"Hindi ko kayang sumama ka sakin, Lyka."
Nakatitig lamang si Lyka kay Rain, nakatayo ang binata sa harapan ng nakaupong dalaga na ngayon ay nakayuko at pilit na iniintindi ang sinasabi ng kaharap.
Dinala ni Rain si Lyka sa isang burol sa probinsya ng Antipolo, isa itong open area at kita ang mga city lights dahil sa taas nito.
"Sorry Lyka. Hindi ko naman alam na aabot ito sa ganito. Masakit ito para sakin pero kailangan mo rin itong malaman." wika ni Rain.
"Sige Rain, ikuwento mo simula umpisa. Makikinig ako, at hindi ako magrereact." wika ni Lyka.
Huminga ng malalim si Rain at napahawak sakanya batok. Sa lahat ng ginawa niya sa kanyang buhay ay ito ang masasabi niyang mahirap. Mahirap para sakanya na umamin ng kasalanan sa taong pinagkasala niya. Buong buhay niya, ay wala ni isa man ang nagpahalaga sakanya, siya iyong tipo ng tao na laging naghahabol, kaya nang malaman niya mula kay Shiela na gusto siya ng kaibigan nito ay biglang nabaling ang atensyon niya dito.
"Natutuwa ako sayo Lyka, kasi gusto mo ako, gumagawa ka ng paraan para makita ako at mapansin kita."
Bata pa lamang si Rain ay pinaampon na siya ng kanyang mga Magulang sa kamag-anak nito na mayaman. Palipat-lipat siya ng eskwelahan sa probinsya na pinanggalingan niya dahil sa mga pinag gagawa niyang kalokohan, hanggang sa ipatapon na siya sa Maynila at doon niya unang nakita si Shiela.
"Na-attract ako kay Shiela dahil maganda siya, kaya ko siya niligawan dahil narin sa tukso ng mga kaibigan ko at pustahan. Mailap raw kasi sa mga manliligaw si Shiela at nang mapasagot ko siya ay inidolo ako ng mga kaibigan ko, nanalo pa ako sa pustahan." bahagyang yumuko si Rain dahil sa biglang hiya na nararamdaman niya at sa pagkailang narin na titig ni Lyka sakanya.
Hindi parin umimik si Lyka ngunit nakita niya ang pagkakagat labi nito, dala ng pagpipigil sa pag-iyak.
"Laging kinukwento sakin ni Shiela na may kaibigan raw siya na may gusto sakin, kaya naging Interesado ako sayo. Hiniwalayan ko siya at ikaw ang binigyan ko ng atensyon." paliwanag pa niya.
"Niloko mo lang si Shiela?" mahinang tanong ni Lyka.
Tahimik na tumango si Rain. Napapikit na lamang si Lyka at napabuntong hininga.
Hindi niya malaman ang dapat isipin at gawin. Naawa siya para kay Shiela, ang kaibigan niya na pinaglaruan ng lalaking sinasabi niyang mahal niya. Dapat ay nagagalit na siya ngayon dahil sa ginawa sa kaibigan niya, at hindi niya alam kung bakit tahimik parin siya hanggang ngayon.
"Pero minahal kita, Lyka. Totoo ang mga pinapakita at pinaparamdam ko sayo. Sinadya kong mapabayaan mo ang pag-aaral mo para malaman ko kung gugustuhin mo pa akong makasama, at masaya ako. Dahil umabot tayo ng tatlong buwan at nagawa mo pa akong ipaglaban. as gusto mo pa akong makasama.."
Tumayo mula sa pagkakaupo si Lyka. Lumapit siya kay Rain at hinwakan ang magkabilang pisngi nito, "Mahal kita. IKaw ang pinakamamahal ko, at sa mga narinig ko ay pinatunayan mo na dapat kitang mahalin."
Pumikit si Rain at hinawakan rin ang kamay niya na nasa pisngi nito. Pumikit siya at dinantay ang kanyang noo sa noo nito, hanggang sa maramdaman niya ang pagbasa ng kanyang kamay. Dumilat siya at nakita niya ang pag-uunahan ng luha ng binata na kumawala sa mga mata nito.
"Rain..."
"Mahal na mahal kita, Lyka. Pero sa tingin ko ay mali itong gagawin natin. Mga bata pa tayo, hindi ko alam kung ano ang magiging buhay natin sa piling ng isa't-isa." wika nito sa pagia ng mga hikbi. Kusang tumulo ang luha ni Lyka. Niyakap niya si Rain nang mahigpit.
"Mahal na mahal kita kaya ayokong maranasan mo ang buhay na naranasan ko. Mas gaganda ang buhay mo kung babalik ka sa Magulang mo at susundin ang gusto nila. Mahal kita kaya alam ko na hindi tama ang gagawin natin, pareho tayong menor-de-edad pa lamang. Walang patutunguhan ang buhay natin." paliwanag pa nito, nakakaintinding tumango si Lyka at hinalikan sa pisngi si Rain.
"Salamat Rain. Hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal kita. " wika niya saka muli itong niyakap.
BINABASA MO ANG
Loving Rain (Completed)
Short Story"Loving Rain is like breathing, I can't stop, I can't live without it, and I might die If I forget it." Loving Rain written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories 2015