Chapter 31.5- Will You Be My Girl?? (Part 2)

1.4K 47 0
                                    

 

Chapter 31.5- Will You Be My Girl (Part Two)

 

Danica's POV

"Bessie wag mo nang tingnan yang mukha mo sa salamin ... Baka tuluyan ka nang mainlove sa maganda mong mukha ... Hahahaha ... Tara na nga" Bessie chuckle tapos hinila na ako papasok sa barko ... Yeah Barko ... Ang ganda ng Barko ... Hindi ito yung katulad dati mas maganda to kaysa sa dati

Hinatid agad ako ni Bessie sa Entrance tapos umalis na ... Hala iiwan ako ni Bessie !!! ... Wala pa naman tao ngayon dito ... I Admit na puno ng Ilaw yung Barko pero tahimik ... Parang walang katao-tao ... Ang tanging maririnig mo lang ay yung mga alon na humahampas sa Dalampasigan

Hahabulin ko sana si Bessie pero biglang may humawak sa Braso ko kaya napaharap ako ... at sa pagharap ko may bumungad na Isang Pirasong Red Rose sa mukha ko

"For You Ms. Danica" Formal na sabi ni Jhon-jhon ... Yeah si Jhon-jhon ... Siya ang nag-abot sa akin ng Red Rose ... NakaFormal Attire rin siya katulad nang suot ni Daddy kanina

Ngumiti na lang ako tapos kinuha ko sa kanya yung Bulaklak ... Pagkakuhang-pagkakuha ko ng bulaklak ... Bigla na lang may tumugtog na kanta

[ Now Playing: God Gave Me You by Bryan White]

 

(Play God Gave Me You while reading this Part para mas Feel niyo)

"May I Have this Dance ??" tanong ni Jhon-jhon ... Kinuha ko agad yung kamay niya tapos sinayaw niya ako at parang habang sumasayaw kami feeling ko naglalakad kami papasok

"Mas maganda ka pa sa Barkong to Danica"ngumiti si Jhon-jhon tapos iniikot ako at binitawan ... akala ko matutumba na ako pero biglang may humawak sa bewang ko tapos sinayaw ako

"Para sayo Danica" ngumiti sa Jaerah at inabot sa aki yung Rose habang nagsasayaw kami ... Baka magselos si Rica sa akin ... At tsaka si Abby na inlove-inlove kay Jhon-jhon ... Baka sugurin nila ako at sabunutan

Napatingin ako kay Jaerah nang bigla siyang tumawa ... tiningnan ko agad siya ng may halong pagtataka

"Hahahaha Hindi ka nila susugurin at sasabunutan ... Gusto lang nila na sumaya ka Danica ... Ngumiti ka ha ?? ... Hindi ka nila susugurin ... All we wanted is to make you Happy"ngumiti si Jaerah tapos inikot ako at binitawan but then may humawak na naman sa bewang ko at sinayaw na naman ako

"Rosas Danica oh"inabot agad sa akin ni Jaeron yung Rosas tapos sinayaw ako ... Baka awayin naman ako ni Mary Rose dito !! ... May inabot naman sa akin si Jaeron na papel tapos iniikot na ako at binitawan ... Bubuksan ko na sana yung papel pero bigla na namang may humawak sa Bewang ko at sinayaw ako

"Mamaya mo na buksan yan Danica ... Eto oh Rosas ... Bigay sayo ni Gwapong Carlo" kumindat siya at inabot sa akin yung Rose tapos sinayaw niya ako

Maya-maya inikot na niya rin ako at binitawan pero may humawak agad sa bewang ko and then as usual sinayaw na naman ako

"Anak eto oh Rosas ... Alam kong gustong-gusto mo sa mga rosas na pula" ngumiti si Daddy sa akin at inabot niya yung Rosas sa akin at sinayaw niya ako

"Ayoko nang patagalin pa to Nic-nic ... Gusto ko na agad makita yang mga ngiti mo nung magkasama pa kayo ni Kenneth One Year Ago ... Gusto ko sumaya ka ulit katulad nang saya na naramdaman mo kay Kenneth ... Mahal na mahal kita Nic-nic" tumulo yung luha ko sa sinabi ni Daddy kaya pinunasan niya agad

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon