Lumipas ang ilang buwan at third year na sila Lyka. Sa loob ng mga araw ay sobrang saya ang nararamdaman niya, mas naging masaya siya lalo na nang maging opisyal na mag-on na sila ni Rain at ngayong araw nga ay tatlong buwan na sila.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Lyka ay may mga taong nagagalit sakanya. Isa na dito ay napabayaan na niya ang kanyang pag-aaral dahil narin sa lagi silang nagpupunta sa Mall at nanunuod ng sine instead na pumasok sa eskwelahan, natuto na siyang magsinungaling sakanyang mga Magulang at lumayo sa mga kaibigan niya na kilala na siya mula sa pagkabata. Hindi iyan lahat napapansin ni Lyka dahil tutok ang atensyon niya kay Rain, at sa sayang nararamdaman niya.
"Hindi tayo papasok?" tanong ni Lyka kay Rain nang makitang lumiko ang motor nito sa isang eskenita at hindi sa direksyon sana patungo sa eskwelahan nila.
Tumango ito bilang tugon at binagalan ang pagpapatakbo, "Pero Rain, exam kasi natin ngayon, second periodic test. Baka bumagsak tayo kapag hindi tayo nakapag-take." mahinahon niyang wika. Narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga nito atsaka mabilis na pinaandar ang motor para makaabot sila sa pagsara ng gate, at nakaabot nga sila. Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad sa Mathay Building. Napapabuntong hininga nalang si Lyka at hindi na umimik pa hanggang sa makaupo sila.
"Bakit ganito ang grado mo, Lyka? May problema ka ba?" nakayuko lamang si Lyka habang nasa harapan ng kanyang mga Magulang.
Hiya ang tanging nararamdaman ni Lyka sa oras na iyon. Kita ang disappointment sa mga mata ng kanyang mga Magulang habang nakatingin sakanya. Ang dating consistent top student simula kinder ay nagkaroon ng line of seven sa school card. Nang una ring makita ni Lyka iyon ay nanlumo siya, ayaw niya sana itong ipakita kahit sino man sa Pamilya niya ngunit nakita ito ng mismo niyang Ina sa kwarto niya.
"Sorry po. Hindi ko po napansin na napapabayaan ko na po pala ang pag-aaral ko." mahinang wika niya.
"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo, anak? Marami kaming naririnig ng Papa mo tungkol sa iyo pero hindi kami naniniwala dahil may tiwala kami sa iyo at gusto ko na ikaw mismo ang magsabi sa amin. Ano iyon, anak?" malumanay na wika ng kanyang Ina.
Napapikit nalang ang dalaga at bumuntong hininga, "May boyfriend na po ako."
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Lyka mula sa kanyang Ama. Hindi siya nangahas na salubungin ang nag-aapoy nitong mga mata dahil sa labis na galit sakanya.
"Ano ang paalala namin sa iyo, Lyka? At ikaw pa talaga! Sa inyong apat ay ikaw ang pinakamatalino tapos ganito?" sigaw ng kanyang Ama.
Napahagulgol si Lyka at napatakip sakanyang mukha. Hindi niya kaya ang nangyayari sakanya. Unang beses na nagalit ang kanyang Ama sakanya at unang beses din na pagbuhatan siya ng kamay. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman, at parang gusto na niyang mawala nalang.
"You are grounded, Lyka! Wala kang cellphone, at kahit anong gadgets. Ako din ang maghahatid at magsusundo sayo. Kakausapin ko ang mga teachers mo at sila Shiela!" wika pa ng kanyang Ama.
Mabilis siyang tumayo at tumakbo paakyat sakanyang kwarto. Iyak lang siya ng iyak sakanyang unan.
Dear Rain,
Ganito ba talaga ang consequences kapag laging masaya? Na-disappoint ko ang mga Magulang ko, pero ayaw kitang pakawalan. Mahal kita, Rain. Ano ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Loving Rain (Completed)
Historia Corta"Loving Rain is like breathing, I can't stop, I can't live without it, and I might die If I forget it." Loving Rain written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories 2015