na ba akong makita agad? Nung nagtext kasi ako sa iyo eh papasok na ako sa parking lot." Nanlaki ang mga mata ko. Kaya naman pala eh. Ngumuso na lang ulit ako saka lumapit sa kanya. Wala lang naman ang paglapit ko kaya nang nasa tapat na nya ako at bigla nyang hinila eh napasigaw ako. Napayakap kasi ako sa kanya. "Shit" mahinang mura nya na nagpailang sa akin.

"Magbihis ka na nga at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo." Naintindihan ko naman ang gusto nyang ipaintindi sa akin pero ewan at hindi ko magawang lumayo sa kanya.

"Bakit ano bang gagawin ko kung mas lalapit pa ako sa iyo ng ganito?" Napalunok sya at may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata nya at napatingin pababa sa suot kong robe.

"Wala." Lumayo sya sa akin. "Basta magbihis ka na at baka matrapik pa tayo." Nang hindi pa din ako kumilos eh sya na mismo ang lumayo sa akin at tinalikuran ako. Sinimulan na din nyang ayusin ang mga pagkain na dala nya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at saka nagbihis ng uniform ko sa bangko. Hindi muna ako naglagay ng make kasi hindi pa din naman ako nakakapag toothbrush since kakain pa lang ako.

"Hindi umuwi si Reese?" Tanong nya nang nasa dining na kami pareho at sabay na kumakain. Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago sya sinagot.

"Hindi ata. Tahimik sa kabilang kwarto eh." hindi na sya sumagot ulit kaya tahimik na lang din akong kumain. Nang matapos kaming pareho eh umalis kami agad. He looks so happy kaya di ko napigilan ang tanungin sya.

"Saya mo ah. Anong meron? May nakain ka ba na kakaiba at ganyan kaganda ang mood mo?" nawala ang ngiti nya kaya napahagikgik ako. Sumimangot pa sya bago ako hinarap. Pinanlakihan ko naman sya ng mata kasi nagdadrive sya tapos titignan pa nya ako.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon