Chapter 55- The Day We Met

1.3K 41 0
                                    


Chapter 55- The Day We Met

 

Danica's POV

 

"I'll announce the Christmas Couple first. The Christmas Couple is....." malakas na sigaw nung Emcee pero pabitin. May nalalaman pa silang drum roll

Asa naman akong makakasali sa mga Christmas Ball Awards namin!!. Mukha ngang basahan yung Gown ko eh!!. At tsaka never akong napili sa mga ganyan dahil hindi ako interesado

Ang pagiging Christmas Couple, Christmas King at Christmas Queen kasi. Sa mga boto ng bawat Colleges. Yung mga Faculties ang pipili kung sino ang Magic 10 na makakasali sa Drop Box

Bawat drop box kasi ay ang mga pangalan ng Contestants. Sigurado naman akong wala ako diyan eh. Tumingin ako sa mga tao at nakita ko silang nakatingin sa akin na parang nagtataka. Ano na naman ginawa ko??

Tumingin ako kay Kenneth sa tabi ko dahil baka siya ang may ginawa sa akin ng hindi ko napapansin. Pero pagtingin ko sa upuan sa tabi ko wala na siya. Inilibot ko yung tingin ko at nakita kong nakatayo siya sa may stage at nagtataka ring nakatingin sa amin pati yung Emcee

"Ahh Ms. Nica??. Are you there??. You and Mr. Ken are the Christmas Couple" sabi niya pagkatapos niyang iwagayway sa taas ang kamay niya

K-kami ni Kenneth ang C-christmas couple??!!

Nahihiya akong umakyat sa stage at tumabi kay Kenneth parang naramdaman ko naman na ngumisi siya at bumulong

"Sabi na eh. Pinagpapantasyahan mo na naman ako sa isip mo. Alam mo Danicx. Pwede naman nating gawin yung gusto mo eh. Payag naman ako kaysa yung nahihirapan kang magpantasya" nakangisi at bulong niya sa akin

Nanlaki yung mata ko at agad na hinampas yung braso niya

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO KENNETH JEZ BELGA!!!!!. Urrrggg MANYAK!!!!" inis na sigaw ko habang pinagpapalo siya sa braso niya

Umilag siya at tsaka nagsalita ng nakapagpaingay ng buong hall

"MAHAL MO NAMAN!!" sigaw din niya pabalik

"Ayyyiiiieeeee!!!. Ang sweeeeeeeettt!!! Yiiiii!!!" kantyaw sa amin ng mga College. Tumingin ako sa kanila at pati yung mga Faculties nakikiasar din. Naman!! nakakainis!!! nakalimutan kong nasa stage nga pala kami

"Nakakakilig nga naman ang tandem natin Colleges!!!. They're really sweet Colleges!!!" sigaw nung Emcee sa mga College at nag-umpisa na naman sila sa pang-aasar at pangangantyaw sa amin!!!

Nakangiting ulul lang si Kenneth habang nakatingin sa mga College habang ako ay hiyang-hiya na nakayuko at nakatingin sa tip ng High Heels ko

"Since kayo ang may pinakamaraming vote na nakuha dahil dun sa ginawa niyo sa Dance Floor..." tumawa muna yung Emcee at yung ibang College naman kinikilig-kilig pa "... Kayo ang naging Christmas Couple of the year" nagpalakpakan lahat ng studyante at mga Faculties

Lumapit sa amin si Miss Kendra at sinabitan kami ni Kenneth ng stash na may nakasulat na Christmas Couple at binigyan kami ng isang Trophy. Pinasuot naman sa amin yung Couple Shirt na nakuha namin at pinaupo kami sa Couple Seat na nasa gitna

"And now let's proceed to our Christmas King of the Year" huminto saglit yung Emcee at tsaka tiningnan yung papel na hawak niya "Our Christmas King is!!!!!.... Mr. Kenneth Jez Belga!!!!!" pagkasabing-pagkasabi ng Emcee niyan nagtilian lahat ng mga Babae at Federation

Tumayo si Kenneth at pumunta ulit sa kaninang tinatayuan niya. Lumapit ulit si Miss Kendra at sinabitan na naman siya ng stash at binigyan ng Trophy

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon