9 - Tanan

1.3K 30 0
                                    



Tahimik lamang si Lyka habang nakaupo sakanyang upuan sa loob ng klase. Nakayuko lamang siya at mahigpit na nakahawak sakanyang palda, samantalang maingay ang mga kaklase niya dahil may kausap ang teacher nila sa labas, at iyon ay ang kanyang Ama.



Nararamdaman niya ang mga titig sakanya ng mga kaibigan niya ngunit nahihiya siyang salubungin ang mga ito. Gusto niyang kausapin ang mga ito at humingi ng tawag ngunit nahihiya siya, kagabi lamang niya kasi narealize ang lahat, na nakalimutan niya ang mga kaibigan nang maging sila ni Rain. Hindi man lang niya inalala ang nararamdaman ni Shiela dahil siya na ang nobya ng dating nobyo nito. Kinalimutan niya ang mga bilin ni Nikki sakanya, isinantabi niya ang mga paalala ni Bryan at Arjhon. Nakalimot siya at iyon ay labis niyang pinagsisisihan.


Napaangat siya ng ulo nang marinig niya ang pagtawag ng kanyang Ama. Dahan-dahan siyang tumayo at nakayukong naglakad papalapit nang sabihin ng kanyang Guro na lumapit. Sobrang kaba ang nararamdaman ni Lyka nang marating niya ang kanyang Ama. Mabigat ang kamay nito na hinawakan siya sa balikat at tinitigan ng matalim.



"Sige po, Mam. Ililipat ko na lamang po ng ibang school si Angelika, second periodical pa lamang po diba. Makakahabol pa siya." wika ng kanyang Ama kaya napatingin siya dito. .



"Mas mabuti po iyan, Mr. Mendoza. Hindi ko rin po kasi gusto ang mga nakikitang kong nangyayari sa anak niyo, mabait po na siyang bata at matalino pero nitong mga nakaraang buwan ay talagang nag-iba siya, at kapag nagtatanong po ako sa classmates niya ay lagi nilang sinasabi na Bad Influence si Laxus Quintela sakanya." napailing nalang si Lyka at pilit na itinikom ang kanyang bibig. Lutang ang kanyang isipan hanggang sa ihatid siya pauwi ng kanyang Ama.



Dear Rain,

Masakit para sakin na isipin nilang bad influence ka sakin. Aminado naman ako na may ugali ka na hindi ko gusto at pilit kong iniintindi kaya wala silang karapatan na sabihin iyo. Mahal na mahal kita at walang magbabago doon.




Maingat at dahan-dahan na naglalakad si Lyka sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid. Maingat na inabot niya ang isanf cellphone na nasa ibabaw ng mesa, at nang makuha ay dali-dali siyang lumabas at nagtungi sa kwarto niya. Nilock niya pa ang pinto at hinarangan ito ng mesa. Nanginginig na dinial niya ang numero ng katipan.


[Hello?]


"Hello Rain, si Lyka ito." wika niya. Napakunot ang noo niya nang walang masagot na kahit ano dito kaya muli siyang nagsalita.



"Rain. Ililipat na ako ni Papa ng school. Ayoko, Rain, ayokong mawalay sayo. Mahal na mahal kita. Please, tulungan mo ako. " aniya at hindi mapigilang humikbi.



Matagal bago nakasagot ang binata, narinig niya pa ang ilang ulit na pagbuntong-hininga nito, [Sige Lyka, itatanan kita. Magtanan tayo, antayin mo ako ngayon, pupunta ako dyan at tutulungan kitang makalabas.]




Dear Rain,

Sinunod ko ang gusto mo at sumama ako sa iyo. Gulong-gulo ang aking isipan habang nakayakap sayo mula sa likod at angkas sa motor mo.

Mahal na mahal kita Rain. Hindi ko alam na ang simpleng paghanga ko para sa iyo ay hahantong sa ganito.

Sana lang talaga ay tama ang desisyon natin. Sana mas sumaya pa tayo kahit na pareho pa lang tayong menor de edad.

Loving Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon