Chapter 22

61 2 0
                                    

Trigger Warning: This chapter contains racial violence


Verleas Discoteca Del Casino.


Ang mga sasakyan ng mga militar ay kasunod namin na lumabas mula sa pribadong lugar ng mga ahente. Liwanag ng bawat sasakyan ang tanging nag papaliwanag sa kadiliman ng paligid, tinignan ko ang bawat daang tinatahak naming lahat, napansin kong ang dalawang sasakyan ng militar pati iyong ika-tatlo at ika-apat ay sa iba't-ibang direksyon nag si-tungo. Habang ang kotse ng sinasakyan namin ni Lieutenant Ayricsha ay iba rin ng dinaanan.

"Click your connector, since we already separated our ways, you can check if you can hear Roderick and Soleus." Miss Ayricsha said.

Sinunod ko ang sinabi niya, medyo nahirapan pa ako dahil napakaliit lamang nito at nakasuksok talaga sa loob ng aking tenga. It didn't damage my ear though, but it's necessary to not see any mark on my body, so I won't complain. Pag pindot ko sa kaliwang tenga ko, narinig ko agad si Soleus na sinasabi ang aking pangalan.

["Zafrina.. can you hear me? Zafrina.."] inulit-ulit niya iyon para makasiguro sa koneksyon naming dalawa.

"Oo, kaka-bukas ko lang ng connector, naririnig na kita." Pag sagot ko agad, so it won't waste the time.

["That's good Zaf."] Si Roderick na ang nag salita. ["Remember the sketched map? Kung saan ang nasa pinaka gitna ay isang bilog. Now, it symbolized that building of VD Del Casino, you're going there with Miss Sylviester."] He formally said over the connector.

Napakunot ako ng noo, habang inaalala ko iyon may inabot sa akin si Lieutenant Ayricsha na nakatuping papel, kinuha ko naman agad iyon at binuksan. Nang mapansin kong parehas ang naka-ukit sa papel na hawak ko at sa pinakita noon ni Rod sa amin, napagtanto kong parehas na parehas parin ang sketched map sa mangyayare ngayon.

It's applicable to any places.

Itong hawak ko ngayong papel, mas maayos at may nadagdag na detalye, may building na naka-ukit sa loob ng bilog sa sentro, habang may kilometrong layo ang nasa paligid niya, sa timog, silangan, hilaga, at kanluran, bawat parte rin ay naka bilog ang mga iyon, ngunit hindi naman nabago ang mga linyang nakaturo parin sa sentro.

Iyon nga ang sinasabing sketched map.

["Zafrina, naaalala mo pa ba?"] Tanong ni Rod nang saglit akong 'di nakasagot.

"Oo naalala ko." Sabi ko agad.

["Good, nakapalibot kami sa inyo. Please don't panick, we trust you, Zafrina."] Malalim ang kaniyang boses na narinig ko.

"I'll do my best.." I genuinely said.

Natapos na ang usapan namin ngunit naririnig ko parin silang nag sasalita sa mga iba nilang kasamahan, hinayaan ko na lamang iyon dahil paniguradong binabalikan nila ang plano para hindi maging palyado.

Mabilis man ang tibok ng puso ko nang papalapit na kami nang papalapit ni Lieutenant Ayricsha sa lugar ng VD Del casino, hindi rin naman magiging hadlang iyon dahil handa ako sa binigay nila sa akin, handa parin akong gawin ang buong makakaya ko.

Nang masiliyan ko na ang building ng casino, nahagip ng mata ko na may iilang tao ang narito. Naalala ko ang mga kaibigan ko, nilingon ko agad si Lieutenant Ayricsha baka sakaling may saglit kaming magawa para ro'n.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon