4 - Petty Romance

1.4K 33 0
                                    



"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Nikki kay Lyka, isang araw habang naglalakad sila papunta sa Condo nila Nikki.


Bakasyon na ngayon sakanila. Kakatapos lang ng kanilang 1st school year last week, at ngayon nga, nag-iisip pa sila ng mga maaaring gawin para maging productive ang Summer nila.


"Ah..wala naman. Wala naman akong sasabihin eh." sagot niya sa kaibigan.

Umiling lang si Nikki at pinagmasdan ang kanyang kaibigan. Nitong mga nakaraang buwan ng 1st year nila sa Highschool ay napansin niyang laging tahimik si Lyka. Bihira narin ito sumama sa mga gala nilang magkakaibigan at lagi itong nagdadahilan na marami pang gagawin. Alam niyang may kinikimkim ito, at ramdam niya iyon kaya labis siyang nag-aalala.


Pumanhik sila Nikki at Lyka sa hagdan. Nasa fourth floor kasi ang bahay nila Nikki at wala itong elevator kaya naghahagdan sila. Nakatira kasi sila Nikki sa Kampo dahil sundalo ang Ama nito.


"Nakakapagod talaga pumunta dito sa bahay niyo, Nikkitot." reklamo ni Lyka pagpasok sa bahay ng kaibigan at pasalampak na umupo sa couch. Natawa nalang si Nikki at dumiretso sa kusina para maghanda ng meryenda nila.

Mag-isa lang si Nikki sa bahay nila ngayon dahil nga nasa labas ang kapatid niya, samantalang nasa mga trabaho ang mga Magulang niya.

Hindi ganoon kalaki ang bahay nila Nikki. May dalawa itong kwarto, may sala at sa kaliwa noon ang dining area na may apat na upuan, at sa tabi ng kusina ang laundry area at ang Bathroom. Sumandal si Lyka sa couch at pumikit. Talagang napagod siya sa pagakyat.


"Kain na." agad na napadilat si Lyka at umayos ng upo. Ininom niya agad ang orange juice at nang matapos ay ngumiti kay Nikki, sunod niyang kinuha ang platito na may laman na Mocha cake. Pinagmamasdan lang siya ni Nikki habang kumakain.

"Gusto mong pag-usapan?" tanong ni Nikki.


"Ang alin?" balik tanong ni Lyka at sumimsim sa orange juice.

"Iyong problema mo."

Napatigil si Lyka sa pagsubo sana at dahan-dahan inilapag ang platito sa center table. "Wala naman akong problema....." mahinang wika niya.

Bumuntong hininga si Nikki at umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. "Sabay tayong lumaki, Angelika September. Kilala kita. Alam ko kapag may problema ka, kapag may kinikimkim ka at alam ko rin kung kailan ka masaya. Come on, you can tell me. I am here to listen."


"Pero wala naman talaga." pagtanggi ni Lyka.


"Lyka. Natapos na ang School year. 15 na tayo. Natapos na ang mga birthday natin, 2nd year na tayo sa June pero ikaw kinikimkim mo parin iyan. Isang taon ang natapos na, Lyka. Hindi ka ba nabibigatan? Baka ma-depressed ka niyan." madamdaming wika ni Nikki.


Yumuko si Lyka at huminga ng malalim. Nagtatalo parin ang isip niya kung ise-share niya ba sa kaibigan anh problema o sosolohin nalang. Ayaw niya kasing may malaman ang mga kaibigan niya, isa pa, involved si Shiela dito. Ngunit sa huli ay sumuko na din siya, nakikita niya kasi sa mga mata ni Nikki ang labis na pag-aalala.

Loving Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon