Chapter 44- Batangas Trip

1.2K 43 0
                                    


 

Chapter 44- Batangas Trip

 

Kenneth's POV

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi yung babaeng mahal ko umiiyak. Ayaw naman niyang sabihin kung bakit siya umiiyak. Naiintindihan ko naman eh. Baka masyado lang siyang nasaktan

"Danica!!!" humahangos na dumating si Mj at niyakap si Danica. Humiwalay naman ako kay Danica at tumabi dun sa Classmate ni Danica na hindi nagsasalita. Kailangan madala ko si Danica sa lugar na sasaya siya

Alam ko na!!!. Sa langit!!. Ay joke lang

"Danica sumama ka sa akin" hinatak ko patayo si Danica pero hindi siya makatayo dahil sobra siyang nanghihina. Binuhat ko siya, Bridal Style. Sumunod sa amin ni Danica si Mj

"Hoy!!!. Hindi ka sasama??" kinakausap ko yung Babaeng Classmate ni Danica. Misty yata pangalan nun eh

"Ah eh hin—-" hinatak agad siya ni Mj at pumunta na kami sa Parking Lot. Inupo ko si Danica sa Back Seat at tatabi na sana si Mj sa kanya kaya lang hinila ko yung Uniform ni Mj sa likod at hinatak sa harapan


"Dito ka uupo. Pupunta ka pa doon ha" pumunta na ako sa Driver's Seat at tsaka inistart ang engine

"Ken naman syempre dadamayan ko pa si Danica" napuppy eyes niyang sabi. Bakla talaga tong kumag na to!!

"Ayos ka ah!!. Nagseselos ako eh" umirap na lang si Mj sa sinabi ko at nagbuntong hininga na sumandal sa sandalan. Malamang!!. Saan niyo gusto sa manibela?!!. Tss

Danica's POV

Nandito kami sa Kotse ni Kenneth. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wala akong pake.               As long as kasama ko si Misty, siya na lang yung kaibigan ko. Siya na lang yung nandiyan.

Eto na naman yung mga luha ko. Tumutulo na naman sila. Buti pa si Misty eh. Dinadamayan ako, samantalang yung mga kaibigan ko. Kinalimutan na ako sinabihan pa akong malandi at sulutera ng Boyfriend. Wala naman akong alam sa sinasabi nila eh. Kasama ko lang naman palagi si Misty eh.  Paano nila nasasabi yun??. At tsaka alam nilang hindi ko magagawa yun. Hindi ba nila ako pinagkakatiwalaan??. Masakit eh!!!

"Danica tumigil ka na oh. Magang-maga na yung mata mo kakaiyak. Magpahiga ka na lang muna" sabi ni Misty habang yakap-yakap niya ako

Pinunasan ko yung mga luha ko at sumandal sa balikat ni Misty. Pinilit kong hindi umiyak at matulog na lang pero ayaw talaga tumigil ng mga luha ko eh

Misty's POV

Kawawa naman si Danica. Iyak siya ng iyak. Nasasaktan talaga yung kaibigan ko. Hindi naman niya hinalikan yung mga Boyfriend nila eh. Kasama ko lang si Danica buong araw ... Wala naman siyang ginagawa eh

Pinagmamasdan ko lang si Danica habang natutulog siya sa balikat ko. Bigla akong may naalala kanina nung papunta kami ni Danica sa Room namin para kausapin si Sir Aldrin

*Flashback*

"Misty masyado ba akong tahimik kanina??" tanong ni Danica habang naglalakad kami sa Corridor papunta sa Room namin

"Oo Danica, sobrang tahimik mo kanina. Hindi ka rin nakikitawa sa kanila. Bakit nga pala sobrang tahimik mo ha??" nawawala yung pagkamahiyain ko kapag kami na lang dalawa ni Danica yung magkasama eh. Komportable kasi ako kapag kasama ko siya. Siya talaga yung maituturing mong Best Friend

"Kinakabahan kasi ako eh. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta kinakabahan ako at tsaka ayaw kitang maOP no. Baka mamaya kapag nakisali ako sa kanila maOP ka" sabi niya ng nakangiti, tiningnan ko siya sa mata niya. Kinakabahan nga siya pero nakangiti siya

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon