7 - First Kiss

1.3K 35 0
                                    



Sa mga sumunod na araw ay totoong naging magkaibigan sina Lyka at Rain. Lagi na silang magkasama tuwing breaktime at sinasabay pa ni Rain ang binata pauwi. Sobrang saya ang nararamdaman ni Lyka, habang si Nikki ay naguguluhan at si Shiela ay napapatungo nalang.



"Lyka?" pagtawag si Nikki sa kaibigan, isang araw habang nasa loob sila ng klase at nag-aantay ng teacher.



"Bakit?" nakangiting tanong ng dalaga.



Makikita sa dalaga at mabilis na pagbabago nito. Maayos ang pagkakatrintas ng mahaba nitong buhok, may lipgloss ang labi nito at laging may pulbo ang mukha para hindi maging oily tignan. Lagi din itong nahuhuli ni Nikki na nagsasalamin, kaya nagtatakha talaga ito kung bakit bigla itong na-concious.



"Anong nangyare? Saka bakit hindi na kayo nagpapansinan ni Shiela?" hindi mapigilan niyang tanong.


Saglit na natigilan si Lyka at nawala ang ngiti sakanyang labi.



Isang linggo ang nakalipas mula nang magpalipas ng gabi si Rain sa bahay ng dalaga. Nagkwento lang ang isat-isa at nagkakilanlan, doon na din sinabi sakanya ni Rain na layuan niya si Shiela, kung gusto niyang maging kaibigan ang binata. Hindi nagdalawang isip si Lyka at agad pumayag. Hindi na niya inalam kung ano ang nangyari sa mga ito basta ay masaya siya.



"Hindi ko alam, Nikki." maikli niyang tugon. Hindi na muling nagtanong pa ang kanyang kaibigan dahil dumating narin ang Guro nila.



Kasalukuyang kumakain sa cafeteria si Lyka at Nikki, kasama si Bryan at Arjhon. Kumakain ng lasagna si Lyka habang Pork steak with rice naman ang tatlo. Tahimik lang ang magkakaibigan at walang gustong magsalita sa tahimik na si Lyka at nakangiti. Napapailing nalang si Bryan at tumitingin ng makahulugan sa mga kaibigan niya.



Napalingon ang lahat ng tao na kumakain sa entrada ng cafeteria nang makarinig sila ng tunog ng gitara mula doon, at agad na napatayo si Lyka nang makita niya si Rain na nag-s-strum ng gitara at diretsong nakatingin sakanya.



Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shining
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying

She's so beautiful,
And I tell her everyday

Yeah, I know, I know
When I compliment her
She wont believe me,
And it's so,
Sad to think that she don't see what I see

But every time she asks me do I look okay, I say



Hindi alam ni Lyka ang mararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa ginagawa ni Rain pero talagang nakakakuha na sila ng atensyon.


Dahan-dahan ang ginawang paglapit sakanya ni Rain, hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo nito kay Lyka at walang alinlangan itong lumuhod sa harapan niya habang tumutogtog parin ng gitara at kumakanta,


When I see your face
There's not a thing that I would change
'cause your amazing
Just the way you are

And when your smile,
The whole world stops and stares for a while

'cause your amazing,

Just the way you are.



Nakangiti itong tumayo at ibinigay ang gitara sa isang kasamahan nito na nasa gilid. Lumapit pa ito nang kaunti kay Lyka at dahan-dahan na hinawakan ang pisngi nito, at namalayan nalamang nila na magkalapat na ang kanilang mga labi.



Dear Rain,

Oh, my gosh! Ganon pala ang feeling! I felt so magical. Ang lambot ng labi mo tapos, ang bango mo pa lalo na sa malapitan. Sana hindi na matapos ang araw na ito, sana hindi ito hiram lang. Mahal na kasi kita, Rain.

Loving Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon