Chapter 14

88 2 0
                                    


Vacation


Sa mga lumipas na taon, noong may lakas loob na 'kong makalabas ng bahay ay tumungo ako sa hotel. I go back to the place where my image became a monster in everyone's eyes. Napa sulyap ako sa front desk, inaasahan ko na makikita ko ang nakausap ko, pero wala roon. Tinanong ko ang isa sa mga empleyado na naroon kung nasaan ang dati nilang kasamahan.

"He is now in Australia, Miss Nairer." Tugon ng isang front desk.

Tumango na lamang ako marahil nakakuha naman ng impormasyon iyong dumipensa sa akin tungkol sa pag punta ko rito sa KL Hotel. I wouldn't bothered myself to think if he refused to give witness in court, but at least he tried to help. I still understand if those people around me at that moment didn't want to be involved because, in the first place, this traumatizing situation I encountered was not my choice. Kaya gano'n din sa kanila.

Through out the years, noong nakalabas na ako ng kulungan. Rod always gave his services to me; he didn't hesitate to go to my parents's house to check if I was okay. Madalas din na kasama si Nikolai na bumibisita at kung minsan, lumalabas din kami kasama si Andrew. They were busy with their careers and studies, but they insisted on being there with me to recover from my trauma.

Ngayong bumalik na ako sa pag aaral, huling taon na sa kolehiyo, may mga tao rin akong nakilala na gusto rin akong kilalanin, may ibang tao rin palang gugustuhin ako kahit na may magulo akong buhay.

Pagkatapos kong balikan ang nakaraan, nilingon ko ang mga kaibigan ko na masayang nag uusap. If I have a chance to change everything, I'd rather choose these three girls. Pero hindi ko rin maiisip ang bagay na 'to kung walang nangyare noon, siguro nga'y lahat ng bagay ay may dahilan. Maybe that was just a chapter of my life, and I am still looking forward to my next page to begin again.

Naputol ang pag iisip ko nang tawagin nila ako para bumalik sa klase. Tapos na ang break time, hindi ko kasama ngayon si Krieverles, I don't know how to approach him, magulo ang isip ko kaya hindi ko magawang tumugon sa kanilang lahat. Pero nagagampanan ko parin naman ang training ko.

Sabay-sabay kaming apat na nag lakad patungong classroom. Final term na ng unang sem namin kaya magaganap narin ang last examination ngayon.

Nang nasa kanya-kanya na kaming upuan, pinag tuonan kong basahin ang mga libro at ilang notes na nasulat ko habang may oras pa. Lumipas ang minuto at dumating na ang Professor namin, 'di kalaunan, nakapag take na kami ng exam.

Tahimik ang buong klase, tumagal ang oras, tanging upuan lamang ni Krieverles ang unang nakapag bigay ingay, nilingon ko siya at nakitang pinasa ang papel. Did he even read the questions?

"I'll wait outside.." he whispered. I nodded at him since we are not allowed to communicate because we are taking our examination.

Sinilip ko ang orasan sa room, nakita kong isang oras na ang nakalipas, napababa ako ng tingin sa Prof namin na lumabas ng room. Nasa huling numero na ako kaya tinapos ko na ang papel ko.

Binalik ko ang takip ng ballpen at tumayo. Hindi ko parin naman nakakalimutan ang mga naturo noon, nauulit lang ngayong nag aral muli ako, kaya nasagutan ko. Tatlong babae pa ang sumabay, kaya naman pinasa ko narin ang akin. Nilingon ko ang mga kaibigan kong 'di maipinta ang mukha, 'di na ako nag salita pa at inayos ang bag.

"'Di talaga nakakabigo si Nairer pag dating sa exam." Dinig kong sabi ng isa kong kaklase si Brianna.

"Hey cheater, can you send us your answer? Para matapos narin namin 'to. Marami rami pang 'di nakakapag pasa." Sarkastikong usal ng isa ko pang kaklaseng lalaki.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon