(7) Feelings

4.8K 217 23
                                    

Something Between
Lovers and Friends

Nathaniel's POV

Nakarating ako sa bahay nang masama ang loob ko kay Mark. Napatitig pa ako sa litrato namin na nasa side table.

Kapag galit, dapat galit lang. Walang tauban ng litrato.

Napangiti ako ng mapait saka na ako humiga sa kama.

Halos ilang araw din kaming hindi nag-usap ni Mark. Sa school ay nakikita ko siya na palaging nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

Hindi ko na rin masyadong kinakausap pa si Trevor dahil sa ginawa niya sa akin sa play.

Madalas ay kay Kath na lang ako sumasama pero palagi na lang ay nakadikit si Errol.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa pinakamalapit na kainan sa school nang lapitan kami nina Joey at Mark.

Inilapag ni Mark ang dala niyang tray sa may harapan ko dahilan upang mapaangat ako ng tingin sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin. Isang tipid at alangan pang ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Pwede ba akong makiupo?" tanong niya.

Hindi ako kaagad nakasagot at nanatili lamang ako na nakatingin sa kanya.

"Mag-usap na kasi kayo. Para kayong mga tanga. Sa tagal ng pagkakaibigan ninyo hindi makakatulong ang pride na yan." sabi ni Kath.

Sumulyap ako sa mga kaibigan ko. Nagthumbs up pa sina Joey at Errol sa akin.

"Nakalapag na ang tray mo diba? Bakit hindi ka pa umupo." baling ko kay Mark.

Ngumiti sa akin si Mark saka na siya naupo sa harapan ko. "Thank you Nat!" sabi niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ibig bang sabihin nito bati na tayo?" kumpirma niya.

"No more lies?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na mauulit." nakangiting sabi niya saka niya inangat ang kamay niya sa mesa.

"Friends na ulit tayo?" sabi niya habang nakalahad ang kamay niya.

"Tanggapin mo na wag ka nang pakipot diyan." susog ni Joey sa akin.

Mabilis ko namang tinanggap ang kamay ni Mark saka ko nakangiting sinabi sa kanya ang salitang friends.

"Yun!" hiyawan ng mga kaibigan namin saka sila parang mga baliw na nagsasaya. Nakaagaw tuloy kami ng atensyon ng ibang kumakain.

"Pasensya na po kayo. Masyado lang po kaming natuwa." sabi ng baliw na si Joey sa mga tao saka na kami nagpatuloy sa pagkain.

"Basta sa sabado walang mawawala sa inyo ah." sabi ni Errol habang kumakain kami.

"Anong meron?" tanong ni Mark.

"Siraulo!" natatawang sagot ni Errol saka niya binatukan si Mark.

Natawa na lang kami. Kabisado naman kasi ni Mark ang birthday naming lahat kaya imposible na makalimutan niya ang birthday ni Errol.

Naaalala ko tuloy kapag birthday ko. Laging nauuna sa pagbati sa akin si Mark. Madalas pa nga ay doon na siya natutulog sa amin para lang mabati niya ako ng saktong 12mn.

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw namin. Madalas na naman akong kinukulit ni Mark at palagi na lang ay nasa bahay siya.

Matinding kaba pa nga ang naramdaman ko nang isang umaga ay makita ko siya na hawak ang kahon na pinaglalagyan ko ng mga sulat ko sa kanya.

Lovers and Friends (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon