Chapter 37- Leader Of G4

1.4K 48 0
                                    

Chapter 37- Leader of G4

 

Danica's POV

"Basta wag na wag niyong sasaktan yang kapatid ko"- Leader of G4

WHAT-THE-HELL !! ... Anong pinagsasabi nito ?!! ... Napatayo si Kenneth at Mj tapos hinarap nila yung Leader ng G4

"Kapatid mo ?!! ... Leader naman !! Wag mo nga kaming niloloko ng Ganyan !!!" inakbayan pa ni Mj yung kapatid ko DAW ... umiling lang si Kenneth at siguro nainggit kaya sa akin siya umakbay

Tiningnan ko naman siya at ngumisi siya kay Mj at sa kapatid ko DAW ... Sumama naman yung tingin nilang dalawa kay Kenneth at parehong lumapit sa amin at sapilitang tinanggal yung braso niya sa balikat ko

Para-paraan nga naman !!

"Umayos ka Belga ha !!! ... Kapatid ko yang inaakbayan mo !!!" sigaw ng kapatid ko DAW

"Kapatid mo ba talaga tong si Danica my loves ??!!" sabi ni Kenneth na medyo natatawa-tawa  ... Batukan ko to eh !!! ... Anong pinagsasasabi niya ?!!! ... Anong Danica my Loves ?!!

By the way mabalik tayo sa kapatid thingy ha ... Paano niya nasabi na kapatid ko siya ?!! ... Eh patay na nga yung kuya ko ... Imposible naman na siya yung kakambal ko ... kasi babae yun ... Ano yun nagpatransgender ?!! ... Hindi naman ganon yung kakambal ko eh ... Ayaw niyang sayangin yung ganda niya !!!

Teka !!! Baka nag-ampon sila Daddy !!! ... Hindi lang sinasabi sa akin kasi Lately hindi ko na sila nakakausap ... Si Daddy naman nakakapagtaka na yung mga kinikilos niya lately ... Nakakapagtaka nga eh ... Tapos parang palagi silang nandon ni Mommy sa isang Room sa bahay namin na may Code

" 'lil sis ... Ok ka lang ?? ... Kanina ka pa hindi nagsasalita ah !!" my so-called-brother ... snapped me in front of my face .... Bigla naman akong napatingin sa kanilang tatlo na nakatingin din pala sa akin ... Yung ibang studyante nakatingin lang sa amin na nagtataka

"A-ah ... o-oo ... Wait nga !!! ... Paano kita magiging kapatid ha ?? ... Babae yung kakambal ko ... Patay naman na yung Kuya ko ... so paano kita magiging kapatid ?? ... Inampon ka ba nila Mommy ??"

"Sakit mo naman magsalita 'lil sis !! ... Hindi ako inampon ... Totoong kapatid mo ko !!!" sus !! as if naman maniniwala ako sa kanya !!! ... Baka mamaya isa siya sa budol-budol gang eh !!!

"Hindi nga ?!! ... Ano yun ikaw yung Kuya ko na nasa langit na at bumaba lang para pagsabihan sila Kenneth at Mj na wag akong saktan ?!! .... I Love You na kuya !!!" note the sarcasm guys !!

"Actually ang totoo niyan bumaba ako galing dun"tinuro niya yung mini stage tapos tumingin ulit sa akin "Para pagsabihan sila na wag kang saktan"

"Psh" I hissed

"Wag mo nga akong binabara !!!" I retorted

"Oh eh ano ... Kuya mo naman ako ah !!"

"Hindi kita kuya !!"

"Haist ayaw mo talaga maniwala eh noh ??!!"

"Syempre uso na ngayon yung mga ganyang klase ng tao ... Manloloko" hindi naman sumisingit sila Kenneth at Mj sa usapan namin ... Pero titingin sila kung sino yung magsasalita sa aming dalawa ni Kuya ko DAW

"Look hindi kita niloloko 'lil sis ... Totoo ako ... Ako yung Kuya mo ... Ako si Danny Landicho" humawak siya sa dalawang braso ko at tiningnan ako ng seryoso

Seryoso talaga siya huh ?? ... Pero hindi pa rin ako magpapadala sa mga paganyan-ganyan niya !!!

"Kung ikaw talaga yung Kuya ko ... May Proof ka ba na maipapakita mo sa akin para maniwala ako ??" aba mabuti na yung sigurado noh !!!

"Saglit lang" umalis siya sa pwesto niya at pumunta siya sa Part ng mga Teachers and Faculties ... At pagbalik niya ... Hila-hila na niya si Miss Kendra ... yung Ate ni Kenneth ... Pati ba naman yung Principal namin idadamay niya sa Kalokohan niya huh ??

"Eto Girlfriend ko ... Si Kendra ... kaya niyang ipaliwanag lahat ... Diba babes ??" hinila ng kuya ko DAW si Ms.Kendra papalapit sa kanya

"Teka nga teka !!! ... Yang Ate ko Girlfriend mo ?!!! ... Pati ba naman Ate ko papatusin mo ?!!" galit na sigaw ni Kenneth kaya as in ... As in lahat ng tao dito sa Open Field nakatingin na sa amin

"Chill ka lang 'lil bro ... Nasa tamang edad naman na ako eh kaya pwede na akong magboyfriend !!! ... At tsaka bigyan mo naman ako ng karapatang sumaya !!!" may point din naman si Miss Kendra eh

"Hahahahaha !!!! ... Hindi naman yun yung kinagagalit ko eh ... Wahahahaha !!!" Abnormal ba si Kenneth ?!! ... Nagpunta lang sa New York naging Bipolar na !!

"Ha ?? ... Eh ano ??" takang tanong ni Miss Kendra

"Akalain mo yun Ate may pumapatol pala sayo ?? ... Wahahahaha !!! ... Nagalit ako kasi pinatulan ang isang kagaya mo ... Wahahahaah !!!" humawak na siya sa tyan niya kakatawa ... Medyo maluha-luha na rin siya non

Inirapan na lang siya ni Miss Kendra at humarap na sa akin para iexplain yung tungkol kay Kuya ko DAW

"Tama si Danny ... Danica ... He's your older brother ... Hindi talaga siya namatay ... Nung ipapadala na siya sa Rehab in Korea ... Sakto na papunta kami sa Korea non ... Maliit pa lang kami non ... I think 6 years old pa lang ... 4 years old ka naman nun ... Pinalabas nila sayo na patay na ang Kuya mo non ... Kasi daw baka maulit ulit ang nangyari ... Malas lang daw ang dala niya sa bahay niyo ... Nakiusap siya sa akin na isama ko raw siya kasi mahirap daw ang buhay sa Rehab ... Kahit magtrabaho siya ok lang sa kanya basta may matirhan siyang bahay at may makain siya ... Tumakas lang siya sa bantay niya nun ... Siya kasi ang sinisisi sa pagkamatay ng Lola niyo kaya ipapadala siya sa Rehab sa sobrang galit ng Lolo mo ... At ayun naawa ako sa kanya at binilhan ko siya ng Condo unit nung nagkaroon na ako ng trabaho ... Hangang-hanga nga ako sa kanya kasi kahit bata pa kami ... Naging Independent na siya"

Hindi ko na napigilan na umiyak ... Ang hirap pala nang buhay ni Kuya nung maliit pa siya ... Hindi niya naranasan yung Buhay bata ... Yung naglalaro lang ... Yung walang Pinoproblema ... Pero si Kuya nagtrabaho agad at nagkaroon na agad siya ng Problema ... Nakakainspire naman si Kuya ... Tiningnan ko si Kuya at hindi nakaligtas sa akin nung nagpunas si Kuya ng luha na tumutulo galing sa mata niya

Niyakap ako ni Kenneth at nakiyakap na rin si Mj

"Akala mo ikaw lang makakacomfort sa kanya ah !!" bulyaw ni Mj kay Kenneth ... Si Kenneth naman dinilaan lang si Mj at hindi na pinansin ... Tong dalawa na to

"Hahahaha" tumawa ako ng may luhang tumutulo sa mata ko ... Natatawa kasi ako kay Kenneth at kay Mj eh ... Pero teka may tanong pa ako

"Eh Miss Kendra ... Yung Puntod ni Kuya sa Sementeryo ... Anong nakalagay dun ??"

"Yung Lola niyo ... Pinalitan lang nila ng Lapida at pinalabas na patay na ang Kuya mo ... Kasi sa isip at puso nila ... Sila na ang pumatay sa Kuya mo ... Kinalimutan na nila ang Kuya mo ... Danica ... Kinalimutan na nila ... Diba hindi sinasabi sayo ng Parents mo kung nasaan yung Puntod ng Lola mo ??" oo nga noh ... Everytime na magtatanong ako kay Daddy o kaya kay Mommy

Palagi lang nila sinasabi na nasa ibang bansa raw ... Pero hindi naman kami dumadalaw

Lumapit ako kay Kuya na ngayon ay umiiyak na ... Naalala niya siguro yung dati kasi kung kayo siguro yung nasa lagay niya malulungkot din kayo kasi ikaw ba naman ang kalimutan ng sarili mong magulang eh ... And worst ... Pinalabas pa nilang patay ka na ... Tingnan ko lang kung hindi ka malungkot

Yinakap ko si Kuya at yinakap naman niya ako pabalik

"Kuya ... Wag ka nang umiyak ... Nandito naman yung kapatid mo eh ... Si Danica Landicho ... Kuya mahal na mahal kita"lalong naiyak si Kuya pero alam kong Tears of Joy kasi naniwala na ako na siya yung Kuya ko

****

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon