Ngiting-ngiti si Lyka habang naglalakad papasok sa campus nila. First day na nila sa second year at napagusapan ng magbabarkada na magaantayan ang mga ito sa library, gusto kasi nilang maranasan ang hindi umattend ng flag ceremony.
Naramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya kaya agad niya itong kinuba sakanyang bulsa at sinagot ang tawag ni Shiela,
"Nasaan kana, Lyka?" tanong nito.
"Malapit na ko, andito na ako sa loob ng school. Wait lang ha." sagot niya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sa linya si Shiela kaya nagmadali na siyang maglakad hanggang sa makarating siya sa library.
Pagpasok niya ay agad niyang hinanap ang kanyang mga kaibigan at una na niyang nakita si Nikki na nasa isang bookshelves.
"Oh, andito kana pala. Tara na. " wika ni Nikki at niyaya na siya.
Ngunit agad din napahinto sa paglalakad si Lyka nang makita niya si Rain, kasama si Shiela. Magkatabi ang mga ito sa upuan habang nakaakbay ang binata dito.
"Kalma ka lang, Lyka. " bulong sakanya ni Nikki.
Tumango nalang siya at dahan-dahan silang naglakad papalapit sa mga ito hanggang sa mapansin siya ni Bryan.
"Oh, Lyka! Kamusta? Two months din tayong hindi nagkita ah. " anito saka hinila siya papaupo sa tabi nito, lalo tuloy siyang nailang dahil katapat niya si Rain, na nakatingin lamang kay Shiela at hindi man lang siya tinapunan ng tingin kahit na pinakilala na siya ni Bryan dito.
"Diba Shiela may sasabihin ka at sabi mo ay antayin muna natin si Lyka para kompleto tayo?" wika naman ni Arjhon.
Tahimik lamang na nakikinig ang dalaga kahit sa kaloob-looban niya ay nahihirapan na siyang huminga. Hindi niya kayang nakikitang ganun kalapit ang dalawa sa isa't-isa. Parang... parang dinudurog ang puso niya.
"Ah. Boyfriend ko na si Laxus, last summer pa actually." masayang wika ni Shiela sabay halik sa pisngi ni Rain.
Agad na napaiwas ng tingin si Lyka at bumuntong hininga. Napapikit siya hanggang sa maramdaman niya ang kamay sa kanyang balikat, makikita sa mukha ni Nikki ang matinding pag-aalala sa dalaga. Tumango nalang ito at hinila ang kamay ni Lyka patayo.
"Ah, guys. May pupuntahan lang kami ni Lyka, nagtext kasi sakin yung pinsan ko eh. Sige ah. " wika ni Nikki at hinila na siya paalis doon.
"Nikki, bakit ang sakit. " hindi mapigilan na wika ni Lyka habang nakatitig sa kaibigan niya. Kasalukuyan silang nasa fire exit ng Mathay Building at magkaharap.
"Bakit ganun? Akala ko ba petty romance lang ito? Nabuhay naman ako ng buong summer na hindi siya nakikita at iniisip, bakit ganun? Kung masakit na noon, mas masakit pa ngayon na parang sinaksak na ang puso ko ng paulit-ulit. " aniya pa.
"Lyka... "
"Ayokong magalit kay Shiela, pero this time, pwede bang isipin ko muna ang sarili ko. Gusto kong i-save ang puso ko. Pwede ba yun, Nikki? " tumango naman ang kanyang kaibigan kaya hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Iiyak mo lang Lyka. Pero sana ito na ang last na makikita kitang umiiyak dahil sa lalaking iyon. Hindi mo siya deserved, kalimutan mo na siya, nakita mo naman na masaya na sila. " wika pa nito habang hinahagod ang likod niya.
Umiyak nga ng umiyak ang dalaga habang nakayakap sakanyang kaibigan. Atleast kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng dalaga dahil kasama niya si Nikki, ang kaibigan na hindi umalis sa tabi niya.
Ang buong second year ni Lyka ay ginugol niya sa pag-aaral. Consistent ang pagiging top niya sa klase at sumasali din siya sa mga activities katulad ng quiz bee competition at marami pang iba.
Ginugol niya ang buong taon sa pag-aaral at sobrang saya ang makikita sakanyang mga magulang ng makita ang grades niya.
Dumating ang 16th Birthday ni Lyka.
Lahat ng kaibigan niya ay imbitado dahil may munting salo-salo sakanilang tahanan.
Kasalukuyan na nakaupo si Lyka sa swing sa likod ng bahay nila nang may tao na biglang lumitaw sa harapan niya.
"Ikaw si Angelika September, diba? " anito.
Takhang tumitig siya dito, hindi niya lubos maisip na nakatayo ito ngayon sa harapan niya.
"Rain... "
"Angelika, pwede ka bang maging kaibigan? "
At ang inakala ni Lyka na nakalimot na siya ay isa palang simula ng bagong paghihirap niya.
Dear Rain,
Ganyan ka ba talaga? Kung kailan nagmo-move on na ako ay saka ka naman lalapit at mag-aalok ng friendship. At sino ba naman ako para tanggihan ka? Nakakainis ka, at naiinis ako dahil bigla ko na naman naramdaman ang pagwawala ng puso ko.
Wala sa sarili siyang tumango at saka napatayo. Naglahad ng kamay si Rain na agad niyang kinuha hanggang sa nagdaop ang kanilang mga palad.
"Thankyou, Angelika. Tama nga si Shiela, napakabait mo. "
Dear Rain,
Okay na sana eh, bakit mo pa binanggit si Shiela? Parang naiisip ko tuloy na kaya ka nakipagkaibigan ay dahil sa kaibigan ko siya.
Copyright © maidenlovingkyuu
BINABASA MO ANG
Loving Rain (Completed)
Short Story"Loving Rain is like breathing, I can't stop, I can't live without it, and I might die If I forget it." Loving Rain written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories 2015