Chapter 19

76 3 0
                                    


After





Hinatid ako sa clandestine ni Krieverles, iyon din daw ang napag kasunduan nila ni Rod. Halos patapos na ang hapon nang makarating kami rito. Pinag buksan muna ako ni Krieverles nitong malaking pilak na pinto bago siya umalis.

Maganda ang ngiti kong nag lalakad nang amoy-amoyin ko ang tulips na binigay niya. Naabutan ko ang mga ibang ka-miyembro namin na nasa sala, para bang nag papahinga sila sa couch pero nag uusap-usap, pansin kong wala rin ang mag kapatid dito sa sala. Pinag patuloy ko na lamang na amoyin ang halimuyak nitong bulaklak.

"Na-sunburn ka ata?" Rinig ko na agad ang boses ni Andrew.

Napahinto ako at tinignan siya na nasa kusina, kasama niya rin si Neo at Soleus na abala sa mga rekados.

Nag salubong ang kilay ko. "Syempre nag dagat kami." Sabi ko sa kanya, napansin ko ang pag baba niya ng tingin sa hawak ko.

"Sus, sa iba ata na sunburn, nakatitig pa sa bulaklak." Aniya at ngumisi. "Bigay ni Krieverles?" Bigla'y tanong niya.

Tumango ako at sandaling tinago ang pag ngiti nang tignan ko muli ang bulaklak. "Oo."

Iyong kaliwang kilay ko'y napataas nang 'di na nag salita si Andrew, wala na siyang sinundan pa. Inaasahan ko ang pang aasar niya pero ibang bagay ang umuukit sa labi niya.

Ngumi-ngiti siya habang nakatingin sa mga hinihiwa na carrots.

"'Di ka ata madaldal ngayon." Sabi ko nang mag pasya nang mag lakad patungo sa pintuan kung saan naroon ang hagdan patungo sa ikalawang palapag.

"Tinawagan kasi siya ng kapatid mo." Si Soleus ang nag salita.

Napalingon ako sa kanila nang marinig iyon, sumabay din ang ingay nila pag kaharap ko sa kanila, tinutukso nila si Andrew. Siniliyan ko rin si Andrew na halos nag pipigil na nang pag ngiti.

"Pursigido nga kumilos e, tamo nag luluto ngayon." Asar ni Kevlar na nakaupo sa couch.

Nakasara ang kamay ni Sage, tinakpan niya ang kaniyang bibig tila ba nakikisabay kay Kevlar. "Energetic pare!"

Mahina akong natawa nang mag bulungan pa silang dalawa ni Kevlar, ngunit nawala ang saglit kong pag ngiti nang mag salita si Andrew.

"Sira ulo! Hinahanap lang sa 'kin si Zafrina." Sagot ni Andrew.

Nag salubong ang kilay ko.

"Hinahanap ako? Bakit?" Takang tanong ko.

Para saan pa ang pag hahanap nila sa akin.

"Oo pero sabi ko, hindi ko alam. Alam kong ayaw mo rin na may malaman sila sa'yo diba?" Sabi pa nito.

"Oo naman," agad kong sagot, mabuti na lang 'yon ang sagot niya. Iniiwasan ko narin sila isipin, pinaalis na nila ako sa mansion.

Wala na akong nararamdamang mabigat, kaya ayoko na muna makipag halubilo sa kanila. Tanging saya at kapayaan ang meron ako ngayon, binibigay 'to ng mga taong nasa paligid ko.

"Isa pa bawal din naman malaman kung nasaan ako, may plano tayo diba." Pag kumpirma ko, tinutukoy iyong plano para sa dulo ng arkipelago. Hindi ko na inabala pang isipin ang narinig. I want to be unbothered when it comes to them.

"Oh diba, ayon lang naman." Sabi pa nito ngunit patuloy parin ang pag ngiti niya.

Napangisi ako sa kaniya. Talaga nga namang ang lakas ng tama mo sa kapatid ko, Andrew.

'Di ko narin naman nagawang bigyan ng negatibong salita si Andrew tungkol kay Erlexana. Wala naman siyang pang aasar sa akin ngayong dumating ako.

"Kanina pa 'yan nung nasa baba kame." Sabi ni Dieter na nasa couch din.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon