Chapter 15

102 2 0
                                    

Him


Nagising ako nang may marinig akong ingay mula sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata, bahagya akong umupo at sumilip sa bintana kung saan tanaw ang pinag eensayuhan namin.

Nasilayan ko ang sampung lalaki na miyembro ng Concealed Service. Naka uniporme silang lahat at sabay-sabay silang tumatakbo pabalik-balik habang may binibigkas. Maliwanag ang lugar subalit wala pang araw ang nasa itaas, sumasabay ang huni ng mga ibon sa pag simoy ng malamig na hangin. Masyadong maaga subalit nakikita na sa kanila ang pag hingal, hindi rin sila naaalintana sa kanilang mga pawis, patuloy lamang sila sa kanilang ginagawa.

Sa pagkusot ko ng mata, tinanaw ko muli ang mga lalaking nasa ibaba. I slightly pouted as I take a look to each member of the group.

Napabalik ako ng tingin marahil nahagip ng paningin ko si Krieverles. Binigyang atensyon ko ang nakita, inigihan ko ang pag titig dahil bagong gising ako't baka namamalik mata lang. Subalit humilera sila at maayos na tumindig ang kanilang makikisig na katawan.

Nang sinimulan nilang humarap sa kanilang harapan, doon ko napansin si Rod. He's standing professionally as he gazes at every man in front of him.

"I am Raven Roderick Santiago, the leader of the concealed service. I am assisting the mission for the southern end of the archipelago together with my teammates." He formally spoke in English, straight forward but not trembling.

His members continue with their plucky voices as they say their names.

"Santiago, Neithan Nikolai."

"Borris, Neo ."

"Reyes, Andimir Hainreu."

"Colianzer, Krieverles Demetrius."

Mula sa bughaw na kalangitan, ang mga ulap ang nag bigay kagandahan sa unang pag angat ng araw at nag silbing liwanag ng kanilang paligid. Sumingkit ang mata ko upang mag karoon ng malinaw na imahe habang tinitignan ko siya.
Some of the clouds were covering the whole sky from the sun, but those glimpses of sunlight were perfectly landing on his tanned skin as his sweat was smoothly going down to his neck.

"Fauro, Dieter."

"Revel, Soleus."

"Revel, Sage."

"Kino, Kevlar."

Pinatong ko ang mag kabilang braso upang patuloy na tignan si Krieverles. He licked his lower lip, then I suddenly swallowed. I blink twice when I realize what I did—maybe I need some coffee. Ilang segundo pa'y, huling dalawang lalaki na lang ang natira at iyon ay ang mga nakita ko kahapon.

"Garcia, Paulo."

"Bautista, Eugene."

Pagkatapos ay suminghap ako upang patuloy na gumising, baka'y dinadalaw pa ako ng antok.

Tumayo na ako upang kumuha ng maiinom at makakain sa ibaba. Nag hilamos muna ako at nag mouth wash saka ako dumiretso sa unang palapag. Tahimik ang lugar, tangging ako lamang ang tao na naandito.

Saglit akong napatigil nang may mga plato at pagkain na ang nakahain sa lamesa, siguro ay para sa kanila ang mga naandito. Dumiretso na ako sa coffee maker, sinimulan ko na itong isaksak at pindutin, nag hanap ako ng tinapay sa ref. Kumuha ako ng dalawang tinapay, ang isa ay kinain ko muna.

Kumuha ako ng baso pang kape. I bite again when my coffee is already finished. Nilagay ko na ito sa baso at inihipan bago ako humigop. Umupo ako saglit para maayos akong makakain, pag ubos ko ng isang tinapay, sinawsaw ko ang huli kong hawak.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon