Epilogue

2.7K 51 1
                                    


Dear Rain,

Nang pumasok ako sa bahay namin at ihatid mo ako pauwi ay doon ko narealize ang mga sinabi mo. Ang akala kong sasalubungin nila ako ng sermon at ano ay hindi pala, yakap ang sinalubong nila sa akin while telling me how much they love me. I feel so happy. Tama nga ang ginawa nating desisyon, tama ang maghintay muna tayo ng tamang panahon bago natin ipagpatuloy ang pag-iibigan natin.

--

Nang matapos si Lyka sa pagsagot ng 100 questionaire para sa bar exam ay agad na niya itong ipinasa sa proctor. Nakangiti siyang naglakad palabas ng exam room at agad dumiretso sa sasakyan na nag-aantay sakanya. Hinalikan niya sa pisngi ang kanyang Ama na nag-aantay sakanya at sinabing,

"Sure win iyon, Papa. Magaling ata ito." aniya.


--

Dear Rain,

I made it! Nakapasa ako sa board exam at isa na akong ganap na abogado! At alam mo ba kung ano ang inspirasyon ko? Ikaw! Oo, ikaw! Pinanghahawakan ko parin ang pag-ibig nating dalawa hanggang ngayon, kahit na ilang taon na ang lumipas at marami ng nagbago, ngunit ang pag-ibig ko ay hindi parin nagbabago, katulad parin ito nang unang beses na maramdaman ko ito, towards you.


--

Napabalikwas nang bangon si Lyka nang marinig niya ang ringtone na 'God Gave Me You' na nakalaan lamang para kay Rain. Nanginginig ang kanyang kamay na pinagmasdan ang screen kung nasaan ang pangalan ni Rain at saka ito in-slide.

"Hello?" aniya.


"Are you related to Mr. Quintela? Nakalagay po kasi dito sa phone niya, na you're his wife." sandaling natigilan si Lyka. Ilang taon na wala na silang komunikasyon ni Rain dahil isa iyon sa usapan nilang dalawa, ngunit hindi sila kailanman nagpalit ng numero.

"Bakit po? Ano pong nangyari sakanya?" tanong niya.

"Kasama po siya sa victim sa nangyaring Car accident sa batangas, he's now on ICU at critical ang lagay."


Parang biglang tumigil ang mundo kay Lyka. Nabitawan niya ang cellphone na hawak at nagmadaling nagbihis at lumabas ng bahay nila, pumara siya ng taxi na una niyang nakita at nagtungo sa ospital na sinabi ng kanyang kausap kanina.


--

Dear Rain,

Walang iwanan diba? Lumaban ka, please. Sabi mo magkikita na tayo bukas. Please Rain.


--

Binitawan niya ang ballpen at diary na hawak niya nang makita niya ang paglabas ng doktor,

"Kamusta po, dok?"

Iling lang ang tanging naisagot ng doktor na lalong nagpahina sa dalaga at tuluyang bumagsak sa sahig.




PRESENT TIME


Dear Rain,

It's been Twenty Years simula ng huli tayong pumunta sa burol na to at nagtapat ng wagas na pag-ibig natin sa isa't-isa. Dito din tayo nangako ng maghihintay tayo ng Tamang Panahon para sa Pag-ibig nating dalawa. How cruel our life is, hindi man lang tayo hinayaan na magkita matapos ang sampung taon na paghihintay.

Alam mo ba, Rain, hanggang ngayon ay sariwa parin sa puso ko ang sakit na pagkawala mo. Hindi ka man lang nag-iwan ng sulat o ano, tanging alaala lang nating dalawa.

Why loving you, Rain gives me so much Heartache? Bakit hanggang ngayon ay masakit parin ang unang pag-ibig na inalay ko para sayo. Bakit sa tuwing naaalala kita o may mga bagay na nag-papaalala sakin ay hindi ko mapigilan na umiyak? Bakit ganito? Diba mahal o naman ako? Bakit hinayaan mo na maging malungkot ako sa buong buhay ko?

--

"Nagsusulat ka na naman?" tanong ni Bryan kay Lyka nang makita niya ito sa labas ng bahay nila hawak ang Diary na nakalaan lang kay Rain.


"Masakit parin, Bryan. Sorry." sagot niya.


Napabuntong hininga nalang ito at inakbayan siya, "Alam mo Lyka, hindi ka totoong mag-mo-move on kung hindi ka mag-le-let go. Umpisahan mo sa mga bagay na nagpapaalala sakanya. Twenty years na ang nakalipas, Lyka. May Leona at Bree na tayo, 7 years na tayong kasal. Siguro naman oras na para kami naman ang isipin mo, diba?" napaangat ng tingin si Lyka kay Bryan, nakangiti ito sakanya ngunit mahahalata mo ang lungkot sa mga mata nito.


Seven years ago nang magpakasal sila ni Bryan. Sa kagustuhan narin ng mga Magulang ni Lyka para makalimutan niya na si Rain. Nagkaroon sila ng kambal na anak ngunit sa loob ng pitong taon ay lagi parin nakikita ni Bryan na umiiyak ang kanyang asawa habang hawak ang Diary nito na inilaan kay Rain.


"Sorry talaga, Bryan." iyon lang ang tangi niyang sinabi at nauna nang pumasok sa loob ng kanilang bahay para asikasuhin ang kanyang mga anak.




"Masakit mag-let go, mahirap kalimutan ang taong sobra mong minahal pero kung gusto mo talagang sumaya ay gagawin mo." bulong sakanya pa ni Bryan. Napabuntong hininga nalang siya at hindi na umimik.


--

Dear Rain,

Ito na ata ang huling entry na isusulat ko dito. Siguro nga ay tama si Bryan, kailangan ko nang mag-let go. Kailangan na kitang i-let go para maging masaya narin ako. Sapat na siguro ang dalawampung taon na pagngungulila ko sayo. Papatahimikin narin kita katulad ng pagpaptahimik ko sa sarili ko. Mahal parin kita, Rain, pero mas mahal ko na ngayon ang Pamilya ko. Sila ang nagbibigay sakin ng lakas, sila ang kasangga ko sa lahat.

Siguro nga ay hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Na pinaramdam lang satin ang tamis ng unang pag-ibig.

Alam kong masaya ka na diyan, ngayon, dahil kapiling mo na ang mga Magulang mo at ang Diyos. Mahal na mahal kita pero kailangan na kitang pakawalan, para din ito sating dalawa.

--

Isinara ni Lyka ang diary at hinagis ang ballpen sa drum na umaapoy. Tinitigan muna niya ang diary at hinaplos ang larawan nila ni Rain na nakaipit doon. Hinalikan niya for the last time ang diary atsaka hinulog ito sa drum na umaapoy. Pinagmasdan niya ito hanggang sa maramdaman niya ang patabi sakanya ng kanyang asawa.


"Thank you, Lyka. Hindi ka magsisisi at mas mamahalin pa kita." anito.






---------------------------------------------- T H E   E N D --------------------------------------------------------------




Copyright, maidenlovingkyuu, 2015

Loving Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon