Something Between
Lovers and FriendsNathaniel's POV
Mas lumalim pa ang mga halik ni Mark na tinugon ko naman. Para akong lumulutang sa bawat dampi ng labi niya sa mga labi ko.
Ilang sandali pa ay kumalas siya mula sa paghalik sa akin. Nagkatitigan kami at ang malalamlam na mga mata niya ang natitigan ko.
Tumayo siya at hinubad niya ang pang-itaas niya. Tumambad sa akin ang makinis at magandang hubog ng katawan niya.
Pagkatapos ay hinubaran din niya ako ng tshirt bago siya muling dumapa sa akin at muli ay pinagsaluhan namin ang pinakamainit na halik na naramdaman ko sa buong buhay ko.
Hindi ko alam kung totoo pa ba ang mga nangyayaring ito pero isa lang ang nasa isip ko. Ang namnamin ang pagkakataon.
Halos ilang minuto rin kaming naghalikan hanggang sa ibangon niya ako at paupuin sa ibabaw ng kama.
Pumuwesto naman siya sa likuran ko. Hinahaplos ng isang kamay niya ang binti ko. Isang kamay naman ay ang braso ko ang pinagdidiskitahan habang ang labi niya ay naglalakbay sa balikat, likod at batok ko na nagdulot sa akin ng kakaibang kilabot.
Nagtagal pa ang masasarap na sandaling iyon hanggang sa umabot na sa oras na inangkin na niya ako.
Wala akong pagsisisi sa nangyari. Ginusto ko rin ang lahat. Ako. Si Mark. At ang pag-angkin niya sa katawan ko.
Dahil first time ko ay halos hindi ako makalakad ng maayos nang araw na iyon. Si Mark ang nag-alaga sa akin. Inabot pa nga siya ng gabi sa bahay.
Inaasar pa ako ng gago nang pasukin kami ni Lola sa kwarto. Nasobrahan daw yata ako sa langoy pero makikita ang makahulugang ngiti sa mga labi niya.
Hindi lang minsan naganap ang pangyayaring iyon. Dahil sa tuwing nakakahanap ng pagkakataon si Mark ay ginagalaw na niya ako.
Matapos nga ang maiinit na eksena sa pagitan namin ay kapwa kami nakatulala sa kisame at magkayakap na nakahiga sa kama.
"Masaya ka ba sa mga ginagawa ko sayo?" bigla ay tanong niya.
"Masaya naman. Bakit mo naitanong?" sagot ko.
"Hindi dapat malaman ngbkahit na sino ang namamagitan ngayon sa ating dalawa Nat." aniya.
Kumurap ako ng ilang beses habang nag-iisip bago ako sumagot.
"Ano nga ba ang namamagitan sa atin, Mark?" tanong ko. "Mahal mo na rin ba ako?"
"Basta! Hindi dapat ito malaman ng iba. At kapag nasa labas tayo ay bawal mo kong lambingin. Maliwanag ba?" sabi niya.
Tumango naman ako.
"Hindi mo rin pweding gawin ito sa iba, Nat. Dahil akin ka na." sabi niya sa pagsisikap na patigasin ang tinig niya.
"Pwede pa rin akong magkaroon ng girlfriends pero ikaw hindi ka pwedeng magboyfriend. Lalo na yung mayabang na Trevor na yun. Layuan mo siya." matigas na sabi pa niya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Gustuhin ko man magreklamo sa mga patakaran niya ay hindi ko magawa.
Baka mag-away lang kami at alam ko na sa bandang huli ay ako pa rin ang talo. Dahil ako lang naman yata ang very much in love sa kanya.
"Sayo lang ako, Mark. Pero hindi ka akin." malungkot na sabi ko.
Hindi na ako sinagot ni Mark.
Noong una ay nababahala pa rin ako sa mga rules ni Mark. Pero makalipas ang isang buwan ay official na siyang nanligaw sa akin.
Patago nga lang dahil baka daw may makaalam na pumatol siya sa isang tulad ko. Kilala siya na babaero at straight guy sa campus at ayoko naman mapahiya siya nang dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Lovers and Friends (Completed)
RomanceNakilala ni Nathaniel si Mark sa school na pinasukan niya sa probinsiya ng Lola niya. Sa tatlong na taon na pagsasama nila ay mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nila. Mark is a certified womanizer. Halos lahat na yata ng magagandang babae sa scho...