DO : One

6.7K 147 2
                                    


As I looked at my reflection in the mirror eh makikita mo ang isang babaeng may pinag aralan at may maayos na buhay. Wala ng bakas ng kahirapan at kalungkutan na dala ng kanyang nakaraan.

Masaya ako na kahit maaga akong naulila eh hindi ako pinabayaan ng dyos. Its been  years mula ng maka graduate ako ng college and that time ako na ang cum laude.

Meron din naman akong kakompitensya pero hindi na talaga ako nagpalamang. Accountancy ang kinuha kong kurso na hindi naman naging mahirap sa akin.

Mahal na mahal kasi namin ng mga numbers ang isat isa. Ako lang din sa batch namin ah nakapasa plus top notcher pa sa exam namin.

Ngayon eh isa na akong branch manager ng Imperial Bank. Aaminin ko na mas nakatulong ang pagiging malapit ko sa isang Imperial kaya madali akong nakapasok dito. Nagsimula naman ako sa baba but as years goes by eh nakita nila ang potensyal ko.

"Pasok ka na Dane?" Nagulat pa ako ng maabutan ko si Reese sa sala. Nanonood sya ng morning show habang umiinom ng kape. Her usual routine na hindi na ata mababago.

Unfortunately eh kaming dalawa lang ang natuloy magsama dito sa condo nya. Si Mela kasi eh naginarte at minabuting sa New York mag aral. We understand her naman still mas maganda kung dito pa din sya kasama namin. We will never be called DoReMi kung kulang kami.

"Oo eh. Ikaw ba walang shoot ngayon?" Tanong ko sa kanya. Isa na kasi syang professional photographer katulad ng lolo nya. May ari na din sya ng isang events company na malapit lang dito kaya pwede syang pumunta anumang oras nya gustuhin.

"Meron pero mamayang hapon pa. Darating kasi sila Dad at Mom sa shop kaya doon muna ako tatambay." Sagot nya pero nakatingin pa din sa tv.

Hindi ko ugaling kumain ng heavy breaksfast sa umaga kasi takot akong tumaba. Kaya nga cereals at gatas lang eh ok na ako. Binawasan ko na din ang pagkakape dahil masyado na akong nerbiyosa.

"Hala!" Biglang sigaw ni Reese na nagpatigil sa akin. Nilapitan ko sya kasi baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Ano ba yun at kung makasigaw ka naman jan." Asik ko. Tinignan nya ako saglit bago binalik ang tingin sa tv. Alam kong hindi naman ako sasagutin ng bruhang ito eh kaya naman mas lumapit na ako sa kanya para makita din ang tinitignan nya.

Kasalukuyan nating inaabaangan ang paglabas mula sa arrival area ng magpinsang Imperial na sila Melania at Thomas.

Nanlaki ang mga mata ko saka hinarap si Reese na nakatingin din pala sa akin. "Nandito na si Mela!!" Chorus naming litanya saka nagyakap. Para lang kaming tanga pero wala kaming pakialam dahil masaya kami.

Hindi ko man alam kung bakit biglaan ang paguwi nya eh masaya pa din ako. Napatingin ulit kami sa tv ng maghiyawan na ang mga babae sa parte ng airport na iyon.

Paano yung kasama ni Mela na lalaki eh bigla na lang tinaggal ang suot nitong salamin dahilan para makita ng mga tao ang mukha nya. Napanganga na lang ako ng makilala sya.

"Si Thomas yan di ba?" Tanong ko sa sarili ko.

"Kakasabi nga lang nung reporter di ba?" Singit naman ni Reese. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Sus ano crush mo na ulit?" Dagdag pa nya.

"Crushin ko mukha nya eh.." sabi ko sabay talikod para bumalik sa dining. Narinig ko pa ang pagtawa ni Reese pero di ko na sya pinansin.

Crush? Si Thomas crush ko? Oo dati crush ko sya pero mula nung inagawan nya ako eh kinalimutan ko na ang munting paghanga ko sa kanya.

Kinain ko na lang yung hinanda kong cereal at saka umalis ng unit ni Reese. Wala akong sasakyan kaya naman pumara na agad ako ng taxi. "Manong sa Imperial Bank po." Turan ko sa driver. Mabilis naman syang tumalima ng andar. Swerte ako kasi hindi trapik. Ayun mabilis akong nakarating sa bangko. Nagbayad ako kay manong saka mabilis bumaba ng taxi na iyon.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon