Chapter 56- His Childhood Past

1.4K 39 0
                                    


Chapter 56- His Childhood Past

Danica's POV

Nakayakap lang sa akin si Kenneth habang nakaupo kami sa Bench kung saan namatay si Jenica. Naka-akbay sa akin to be exact tapos nakatingin kaming dalawa sa mga stars

Sobrang tahimik naming dalawa at halos marinig mo na yung hangin sa sobrang tahimik. Walang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang ni Kenneth. Malapit na kasing magmadaling araw

"Nagkapalit tayo ng Phone Danica" nilabas ni Kenneth yung Cell Phone niya sa bulsa niya

"Ano sinasabi mong nagkapalit??. Tama naman yung mga Contacts na nakasave sa Phone ko eh!!" pinakita ko pa sa kanya pero natawa lang siya

"Pinagpalit ko yung Sim Card natin habang natutulog ka dun sa Detention Room. Natatandaan mo pa ba nung napunta tayo sa Detention??" nakangiting sabi niya

"Parehas tayo ng Cell Phone kaya hindi mo napansin" kami parehas?!!!. Paano niya nalaman na nagkapalit kami ng Cell Phone kung parehas kami?!! "Tingnan mo yung Battery ng Cell Phone na hawak mo" natatawang sabi niya

Binuksan ko agad yung Cell Phone na hawak ko. Tiningnan ko agad yung Battery at may nakasulat na

'Jez Belga'

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka kung bakit Jez Belga ang nakalagay dun sa Battery niya samantalang sinabi niya sa akin dati na wag na wag ko daw siyang tatawaging Jez. Hindi naman niya sinabi kung bakit

"Bakit Jez Belga yung nakalagay??. Akala ko ba...." tumawa siya pero mararamdaman mo yung lungkot sa likod ng tawa

"Palagi kasi akong tinatawag ng Daddy ko na Jez. Yung Daddy ko??. Mahal na mahal ko yun!!. Pinangako ko pa sa sarili ko na paglaki ko gagayahin ko si Daddy. I love him so damn much to the point na kaya kong isakripisyo yung buhay ko para lang sa kanya" tumingin ulit sa stars si Kenneth at hindi nakaligtas sa panigin ko yung mga luhang bumagsak galing sa mga mata niya

Kenneth's POV

Hindi ko na kayang pigilan yung mga Luha ko. Ayokong makita ako ni Danica ng ganito. Nakita na niya ako dati na umiiyak. Tama na yung isag beses. Hindi ko na ulit hahayaang makita niya ulit na ganito ako kahina

Tumingin ulit ako sa mga stars na tinitingnan namin kanina. Pinunasan ko yung mga luhang tumulo at humarap ulit ako sa kanya para ipagpatuloy ko yung kwento ko . I was 6 years old when Me and Dad are so close

*Flashback* (Kinukwento po ni Kenneth kay Danica yung Flashback niya ha!!)

"Jez!!!" narinig ko yung sigaw ni Daddy galing sa kwarto nila ni Mommy

Binitawan ko yung hawak kong bola at patakbong umaakyat sa hagdan namin para makarating agad ako kay Daddy na nag-aabang sa akin habang nakangiti sa akin

"Daddy!!!!" tutungtong na sana ako sa Last Step pero natisod ako kaya nadapa ako. Nakangiting lumapit sa akin si Daddy

Si Daddy talaga!!!. Nadapa na nga ako tumatawa pa rin siya

"Daddddyyy!!!! Bakit ka po tumatawa??" inis na sabi ko kay Daddy na lalo niyang ikinatawa

"Hahahahha Jez. Hindi ka dapat umiiyak kapag nadapa ka" malapit na kasi akong umiyak dahil sa sugat ko "Sa buhay hindi mo maiiwasang madapa. Bumangon ka lang at magpakatatag. Hindi talaga natin maiiwasang madapa o matumba. Tandaan mo ha bumangon ka lang at magpakatatag" tinap ni Daddy yung balikat ko at itinayo niya ako

"Wag ka nang umiyak ok??. Tara na tuturuan pa kita" pinunasan ni Daddy yung luha ko habang karga-karga niya ako habang papunta kami sa kwarto nila ni Mommy. Naglalakad kaming tatlo nila Mommy papunta sa kwarto nila. Si Daddy at Mommy magkahawak ng kamay tapos ako nakakarga kay Daddy

My ChicMagnet Boyfriend(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon