DO : Fourteen

3.2K 98 1
                                    


Nagtataka man eh nagawa ko namang kunin yung teddy bear pati na din yung mga bulaklak. "Im not sure kung mahilig ka ba sa teddy bear at flowers pero nagbaka sakali na din ako." Sabi nya nang makuha ko na nga yung dala nya.

He then smile at me kaya parang natulala naman ako. Kung hindi pa ako kinalabit ni Reese eh baka hindi na ako natinag. "Hindi mahilig si Dane sa mga ganyan pero tingin ko naman na nagustuhan nya yang binigay mo. Halata naman sa reaksyon nya di ba?" Tinignan ko ng masama si Reese dahil sa pangunguna nya sa akin. Tumikhim lang naman sya bago kami tinalikuran.

"Nga pala anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng mahanap ko na ang diwa kong saglit nawala dahil sa pagkabigla. Napakamot naman sya sa batok nya.

"Naalala ko kasi na nagsisimba ka tuwing linggo kaya naisipan kong samahan ka ngayon." Gusto ko sanang itanong kung bakit nya pa ako kailangang samahan kaya lang nang hilahin na nya ako palabas ng unit ni Reese eh nilipad na ng hangin ang lahat ng nasa dulo ng dila ko.

"After nitong mass san tayo?" Tanong nyang hawak pa din ang kamay ko habang papunta kami sa sasakyan nya. Sasagutin ko na sana sya ng bigla akong batiin ng isang tenant din sa building ni Reese.

"Hi Dane!" Automatic na nginitian ko si Kent na dati kong manliligaw pero friends pa din naman kami kahit pa binasted ko na sya.

"Hello Kent kamus--" hindi ko na natapos ang gusto ko pang sabihin ng bigla na lang akong hinila ni Tommy pasakay sa sasakyan nya. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang kawayan na lang si Kent na nagawa naman akong tanguan.

"That's rude huh." Sabi ko kahit hindi ko gets kung bakit nya kailangang gawin iyon?

"It's not rude Danessa. Paalis na tayo eh tapos babati pa sya sa iyo na parang wala kang kasama." Napabuga na lang ako ng hangin. Seriously?

Hindi naman ako nainis sa ginawa nya pero tinamad akong magsalita kaya hanggang sa matapos ang mass eh hindi ko sya pinansin. Napansin ko lang sya ng nasa mall na kami at naghahanap ng makakainan.

"Where do you wanna eat?" Tanong nya. Bago ko naman sya sinagot eh inilibot ko muna ang mata ko to look around sa pwede naming kainan. Naagaw ng atensyon ko ang isang coffeeshop na may cute na pangalan na Marie Claire kaya doon ko sya inaya kaso ng makapasok kami eh doon lang ako nagsisi.

"Glad to see you here Tommy." Kay lawak ng ngiti ni Marie habang sinasabi iyon pero nabawasan ng makita ako. "Your with Danessa pala. Anyway have you ordered na ba o hindi pa?" Gustong umikot ng mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Tapos na Marie." Tipid na sagot ni Tommy saka ako tinignan. Napanguso na lang ako saka inilibot ang paningin. So she own this place? Infairness maganda. Ramdam mo nga lang na pang mayaman lang talaga.

So far hindi na naman sya nakapanggulo habang kumakain kami. Good thing may event pala sya ngayon. Akala ko nga na hanggang sa pagalis namin eh hindi ko na sya makikita but i was wrong.

"Here." Abot nya kay Tommy ang isang box. Siguro pastry iyon.

"You know how much I hate sweets Marie." Gusto kong malungkot. Paano ako I love sweets. Ibig bang sabihin hindi kami comptible? Kailangan ko na bang kalimutan ang kung ano mang nararamdaman ko sa kanya? Ngumisi lang si Marie.

"Silly. Para yan sa lolo mo noh. I remember kasi na paborito nya iyan eh. Tell him I miss him na." Napatango na lang si Tommy.

"Sige bigay ko na lang ito sa kanya. Paano mauna na kami." nagngitian silang dalawa pero dahil hindi pa din nakuntento si Marie eh lumapit pa sya para sa isang halik o yakap sana kaso dahil sa maagap si Tommy eh mabilis na syang nakalayo. Pinigilan ko na lang ang matawa sa itsura ni Marie nang makalayo na kami ng tuluyan.

Watch Me Fall (DOREMI Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon