debated with myself whether to post this or not lol. ito talaga unang-unang-una kong sinulat, 'di lang pinost kasi napahaba. nag-enjoy masyado si bakla haha. may makikita kayong similarities sa ibang stories ko, kasi ito talaga naging reference ko aokdje. hindi ko na inedit kasi ayoko na mag-isip wala na 'ko n'on. was gonna cut this into parts pero ayoko masira momentum, dami pa man ding ads dito. -_-
ito comfort story ko. :( this is for my eyes only na lang sana pero may block kasi ulit ako baka 'di ako makapag-post for an indefinite time. so sana mag-enjoy din kayo sa napakahabang one-shot na 'to haha. pikit-mata na lang sa typos and errors pls kasi first draft lang 'to huhu.
--
Shaks, late na ba ako? Nakakahiya naman sa kanila, taenang traffic kasi nakalimutan ko nang slight na anlala nga pala. Chineck ko agad ang phone ko habang hinihintay na umakyat ang elevator. Ayos, may 10 minutes pa ako.
Habang hinihintay ko makarating sa floor ng condo unit na pupuntahan ko, nag-ayos muna ako sa salamin ng elevator. Dapat fresh ako! Aba, laging fresh ang pamilya Robredo kahit buong araw nangangampanya noon. Sana magustuhan nina Madam Freshi niluto ko. Hindi ko na talaga alam ano mararamdaman ko. Para akong natatae na naiihi na aatakihin sa puso na makatatanggap ng isang milyon. Sobrang mixed emotions.
First time ko kasing makakasama sa intimate setting ang lahat ng Robredo. Nakilala ko naman na sila lahat nang personal, since friendship kami ni Jill. Pero kadalasan, pa-isa-isa lang. Taray, installment ang meet-up! If kasama ko man silang lahat, usually malaking dinner or gathering siya so nakakaiwas pa ako nang slight.
Pero ngayon kasi, wala akong malulusutan. Nakakatakot! Pero gorabels!
Nagkakilala kami ni Jill when she first moved to New York and looked for a cheap NY apartment. At hindi madaling makahanap ng apartment na mura (and decent) doon, so I was always down to have flatmates with me. Sin'werte ako nang sobra kasi nagkataon din naman na si Jill ang naging flatmate ko. Sobrang bilis gumaan ng loob ko sa kan'ya, ambait kasi. Nag-bond din kami over the fact na parehas kaming bunso (ehem, mga paboritong anak for Leni). Added bonus 'yung ang ganda n'ya pa ta's matalino (ta's laging amoy baby powder)! S'yempre si accla, nagka-crush.
Feels ko naging halata rin ako masyado, so alam niya. Actually napaamin din ako due to liquid courage na crush ko siya, buti at understanding at mabait si Jill. She didn't mind at all. Flattered pa nga raw siya, and reassured me na walang magbabago sa pakikitungo niya sa akin. And she kept her word, walang moments of discomfort between us.
If anything changed, we only grew closer. I was really worried na baka mag-cause ito ng rift sa relasyon namin. Pero infair, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan no'ng umamin ako. Kahit sandali pa lang kami naging magkaibigan, medyo nasanay na ako at hindi ko yata kakayanin kung lalayuan niya ako dahil lang sa pesky feelings ko. Hindi ko naman kasalanan na nakaka-fall talaga si Jill, e! Tao lang ako, marupok!
I'm out and proud naman—even to my family, pero s'yempre hindi mo pa rin masabi na matatanggap ka ng lahat. Kaya rin iilan lang nasa inner circle ko, kasi I cut off people na agad kapag they show even a single sign of homophobia. Aba, pamilya ko nga tanggap naman na bakla ako? So sino sila? Char not char.
Kaya sobrang s'werte ko rin kay Jill. Kadalasan nga, Jill even supports me when I gush over women! Especially middle-aged women and actresses.
I'm content with being her Platonic soulmate with a capital P. Minsan talaga may mga pagkakataon na pang-tropa lang tayo, and that's okay!
Unang in-introduce sa akin ni Jill is si Miss Aika when she visited her younger sister sa US. And can I say, gusto ko magmura! Sobrang ganda, sobrang mature, ang bait, ang eloquent, calm and composed, ang prim and proper, ang hot ng boses, just overall warm person. Medyo kuripot siya pero oksi lang kasi at least alam mong masinop siyang tao!
YOU ARE READING
Jillian Robredo x Reader (One-Shots)
Fanficjust a collection of one-shots for the favorite anak and my gf (totally real), jillian therese. what happens in wattpad, stays in wattpad. languages are in fil/eng.