Chapter 58- If You Stay

1.3K 38 0
                                    

Sorry kung mali-mali yung Lyrics nung If You Stay!!. Pinakinggan ko lang kasing mabuti. Heheheheh Piece!!. Panoorin niyo na lang yung Video sa taas

Chapter 58- If You Stay

Danica's POV

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko para basahin yung Documents na ibinigay ni Kenneth pero nag-ring agad yung Phone. It's Kenneth's

"Hello?!!" padabog na sabi ko habang nilalapag yung mga Documents sa side table ko. Hindi kasi ako nakakapagconcentrate kapag may kausap ako o kaya may iba akong ginagawa habang nagbabasa

"Nabasa mo na??" buti naman naisipan na niyang mag-tagalog

"Alam mo Kenneth!!. You left me dumbfounded here. Then you said that you love me--"

"Kinilig ka naman??. Hahahaha"

"Ewan ko sayong Belga ka!!!!. Nakakainis ka!!!. Hindi ako kinilig!!!. At para sabihin ko sayo hin--"

"Mahal mo rin ako??. Hahahahaha. Alam ko nay an!!. Sige na magbasa ka na. Hindi ka talaga makakapagconcentrate niyan kapag ako lang nasa isip mo buong gabi. Sige ka ikaw rin. Baka hindi ka makatulog kakaisip sa akin" dire-diretsong sabi ni Kenneth

Assuming talaga tong Kenneth Jez Belga na to!!

"Leche ka Kenneth!!!" pinatay ko na agad yung tawag at kinuha ko na yung Documents at mag-uumpisa na sana akong magbasa pero may tumawag na naman

Kinuha ko yung Phone ko at hindi na nag-abalang tingnan kung sino yung tumatawag dahil halata namang si Kenneth yun

"Ano na naman ba Kenneth ha?!!!. Hindi mo ba ako--"

"Easy ka lang Bessie masyado kang hot!!. I want just to inform you na in a minute flight na ng kakambal mo!!. Grabe ka!!. Sigawan daw ba ako??"

Akala ko si Kenneth. Pero teka Flight na ni Mich ngayon?!!. Bakit hindi ko alam?!!

Kasi nga busy ka kay Kenneth kaya hindi mo alam!!

Aish!!! Pati ba naman utak ko may sarili na ring utak?!!. Ay magulo wag niyo nang intindihan yan balik na tayo sa topic baka mapalayo pa

"Pupunta na ako diyan. Sabihin mo hintayin ako dahil hindi naman matraffic" binaba ko agad yung Phone at tinago ko sa Safety Box yung Document na kailangan kong basahin. Tsaka ko na siguro babasahin yan kapag may time na ako. Kailangan nandun ako bago umalis si Mich

Pagdating ko sa Parking Area namin binuksan ko agad yung pinto sa may Driver's Seat

"A-anong ginagawa mo dito?!!!!" sigaw ko kay Kenneth

"Hi Danica!!!. Bakit ako nandito?. Sasamahan kita papuntang Airport. Halika na bilisan mo malapit nang umalis yung kapatid mo!!!. Sumakay ka na!!!" hinayaan ko na lang si Kenneth na naka-upo sa Gun Shot at pinaandar na yung Kotse

Mabilis naman kaming nakarating sa Airport dahil wala naman masyadong sasakyan dahil madaling araw na. Bumaba agad kami ni Kenneth at tumakbo papasok sa loob pero hinarang kami ng mga lalaki.... Susuntukin sana ni Kenneth pero nagtanggal sila ng mga Bonet na sakop yung buong mukha nila

"Easy ka lang Ken!!!!... Ako to ang gwapong Jaeron. At siya naman ang panget na Carlo" tinuro ni Jaeron si Carlo na nagtatanggal ng Bonet na kagaya kay Jaeron. Mga mukha silang magnanakaw!!

"Umayos ka Jaeron ha. Mas gwapo ako sayo!!!!" binatukan ni Carlo si Jaeron pagkatanggal niya ng Bonet

"Lul!!!!. Mas gwapo kaya ako sayo!!!" umamba pa si Jaeron kay Carlo pero pareho lang silang binatukan ni Kenneth

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon