Chapter 43- Comfort

1.1K 41 3
                                    

Chapter 43- Comfort

 

Kenneth's POV

 

"Class dismiss. Remember your homeworks ok??" after na lamubas ni Ma'am. Nagsigawan agad yung mga Classmate ko. Bakit ganito?!!, Kanina pa ako hindi mapakali eh. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa Lessons. Kinakabahan ako. Parang, Parang may mali eh

"Ayos ka lang Ken??" lumapit sa akin si Jaeron at tinapik yung balikat ko

"Oo ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako" huminga ako ng malalim pero ganun pa rin eh. kinakabahan pa rin ako

"Kanina ka pa hindi mapakali ah!!!"

"Hindi ko rin alam Jaerah eh" inayos ni Carlo yung bag ko at hinila nila ako patayo. Half Day lang kasi kami ngayon. May General Practice kasi yung Soccer Players eh. Bukas na kasi yung Championship nila

"Teka nga!!! Saan niyo ba ako dadalhin mga ugok kayo?!!!"pigil ko sa kanila. Palabas na kami ng room eh

"Pupunta tayo ng Mall!!!. Kakain tayo ng Lunch!!!"sigaw ni Jaeron

"Jheric!!! Hindi ka sasama sa amin??" tanong ko kay Jheric

"Hindi na Hyung. May Practice pa po kasi kami ng Soccer eh. Magwawarm up pa ako" nakangiting sabi ni Jheric. Oo nga pala Soccer Player siya

"Gurang ka na pala Ken eh!!!. Bwahahahaah!!!. Sa akin na ang titulong pinakapogi sa lahat!!!!. Bwahahahaah. Gurang!!!" binatukan ko si Jaeron na tawa ng tawa. Pati sila Carlo tawa rin ng tawa

"Anong gurang kayo diyan ha?!!!. Sadyang napakagalang lang talaga ni Jheric!!!"

"Napakagalang sa mga Gurang bwahahahaha!!!"namumuro na talaga to si Jaeron eh!!. No hard feelings. Pero seriously medyo nababawasan yung pagka-kaba ko

"Psh" I hissed at sumakay na sa Kotse ko. Sumakay na rin sila sa kotse nila. Kanya-kanya kami ng Kotse eh. Aba masyado naman silang maswerte kung sa Kotse ko pa sila sasakay!!

Inistart ko na yung engine at pinatakbo na papuntang Mall

Danica's POV

"Sir Aldrin" sabi namin ni Misty pagpasok namin ng Room. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako eh. Kanina pa ako kinakabahan sa Cafeteria eh kaya nga hindi ako masyadong nagsasalita at nakikisali sa kanila

"May ipapagawa ako sa inyong dalawa na Report. Misty, magiinterview ka sa DL Inc. Sa Company nila Danica to be exact. Tatanungin mo lang kung paano nila napapatakbo yung Company nila ... or anything basta about Business and for you Danica, magiineterview ka sa Mall nila Kenneth yung Mall na pinuntahan natin" tumango kaming dalawa ni Misty

"Good. Special project niyo yun. Mauuna kayong magpasa sa akin kaysa sa Classmates niyo. You may go" dumiretso na kami ni Misty sa pinto pero hindi pa kami nakakalabas sinalubong kami ni Bessie,Mary Rose,Rica at Abby. Galit sila ang sama ng tingin nila sa amin, ay hindi pala sa akin lang pala

"Ah Bess—" bago ko pa matapos yung sasabihin ko sinampal niya agad ako. Ang lakas even sir napatingin sa amin sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Hinawakan ko yung pisngi ko at yumuko ako

"Bak—-" may sumampal na naman sa akin but this time si Mary Rose na sa kabilang pisngi nga lang. Ang sakit na eh. Bakit ba nila ako sinasampal??. Dahil ba dun sa pagiging tahimik ko?!!. Nagsorry naman ako eh !!

"Dahil ba dun—" again hindi ko na naman natapos kasi sinampal din ako ni Abby. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Tulo lang sila ng tulo. Inalalayan ako ni Misty para maging matatag sa pagtayo

"Bakit niyo ba kasi ako sinasampal?!!" sabi ko ng mahina pero imbis na sagot ang makuha ko sampal ang nakuha ko. Galing naman kay Rica. What about it this time?!!!. Tuluyan na akong napaupo sa sahig. Buti na lang nasa Soccer Field na yung mga Students. Manonood kasi sila ng Soccer Practice eh

"Ayos ka lang ba Danica??" concern na sabi ni Misty. Dahan-dahan akong tumango habang umiiyak. Ang sakit kasi eh. Hindi dahil dun sa sampal kundi dahil dun sa kaya nila akong sampalin. Tinuring ko silang parang kapatid ko tapos kaya na pala nila akong sampalin ng ganito kalakas

"TINATANONG MO KUNG BAKIT DIBA?!!!. Pwes sasabihin ko sayo yung dahilan" lumapit sa akin si Bessie ako naman atras lang ako ng atras. Natatakot ako sa kanila "Hinalikan mo LANG naman si Jheric. Si Jaeron" tumingin siya kay Mary Rose na ngayon ay masama ang tingin sa akin "Si Jaerah" tumingin naman siya kay Rica "at Si Jhon-jhon" tumingin siya kay Abby at binalik ulit yung tingin sa akin

"Ang liit lang ng kasalanan mo para sampalin ka naman diba?!!"

"Pero hindi ko magagawa yun sa inyo ... hindi ko kayang gawin yun"

"Ginawa mo na nga eh !!!!. We saw it with our own two eyes!!!. Tapos magmamaang-maangan ka pa diyan?!!. Sulutera ka rin Danica eh noh?!!. Napakalandi mo!!!!" masakit. Masakit marinig yun kay Bessie. Lalo na at siya pa nagsabi na malandi ako. Masakit eh

"But it wasn't me. Magkasama lang kami dito ni Misty"

"Totoo yung sinsabi niya Denisse. Wag mo namang saktan si Danica oh" pagmamakawa ni Misty

"Tumahimik ka diyan Babae ka!!!. At kinakampihan mo pa tong malandi na to ha?!!!" galit na sigaw ni Mary Rose kay Misty. Pati si Misty nadamay na

"ALAM MO YUN DANICA HA?!!. YUNG TINURING MONG KAPATID SUSULUTIN LANG PALA YUNG BOYFRIEND KO!?!!" sigaw sa akin ni Rica. Alam ko yung feeling na yan Rica eh. I'm feeling it right now ... Yung tinuring mong Kapatid sasampalin ka lang??. Not the sinulot ko RAW yung Boyfriend niya

"Sarili mong Pinsan Danica lalandiin mo?!!. Pinsan mo yun Danica!!!. Pinsan mo!!!. At alam mo namang gusto ko si Jheric diba?!!!" pinipigilan din ni Bessie na umiyak

"Bessie" mahinang sabi ko

"Wag mo na akong tawaging Bessie. Simula ngayon kakalimutan ko nang may Best Friend ako na malandi pala. Simula ngayon kakalimutan na namin na may Danica pala kaming kaibigan" sabi ni Bessie at umalis na

Nasasaktan talaga ako eh. Yumakap agad ako kay Misty at hinihimas lang niya yung likod ko. Masakit eh masakit

"Danica!!!!" sigaw ni Kenneth at bigla akong niyakap. Humiwalay naman si Misty sa akin at tumingin na lang siya sa amin ni Kenneth

"Ayos ka lang Danica??. Ano nangyari??!!" concern na tanong ni Kenneth

"Kenneth masakit eh. Masakit" sabi ko at tuluyan na akong umiyak

Yakap-yakap lang niya ako the whole time na umiiyak ako. Hindi na siya nagpilit kung anong dahilan at umiiyak ako basta niyayakap lang niya ako

Bessie masakit eh. Wala na akong Best Friend na babatuk-batukan ako kapag nagkamali ako

****

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon