3 - Masakit Pala

1.7K 39 0
                                    



Lumipas ang mga araw sa buhay ni Lyka. Ganoon parin naman ang buhay niya, gigising ng umaga, mag-aalmusal kasama ang kanyang Pamilya, papasok sa klase, uuwi sa bahay at matutulog. Ngunit ngayon ay may kahulugan na, kung dati ay may pagkakataon na tamad na tamad siya at laging inaantok, ngayon ay hindi na. Lagi ba namang may inspirasyon eh.


Nalaman niya mula sakanyang mga source na Laxus Rain Quintela ang tunay nitong pangalan. Ka-edad niya lamang ito at kaparehas ng year level, ngunit iba ng section. Noong unang araw kasi na nagkita sila ay hindi ito naka-uniform, hindi niya ito nakita sa flag ceremony kaya hindi niya nalaman na schoolmates sila. Napagtanto niya lang lahat nang puntahan niya si Shiela sa Gym.


And, speaking of Shiela, nakapasok ito sa Cheerdance. Pero wala pang pagsasanay na nagaganap since next week pa naman ang Intrams kaya ngayon ay busy silang lahat dahil First periodical test na next week.

Kasalukuyan silang nasa loob ng kanilang room. Bahagyang maingay dito dahil wala silang Guro, kanya-kanya sila ng ginagawa. Habang si Lyka ay tahimik lang at subsob sa pagrereview.


"Lyka, tignan mo kung hawig na ni Erza." tanong sakanya ni Nikki pagkuwa'y inilapag sa desk niya ang sketch pad nito na may nakadikit na larawan ni Erza Scarlet ng Fairytail.


Tumango lang siya at hinawi ang sketch pad nito. Muntik pa itong mahulog sa sahig mabuti nalang at nasalo ni Bryan na nasa gilid niya.


"Ano ba yan, Lyka. Uso mag-liwaliw muna dahil next week pa naman ang Exam." naiinis na wika ni Nikki sakanya sabay kuha ng sketch pad nito. Hindi nalang ito pinansin ni Lyka at itinuon ang sarili sa pagrereview.

"Shiela, may naghahanap sayo." awtomatikong napaangat ng tingin si Lyka nang marinig ang sinabi ng kaklase niya sa kaibigan. Agad na tumayo si Shiela at nagtungo sa pintuan. Tumayo din siya at sumunod dito.

"Ikaw na naman?" iritableng wika ni Shiela at humalukipkip sa harapan ng binatang si Rain.

"Makikipagkilala lang sana ako." wika ng binata.

"Two months na ang nakalipas since nang mag-try out ako kaya I'm sure kilala mo na ako." pagtataray pa nito. Tahimik lang na nakikinig si Lyka sakanila na umupo pa sa unahang upuan.

Napakamot sa ulo ang binata at nahihiyang ngumiti sa dalagang kaharap. "Baka kasi hindi mo pa alam ang pangalan ko..." Anito pa.

"I know your name is Laxus Rain Quintela, so please, leave me alone." wika ni Shiela. Akmang aalis na sana siya nang hawakan ni Rain ang braso niya.

Loving Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon