Dear Rain,
Nakakatuwa! I feel like flying! Para akong nasa cloudnine! Oh, my gosh! Tinignan mo ako! As in tinignan mo ako! I didn't expect that, really. At medyo nakakahiya dahil nakita mo akong nakatingin sayo, still, I am happy! Super happy because you laid your eyes on me. Kahit five seconds lang, and yeah nabilang ko yun. Five seconds din kasi pansamantalang tumigil ang mundo ko.
Itinigil niya sandali ang pagsusulat at dumapa sakanyang kama. Doon niya pinakawalan ang tiling kanina niya pa pinipigilan. She is happy. Indeed happy. Nagpagulong-gulong siya sakanyang kama at niyakap ang kanyang unan. Tumigil siya sa pag-gulong at tumitig sa kisame, napangiti siya. Nandoon kasi nakadikit ang collage pictures ni Rain, na may mga stars sa gilid. She loves stars, by the way.
Pumikit siya ng may ngiti parin sakanyang labi. She is really happy. After ilang buwan kasi na paghihirap niya mapansin lang siya ay finally, tinignan narin siya nito.
She still thinking about what happened earlier until she drawned herself to sleep.
~~~~
Naglalakad siya sa mahabang hallway ng Mathay Building. She's kinda sleepy pa dahil maaga siyang ginising ng kanyang Ina, for her this day ay normal lang, papasok lang siya sa school, magpapakilala sa harapan dahil first day pagkuwa'y magtuturo na ang mga teachers.
She's not questioning her life, in fact, she loves it. Normal lang ang buhay niya, nakakapasok sa school, nakakakain at may tirahan. May mga magulang siya na suportado siya sa lahat kahit na mga busy ito sa trabaho. She has a three sisters na kahit madalas ay nag-aaway silang tatlo ay hindi naman lumilipas ang araw na nagbabonding sila.
Normal lang talaga ang araw na ito sakanya dahil wala namang magbabago, yung mga kaklase niya sa elementary ang magiging kaklase din niya ngayong High school since kapitbahay niya ang karamihan dito.
She let a heavy sighed. Pumasok siya sa silid kung saan ang room nila para sa section niya at tahimik na umupo sa pinaka-dulo. Inilibot niya ang kanyang paningin, lima palang sila sa loob ng kwarto kaya nangalumbaba nalang siyang tumingin sa bintana, kahit hindi niya nakikita ang labas dahil two seats away siya rito.
"Angelika!" tawag sakanya ng kaibigan at kaklase niya noong Elementary. Tinignan niya lang ito hanggang sa makalapit sa pwesto niya.
"Namiss kita! Buti nalang at magkaklase parin tayo." anito at umupo sa tabi niya, tumango lang siya at ngumiti. Medyo inaantok pa kasi siya talaga. Isang beses siyang humikab habang pilit na nakikinig sa kaibigan niyang panay ang kwento tungkol sa nakaraang bakasyon.
BINABASA MO ANG
Loving Rain (Completed)
Short Story"Loving Rain is like breathing, I can't stop, I can't live without it, and I might die If I forget it." Loving Rain written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories 2015