Chapter 59- The Missing Friend

1.3K 36 4
                                    

Chapter 59- The Missing Friend

Jaeron's POV

Ang gwapo ko talaga mga readers!!!!. Hindi ba kayo naiinlove sa gwapo kong mukha??. Tingnan niyo yung picture ko sa taas!!!. Paniguradong maiinlove kayo!!!. Pero syempre Prinsesa ko lang ang pwedeng mainlove sa akin

*PAK!!!*

"Aray naman Prinsesa!!!. Bakit na naman ba?!!" ang sakit nun ah!!. Sadista talaga tong Prinsesa ko. Ang hilig mambatok nakakainis!!!. Pero syempre hindi ako magagalit sa kanya. Mahal ko yan eh!!. Bwahahaha!!! ganyan talaga mga gwapo!!. Stick to one!!

"Tumigil ka nga Jaeron ha!!!. Kanina pa kita tinatawag at kanina ka pa rin titig na titig diyan sa salamin!!!"

"Sorry naman Prinsesa hindi lang ako makapaniwalang sobrang gwapo ko talaga" nagpogi sign pa ako kaya inirapan lang ako ni Prinsesa

"Psh. Tumigil ka nga!!!. Oh ayan!!!" hinagis sa akin ni Prinsesa yung Cellphone ko at buti na lang nasalo ko. Meron na naman siguro yun si Prinsesa. Ang sungit eh!!!

Tiningnan ko yung Cellphone ko na tumutunog. Oh bakit naman napatawag tong si Ken?!!

"Nasaan si Danica?"

"Ang ganda ng Hello mo sa Gwapong gwapong Jaeron ah!!!"

"Lul!!!. Nandiyan ba si Danica?"

"Bakit ka ba sa akin nagtatanong?. Kaming dalawa lang nandito ni Prinsesa sa bahay!!!" sigaw ko sa kanya at hindi man lang sumagot pinatay na agad niya yung tawag. Tingnan mo tong kumag na to!!. Kung hindi lang ako gwapo eh. Baka nabugbog ko na siya syempre joke lang yun

"Bilisan mo Prinsipe magbihis ka na. Pupunta tayo sa--"

"Bakit Prinsesa?. Magdedate na ba tayo?" excited na tanong ko kay Prinsesa pero isang malakas na batok lang ang natanggap ko galing sa kanya. Mas ok sana kung Kiss na lang eh!!

"Gago!!!!. Pupunta tayo kila Ken!!!. Nawawala si Nica!!!" double kill na ako. Parang nagiging flavor of the day naman yata yung batok?!

"Hindi ko na kailangan magbihis Prinsesa!!!. Gwapo pa rin naman ako kahit magsuot ako ng basahan eh!!" sigaw ko at tumayo na pero akmang lalabas na ako pero hinila ako ni Prinsesa papasok sa loob

"Ano kamo?. Gwapo ka pa rin kahit magsuot ka ng basahan?" tumango ako at ngumiti. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa

"Manong!!!" tawag niya sa driver namin ay este nila pala. Tumatambay nga lang pala ako dito sa bahay nila Prinsesa. Hehehehe

"Bakit po Ms. Mary Rose?" lumapit agad yung driver nila na puro grasa yung damit dahil nag-aayos siya ng sasakyan

"Manong pwedeng pahiram niyang damit na suot mo?. Magpalit ka na lang muna ibabalik ko rin" ngumiti ng sweet si Prinsesa sa driver nila. Kung hindi ko lang talaga alam na driver lang to magseselos na talaga ako

Umalis si Manong at pagbalik niya malinis na ulit yung damit niya at hawak niya yung damit niyang puro grasa

"Eto na po Miss Mary Rose" ngumiti si Prinsesa bago umalis si Manong

"Now" humarap si Prinsesa sa akin habang hawak niya yung damit na puro grasa. Sh*t!!! mukhang alam ko na kung saan pupunta to ah!!

"Ah eh Prinsesa. M-magccr lang ako najijingle na ako eh" tinuro-turo ko pa yung Cr nila at tatakbo na sana pero hidi pa rin binibitawan yung kamay ko

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon