DO : Eight

3.3K 93 3
                                    

Gusto ko na agad sabihin kay Reese ang good news pero dahil sa hindi ko na sya naabutan eh naghintay pa ako ng sumunod na araw saka ko nasabi ang good news para sa kanya. Kung bad news sa akin eh hindi ko lang alam.

Kagabi eh naging maayos naman ang pakikipagusap ko kay Mr. Imperial. Hindi pa sya totally pumayag pero pagiisipan daw nya. So I am hoping na sana eh isipin nya din ang kaligahan ng apo nya. Alam ko naman ko naman kasi na hindi pa din nakakalimot si Mela base na din sa tono ng bitterness nya nung huli kaming nagkausap.

"Late ka na ba dumating kagabi?" bungad ko kay Reese ng lumabas sya ng kwarto nya na halata mong bagong gising pa lang. Kukusot kusot pa kasi sya ng mata nya kaya alam kong tulog pa ang diwa nya. Huminto sya sa ginagawa at saka ako hinarap.

"Ikaw pala Dane. Ayun oo late akong nakauwi kasi naman daming inayos sa event na hinandle namin kagabi. Ang arti nung kliyente eh sobrang kuripot naman." Natawa ako ng nalukot ang mukha nya. Badtrip sya kaya dapat lang na pagandahin ko ang mood nya hindi lang dahil sa ganda ko kundi pati na din sa balitang dala ko.

"Hayaan mo na yun. Ang mahalaga eh pumayag na si Tommy na maging model mo." napahinto sya sa akmang paginom ng kape saka tumingin sa akin. Kinindatan ko sya kaya naman nanlaki na ang mata nya.

"Hindi nga pumayag sya?" tumango ako at ng mapatingin sa oras eh tumayo na din. Kailangan ko ng kumilos para hindi naman ako mahuli sa trabaho ko. "Sigurado ka Dane huh. Naku thank you!" niyakap nya ako ng sobrang higpit to the point na hindi na ako nakahinga.

"Oo pero mamaya na tayo magusap. Nga pala palabas na sila Popoy at Basha. Nood tayo mamaya?" Tanong ko sa kanya. Pareho kasi naming paborito yung movie na una noon eh. "Mamaya ko na din sasabihin kung paano pumayag si Tommy at kung ano ang kondisyon nya." tumango sya kaya naman naging mabilis na ang kilos ko.

Kahit sabado eh nakasuot kami ng uniform kaya naman wala akong choice. Yung iba sa amin eh nagdadala ng damit pamalit since after ng trabaho eh umaalis sila. Ako naman dahil mas gustong umuwi eh hindi na nagdadala pa pero dahil manunuod kami ng sine eh nagbaon ako.

Pumasok akong ang thinking eh tapusin lahat ng dapat kong tapusin para naman hindi ako maiwanan ng mga kasamahan ko. Sabado nga kasi kaya naman bantay sarado ng lahat ang oras.

"Hindi ka pa uuwi?" Nagulat at mahina pa akong napamura ng sumilip si Dylan sa opisina ko. Wala sa sariling napatingin ako sa oras sa cellphone ko at nakitang uwian na nga pala. Hindi ko na naman namalayan ang oras dahil nagkaharap na naman kami ng mga numbers.

"Ahm hindi pa kasi manunuod kami ng sine si Reese." sagot ko saka mabilis na inayos ang mga nagkalat na papel sa table ko. Tapos na naman ako kaya lang ewan ko ba at hindi pa ako nagliligpit  Mabilisan ko ding pinatay ang computer na ginagamit ko. Lalabas na sana ako para makapagbohis ng magsalita ulit sya.

"Kayong dalawa lang o may date sya? Baka pwedeng sumama din ako. Ano bang panunuorin nyo?" Natigilan ako saka naghanap ng masasabi.

"A second chance sana." Sabi ko sabay tingin ulit sa phone ko dahil tumunog ito. May isang message na dumating galing kay Reese kaya binasa ko agad iyon. Nung una nakangiti pa ako pero ng mabas ang text nya eh napanguso na lang ako.

"Bakit?" Tanong nya ng mapansin siguro ang reaksyon ko.

"Hindi daw ako masasamahan ni Reese kasi may biglaang meeting daw sya sa isang client." Nakalabi kong sabi. Tumaas naman ang kilay nya pero umakma syang magsasalita kaya inunahan ko na sya. "Im not sure kung magkakaroon pa ako ng chance na makapanoon so kung ok lang sa iyo eh tayo na lang magsama." Umawang ang bibig nya pero alam kong gusto nya din iyon. Well matagal na naman nya akong inaayang lumabas kaya naman ngayon pagbibigyan ko sya.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon