Chapter 34- Kenneth is Back

1.6K 49 0
                                    

Chapter 34- Kenneth is Back

 

Danica's POV

He's Back ...

W-what the hell !!! ... A-anong ginagawa niya dito

"K-kenneth ..." ngumiti siya sa akin tapos binuksan niya yung gate ... Aish !!! ... May Duplicate nga pala siya dati nung dito pa siya nakatira

Lumapit siya sa akin at ngumiti pero may mga luhang tumutulo sa mga mata niya ... Kenneth bakit ?? ... Bakit Kenneth ?! ... Pinunasan  ko yung luha niya gamit yung Forefinger ko ... Nagulat naman ako nung hinawakan niya yung kamay kong nasa mukha niya

"Namiss kita Danica" ngumiti ako sa kanya para malaman niyang nakamove on na ako

"Namiss din kita" lalo siyang lumapit at niyakap ako

"Danica Please alam kong Masaya ka na kay Mj ... sa Best Friend ko ... Pero please hayaan mo muna akong yakapin ka" tumango lang ako pero patuloy pa rin siyang umiiyak ... And the next thing I knew ?? ... Nakahiga na si Kenneth sa lapag at may dugo sa labi

"Gag* ka Kenneth !! ... Pagkatapos mong saktan si Danica ... May gana ka pang bumalik dito ?! ... At ang mas masama niyayakap mo pa yung Girlfriend ko !!!" sigaw ni Mj at sinuntok na naman niya si Kenneth

"Mj ano ba !!! ... Tama na !!!" pigil ko kay Mj ... Bumuntong hininga siya tapos umalis na ... Pero tiningnan muna niya si Kenneth ng masama bago pinatakbo ng mabilis yung kotse niya

"Kenneth ayos ka lang"lumapit agad ako sa kanya para tulungan siya ... Inalalayan ko siya papasok para magamot ko yung pasa niya kasi may Pasa siya ... Sa lakas ba namang sumuntok ni Mj eh !!

Pero parang pumayat si Kenneth ... And I think he gain a weight ?? ... Pero mas lalo siyang nagkaroon ng Muscle .. Hay naku Danica ... Tumigil ka nga !!! ... May Boyfriend ka na at si Mj yun ok ?? ... Kaya wag mo nang minamanyak si Kenneth ... Haist !!!

"KENNETH !?!?!" napatingin kaming dalawa sa may pinto at nakita namin sila Carlo, Jhon-jhon, Jaerah, Jaeron, Abby, Rica, Mary Rose ... Agad silang lumapit sa amin at nagBro Hug sila ng mga lalaki ... Syempre alanganamang mga Babae diba ?!!

"Kamusta ka na ?!! ... Pumayat ka ah !! ... Akala ko ba naman Nahigitan mo na yung kagwapuhan ko eh !!" hirit ni Jaeron kaya binatukan namin siyang lahat

"Ugok !! ... Ako kaya mas gwapo sayo !!! ... Sabi ko naman kasi sayo eh ... Matuto kang makuntento sa kung anong merong mukha ka ... Tch .. Tch" turn naman ni Jaeron para batukan si Carlo ... ang kulit talaga nilang dalawa !!

"Mga Kumag pala kayo eh !!! ... Bwahahaha !!! ... Hindi niyo talaga matanggap-tanggap na ako yung pinakagwapo eh noh ??!!" pagmamayabang naman ni Jaerah

"Wag ka nga Jaerah !! ... Pati ba naman ikaw makikisali sa dalawang yan ?? ... Nakalimutan mo na ba na ako lang ang pinakagwapo sa ating lahat ?? ... Bwahahahaah !!!" sabi ni Jhon-jhon kaya tumayo si Kenneth at pinagbabatukan niya yung Apat

"Magsitigil nga kayo !!! ... Nawala lang ako inagaw niyo na yung Posisyon kong 'Gwapong Kenneth' eh ... Kayo ba si Kenneth ?? ... Para ipa-alala ko lang sa inyo ... Ikaw si Jhon-jhon" tinuro ni Kenneth si Jhon-jhon "Ikaw naman si Jaerah" si Jaerah naman ang tinuro niya "Ikaw naman si Carlo" tinuro niya si Carlo and lastly tinuro niya si Jaeron "At ikaw si Jaeron ... Wala naman akog nabanggit na Gwapong Kenneth ah ?!! ... Katunog ng gwapong Kenneth ??!! ... Wala ... So ako lang ang Gwapo sa inyo ... Bwahahahaha !!!" humagalpak naman ng tawa si Kenneth at umupo sa Couch ... yung Apat naman nakanganga literally habang nakatingin kay Kenneth ... Bwahahahaah !!! ... Epic !!

"What the hell is Happening here ?!!" napatigil si Kenneth sa pagtawa at napatingin kay Bessie na sumigaw

"Wait Kenneth ?!! ... Anong ginagawa mo dito ?!! ... Akala ko ba hindi ka na babalik ?!!"

"Bumalik ako kasi baka may makahigit sa gwapo kong mukha ... Wala naman pala eh !!! ... Bwahahahaa" yung apat ?? ... In state of shock pa rin

"Loko !!! ... Si Jheric lang ang gwapo !!!" sigaw ni Bessie

"Really ??"napatingin siya kay Kenneth at biglang nagliwanag yung mukha niya tapos tumakbo siya papunta kay Kenneth

"Hyung Kenneth !!!!!" si Kenneth naman ngumiti ng malapad at niyakap din si Jheric ... kami naman nakanganga lang literally ... nahawa na kami sa Apat (Hyung- Older Brother)

"Teka Jheric ... Kilala mo si Kenneth ??" tanong ko sa Pinsan ko

"Yup ... Actually naging Close Friends pa kami" kumawala si Jheric kay Kenneth at umupo silang dalawa sa Couch

Napatango-tango kaming lahat sa sinabi ni Jheric ... Pero mas nagulat kami sa ginawa ni Bessie kay Kenneth ... Sinampal niya ng pagkalakas-lakas

"Ang sakit naman !!!" daing ni Kenneth habang hawak-hawak niya yung Pisngi niya na sinampal ni Bessie

"Masakit diba ?!!! ... Mas masakit pa diyan yung naramdaman ni Bessie nung sinaktan mo siya !!!! ... Mas masakit pa diyan !!! ... Akala mo nakalimutan ko na yun ha ??!!"

"Grabe ka naman Denisse ... Parang ikaw yung sanaktan ni Hyung Kenneth ah" pang-aasar ni Jheric ... Bigla namang napangisi si Kenneth at lumabas ng Bahay namin pero bago siya lumabas sumigaw muna siya "Libre ko kayo !!! ... Sa Bar nila Jaerah !!!" agad namang lumabas yung mga lalaki kasama si Jheric ... Kami namang mga Babae ... Tumango lang sa isa't-isa at sumakay na rin sa kanya-kanya naming kotse ... Mamaya ko na iisipin si Mj ... Magsosorry na lang ako sa kanya

**

Pagdating namin sa Bar ni Jaerah ... Yeah may sariling Bar sila Jaerah ... Yun yung Business nila eh

"Good Eve Mam Landicho ... Nasa VIP area po yung Reservations ni Mr. Belga" ngumiti ako sa isang Bouncer tapos dumiretso na sa Second Floor doon kasi yung VIP Area eh

"Ang tagal mo naman Danica !!!" bungad sa akin ni Jhon-jhon ... Paki ba niya ?? ... Siya ba manlilibre ??!!! ... Hindi ko na lang siya pinansin at tumabi na lang kay Bessie

"Akala niya nakalimutan ko yung ginawa niyang pananakit sa Best Friend ko ha !!! ... Pwes Hindi !!!" tumingin agad ako kay Bessie na masamang nakatingin kay Kenneth ... Hinawakan ko yung kamay ni Bessie

"Bessie ... Hayaan mo na siya kung gusto niya bumalik dito .. then let them be ... Hindi mo naman pag-aari tong Pilipinas eh .... At tsaka diba sinabi ko sayo na hindi ko na siya mahal ?? ... Si Mj na yung mahal ko" mahinahon kong sabi

"Eh pero Bessie ——" pinigilan ko siya sa kung ano mang sasabihin niya

"Ssshhh ... Have Fun Bessie ... Have Fun" ngumiti ako para kumalma siya and I'm right unti-unti na siyang kumakalma pero bigla na lang niyang tinanong si Kenneth

"Hoy Kenneth !!! ... Bakit mo ba kami dinala dito ?!! ... Dapat nagpaparty ka na lang sa Bahay niyo eh !!" angal ni Bessie

"Ah eh ... may gusto sana akong sabihin sa inyo eh" nag-aalangang sabi niya ... Lumapit pa kami lalo sa kanya para marinig namin yung sasabihin niya kasi malalakas yung tugtog

"Mahal ko pa si Danica ... Hanggang ngayon ... Mahal na mahal" kasabay ng pagtungga niya ng alak ang pagtulo ng luha ko

Mahal pa niya ako ?? ... Paano ?? ... Bakit ?!!

***

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon