Chapter 60- Ericka's Move

1.3K 37 4
                                    


Chapter 60- Ericka's Move

 

Kenneth's POV

"Sa Warehouse sa likod ng Mistletoe University" pinatay ko na agad yung tawag at nagmadaling lumabas

"Tumayo na kayo diyan. Pupuntahan na natin si Nica!!!" sigaw ni Carlo

Nagmadali kaming sumakay sa mga kotse namin at pinatakbo ng mabilis para makarating sa may Mistletoe University

Dadating ako Danica. Ililigtas kita. Maghintay ka lang

Misty's POV

Nalaman ko na kukuhain na nila si Danica kaya agad ko siyang pinuntahan sa bahay nila pero hindi pa ako nakakalapit sa bahay nila nakita ko na siyang lumabas ng Gate at nag-umpisa nang maglakad

Maglalakad siya?!!!. Baka mapahamak siya!!. Sinundan ko siya gamit yung Kotse ko and I found na sa bahay nila Ken siya pupunta dala-dala niya yung mga Documents sa kamay niya

Biglang may humablot sa braso niya at tinakpan yung ilong niya kaya nakatulog siya. Huminto ako sa isang tabi para hanapin yung baril ko. Patuloy pa rin ako sa paghahanap pero pasulyap-sulyap ako kay Danica hanggang sa may pulang Van na huminto at isinakay siya

Sh*t!!! where's my f*cking gun?!!!!!. Aish!!!!. Nasabunot ko yung sarili ko dahil sa frustration. No choice na ako susundan ko na lang sila

Maingat akong sumusunod sa kanila dahil baka makahalata sila. Huminto sila sa Warehouse sa likod ng Mistletoe University

Bumalik ulit ako sa bahay para kumuha ng mga baril. At tinawagan ko na rin sila Ken

Agad kong pinatakbo ng mabilis yung Kotse ko papunta sa Warehouse

Ang tanga mo Ericka

Danny's POV

"Danny..." mahinang tawag sa akin ni Jen habang nakatingin dun sa Warehouse na pinagdalahan kay Nica

"Ano yun?"

"Tingnan mo dali" hinatak niya ako papunta sa tinitingnan niya

"Sh*t!!!" napasigaw ako sa nakita ko at dali-daling pumunta sa pinto

"Wag na wag kang lalabas diyan Danny!!!!. Mag-isip na muna tayo ng plano kung paano makukuha si Danica sa kamay ni Ericka!!!" hinatak ni Jen yung damit ko at pinaupo ako sa harap ng Laptop kung saan nakikita namin kung ano-ano yung ginagawa nila sa kapatid ko

Nagkabit kasi kami ng mga Camera sa Warehouse at cinonnect namin sa Laptop ko. Nandito rin kami sa Rooftop ng Main Building ng Mistletoe University. Kitang-kita kasi namin dito eh

"Ayan na sila Ken" sabi ni Jen habang nakatingin sa ibaba. Siya yung tagatingin sa labas ng Warehouse ako naman sa loob

"Sabayan na natin sila sa pagpasok" tumayo ako at sabay kaming pumunta sa pintuan

Danica's POV

Pagkadilat ko ng mata ko nakita ko si Mommy sa harapan ko. Nakaupo sa bangko at nakatali yung kamay at paa. Maraming sugat si Mommy. Bugbog sarado siya

Hahawakan ko sana yung mukha ni Mommy pero hindi ko nagawa kasi nakatali rin ako. Inilibot ko yung tingin ko sa buong kwarto at nasa parang bodega kami. Maraming lalaking nakapalibot sa amin pero may kanya-kanya silang ginagawa

Yung iba naglalaro ng baraha yung iba umiinom. Pero napako yung tingin ko kay Ericka na nakangisi at nakatingin sa akin

"Ericka!!!" madiing sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Pinipigilan kong hindi maluha dahil sa itsura ni Mommy

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon