Chapter 9

122 6 0
                                    

Sorry





"Do you know what relationship means, Erianthe?!" Galit na galit na sabi ni Mama. Her white skin turned red when she censured earlier as we gathered here inside of the room, some of the people looked at us habang ginawa niya 'yon kanina, mabuti na lang at hindi crowd ang tumingin sa 'min, dahil ramdam ko na ang bumalot sa aking hiya.

Inihilig ko ang ulo sa sandalan ng upuan, nag check-in sila dito sa hotel para lang pagtaasan ako ng boses. Alam narin pala nila ang tungkol sa issue, may panahon pa pala silang basahin ang tungkol sa nangyayare sa buhay ko. Or there's just someone told them about the rumored.

"Ni hindi ka nga makagraduate ng kolehiyo! Nagagawa mo pang makipag relasyon sa iba!"

My eyebrows met as my tongue pushed the right side of my cheek. Pinaglaruan ko ang daliri ko para pagkaabalahin iyon, panandalian lang din akong tumitingin sa kanila. Pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa. They always scolded me, wala namang bago, tsaka ano bang nagawa kong mali sa pakikipag relasyon?

"Saan mo ba nakilala 'yan, Zafrina?" Tanong ni Papa na kina ismid ko sa kawalan.

Tss.

"You don't know them? He is Colianzer, katulad din kayo ng pamilya niya. Business ang pinagkakaabalahan."

Exposed sila sa business pero hindi nila kilala ang pamilyang Colianzer.

"Colianzer.." mahinang sambit ni papa.

"'Yan na ba ang pinag kakaabalahan mo sa buhay? Ridiculous Erianthe." Sinapo niya ang kanyang kamay sa noo.

I rolled my eyes at her at napangisi, kailan pa siya nagkaroon ng pake tungkol sa mga nalalaman ko. But then, her eyes were like a fire when she saw what I did.

"How dare you, Zafrina!" Lumapit siya sa akin para pagbuhatan ako ng kamay pero pinigilan agad siya ni Papa.

Nangilid ang luha ko kasabay nang pagtagis ng panga. Yumuko ako nang magbara ang lalamunan ko, matalim parin ang mata kong sinulyapan sila. Ayoko na lang magsalita para wala na akong masabeng kung ano-ano.

"Ano bang pinagmamalaki mo, Erianthe? Ni wala ka ngang narating! You didn't even graduate from college, and you are already twenty-four years old! Nagagawa mo pang umasta ng ganyan!" Mataas na tono na sabi ni mama.

Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Why are they mad?! I thought I was just nothing to them! Ano bang pake nila kung may nobyo ako at bakit napunta na naman sa pesteng usapin na yan! I already know that I am a loser! Na sa pamilya namin, ako lang ang patapon.

"Ma, would you please stop! It's like you care anything about me!" Usal ko.

Tumayo ako upang lumabas na, ayoko rin paabutin sa punto na masosobrahan ako sa salita na ibabato sa kanila, hangga't kaya ko, pipigilan ko, hangga't pwedeng hindi umimik, gagawin ko.

"Where are you going, Erianthe! Hindi pa tayo tapos mag usap!" Tonong naiinis na sabe sa akin.

"Stop being rude, Zafrina! Kausapin mo muna si Eriella!" Dinig kong sabi ni Papa.

And now I'm the rude..

Hindi ko sila hinarap, pipihitin ko na ang doorknob para makaalis, subalit mas lalong nag taas ng boses si Mama.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Erianthe! Ano? Pupuntahan mo na ba ang nobyo mo!"

Malakas akong naglabas ng hangin, salubong ang kilay ko silang hinarap saka ako nag salita.

"None of your business." Inis kong sabi subalit naroon parin ang pagtitimpi.

"Is that how you talk to your parents!" Sambit ni Papa na may malalim na boses.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon