(11) Hide and Seek

4.7K 220 11
                                    

Something Between
Lovers and Friends

Mark's POV

2019

Nakaupo ako sa isang area ng restaurant na kinaroroonan ko habang hindi mawala ang tingin sa may entrance at sa mga dumarating na sasakyan sa labas.

Halos kinse minuto pa ang matulin na lumipas bago ko siya nakita na bumaba sa isang itim na sasakyan.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang sa wakas ay masilayan ko siyang muli. Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha ko. Ngayon ay may sumilay nang ngiti sa mga labi ko.

Hindi nagtagal ay nakapasok na rin sa loob ng restaurant si Nat. Inikot niya ang tingin niya sa paligid hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Hindi muna kaagad siya lumapit kaya kinawayan ko siya. Nanatili lamang siyang nakatitig sa gawi ko.

Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang humakban at tumayo naman ako upang abangan ang paglapit niya.

Nang huminto siya sa tapat ko ay ngumiti ako sa kanya. "Mabuti at nakarating ka. Maupo ka." sabi ko sa kanya saka ko hinila ang upuan.

Umupo naman siya saka na ako umupo sa harapan niya. Inalis niya ang shades na suot niya saka siya seryosong tumingin sa akin.

"Hindi ako kailanman tumanggi sa mga usapan natin kahit noon. Pero ito na ang huling beses na sisiputin kita. Dahil ang tanging dahilan lang kung bakit ako pumayag na magkita tayo ngayon ay dahil kailangan ko ng maayos na closure mula sayo." diretsong sabi niya.

Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya. Napakalaki na ng ipinagbago ni Nat. Hindi lang sa physical features kundi pati na rin sa pananalita niya.

Six years and five months kaming hindi nagkita ano bang ineexpect ko? Matapos ang nangyari noon ay kakausapin pa rin niya ako ng normal tulad noon?

Nakita ko siya minsan noon sa New York. Tinangka ko siyang habulin pero hindi ko siya nahabol dahil nakasakay na siya ng tren.

Mula nang araw na iyon ay para na akong baliw na hanap ng hanap sa kanya pero hindi ko siya nahanap.

Hanggang sa mapanood nga siya ni Anjo sa stage play na pinuntahan nila ng mga kaibigan niya nung huling bakasyon niya dito sa Pilipinas.

Alam ng kapatid ko kung gaano ko kamahal si Nat. Naging saksi siya ng mga kalungkutan at pagsisisi ko dahil sa mga maling desisyon ko.

Kaagad akong lumipad patungong Maynila upang kumpirmahin kung totoo ang sinasabi ni Anjo.

Pagkagraduate kasi namin noon ay nagdeactivate na si Nat ng lahat ng social media accounts niya. Hindi ko rin naman masisi sina Kath kung hindi sila nagbibigay ng impormasyon sa akin.

Sinadya niya talaga na putulin ang lahat ng bagay na nag-uugnay sa aming dalawa. Pero ngayon ay narito na siya sa harapan ko.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya pero alin ang uunahin ko?

Nag-order na kami ng pagkain at pag-alis ng waiter ay tahimik lamang kaming nagtitigan ni Nat.

Napansin ko na tila ba pinag-aaralan niya ang bawat sulok ng mukha ko. Sa mga mata niya ay may nababasa akong mga emosyon ngunit hindi ko iyon matukoy.

"Kumusta ka na?" basag ko sa mahabang katahimikan.

"I'm doing good!" mabilis na sagot niya then he shrugs.

"Matapos mo akong basta na lamang abandonahin noon na para bang wala tayong pinagsamahan ay nagpasya na lang ako na sumama sa mga magulang ko sa amerika. Doon ako nagcollege."

Lovers and Friends (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon