Something Between
Lovers and FriendsMark's POV
Bumakas ang labis na tuwa sa mukha ko nang sa wakas ay bumungad sa akin si Nat pagbukas ng pintuan ng elevator.
Gumuhit sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti dahil sa wakas ay nasa harapan ko na muli siya.
Nang tuluyan nang bumukas ang pintuan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng sandali.
Mabilis akong humakbang patungo kay Nat na ngayon ay natitigilan habang nakatitig sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumugto ng kanyang mga mata at ang mga pigil na luha na naroon.
Nang maabot ko na siya ay niyakap ko siya ng napakahigpit. Napapikit ako nang sa wakas ay nadama ko ang init ng kanyang katawan.
"M-Mark," garalgal na sambit niya sa pangalan ko kasunod ng pagtaas ng mga kamay niya sa katawan ko upang yakapin ako.
Nagmulat ako ng mga mata at muli ay gumuhit sa mga labi ko ang isang ngiti na may magkahalong emosyon. Pait at galak. Dahil sa mga sandaling ito ay iyon ang nararamdaman ko.
Narinig ko ang mga hikbi ni Nat saka niya isinubsob sa dibdib ko ang kanyang mukha. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
Kahit papaano ay nakakadama pa rin ako ng takot na kahit anong sandali ay maaari pa ring mawala sa akin si Nat. Lalo na at hindi pa rin malinaw sa amin ang lahat at alam ko na may galit pa rin sa dibdib niya dahil sa ginawa ko sa kanya.
Nagtagal ng ilang sandali si Nat sa loob ng mga bisig ko. Hinayaan ko muna siya na mailabas niya ang lahat ng bigat na namamahay sa dibdib niya.
Alam ko kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan niya dahil sa mga biglaang desisyon na ginawa ko noon.
Nasaktan ko siya nang husto at alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya ngunit ilang taon din akong nagdusa dahil sa paghihiwalay namin.
Walang gabi na hindi ko siya naiisip at inaasam na sana ay kaya kong ibalik ang panahon. Pabalik sa masasayang araw na magkasama kami.
Masaya kami noon kahit na marami ang mga problema na nakapaligid sa aming dalawa. Nalalampasan namin iyon dahil magkasama kami.
Ngayon ay narealize ko na ang lahat. Sana pala ay hindi ko siya iniwanan noon. Mahirap ang sitwasyon namin noon. Pero mas mahirap pala kapag nagkalayo kami. Pati ang loob ni Nat ay lumayo na rin sa akin.
Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng mga yakap ni Nat sa katawan ko kasabay ng patuloy niyang pag-iyak sa dibdib ko.
Nababasa na rin ako dahil nagpaulan si loko. Pero hindi mahalaga iyon sa mga sandaling ito. Dahil isa na lang ang mahalaga para sa akin. Iyon ay si Nat.
"Don't leave me, Mark. Nakikiusap ako sayo huwag mo na ulit akong iiwanan." pakiusap niya sa pagitan ng mga hikbi.
Hinagod ko naman ang likod niya saka ko hinalikan ang gilid ng noo niya.
"Hush, baby! Hindi ako aalis. Hindi na kita iiwanan pa. Pangako ko sayo yan." bulong ko sa kanya.
Namuo na rin ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako naiiyak dahil malungkot ako. Naiiyak ako dahil sa wakas ay kasama ko na muli si Nat.
Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ito. Sisiguraduhin ko na hindi na siya makakawala pang muli sa akin.
"Tumahan ka na. Nandito na ako. Tara na sa kotse at baka magkasakit ka pa." masuyong bulong ko sa kanya. "Bakit ka ba nagpaulan? Napakapabaya mo talaga." sermon ko sa kanya.
Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Nat at napansin ko na umiiwas siya na mapatingin sa mga mata ko.
Nagpunas pa siya ng mga luha niya. Inangat ko naman ang kamay ko at ako na mismo ang nagpahid ng mga iyon gamit ang palad at daliri ko.
BINABASA MO ANG
Lovers and Friends (Completed)
RomanceNakilala ni Nathaniel si Mark sa school na pinasukan niya sa probinsiya ng Lola niya. Sa tatlong na taon na pagsasama nila ay mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nila. Mark is a certified womanizer. Halos lahat na yata ng magagandang babae sa scho...