Chapter 26

31 1 0
                                    

Someone




This Monday is the first day of our examination; it is not easy when we take it. I feel so drained after the three exams, but then we only have half an hour for our break time, so I spend my money to feed myself and drink water as much as I need, because it will help me to refresh my brain and to feel hydrated.

Thirty minutes of lunch break finished. My friends, Krieverles, and I went to the classroom again. Hindi na namin nakasabay sila Fraser, Lucius, lalo na si Aikkiro dahil iba-iba naman kami ng course. We didn't have any chitchats when we went to the room; we read again because there are two final examinations before the class ends.

The room is quiet, and the only thing that makes noise is the footsteps from our professor. He is walking and observing us. I take a deep breath as I next the page. As the time went by, the next professor walked into the classroom, and then we took the last subject examination.

Bukas naman ang apat, kaya pinag butihan ko parin na ayusin ang pag sasagot ko. As usual of the Professor's routine, she took her time to secure the integrity of everyone.

Napahawak ako sa sentido ko nang makaramdam ng sakit. Pumukit muna ako ng ilang minuto saka ako sumagot ulit.

Umikot pa ang oras hanggang sa marinig ko na ang tunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase. Kinabahan ako dahil halos karamihan sa mga kasama ko ay nag papasa na habang ako nasa huling page pa.

Napahigpit ako ng hawak ko sa ballpen dahil hindi ko maalala 'yung ibang sagot.

Ayokong hulaan.

Tinignan ko ang white board baka sakaling ma-recall ko ang lesson namin sa accountancy. I fold my right arm to help myself think straight.

Naramdaman ko ang mahinang pag tapik ni Miesha sa gilid ko, ngunit hindi ko siya tinignan dahil unti-unti ko nang naaalala ang lesson. Binasa ko muli ang questions at nahagilap ko ang mga numerong sagot.

Nasunod-sunod ko ang pag sagot ko dahil konektado ang situational questions.

Sa huling pag sulat ko, binalik ko muli sa ayos ang test paper na hawak ko at tumayo na sa upuan, kinuha ko muna ang gamit ko saka ako nag lakad papunta sa desk ng Professor ko.

Maganda siyang ngumiti sa akin. "Last time na 'to a.." malumanay niyang sabi.

Nginitian ko siya nang mapagtanto ang gusto niyang iparating. "Yes, Prof."

Hindi parin nawala ang ngiti niya sa labi at tumango sa akin. "So, see you on your graduation day."

I slightly bow to her. "See you, Prof!" I smiled at her before I leave the room.

Pag labas ko, nakita ko ang mga kaibigan ko at si Krieverles sa labas ng room. Kumpleto sila at halatang ako na ang hinihintay nila.

"Tara! Naandon daw si Aikki sa gym!" Excited na hawak sa akin ni Miesha. Hinigit niya rin sila Fia at Klarisa para makababa na kami.

Sinilayan ko si Krieverles na ngumisi at nakapamulsang sumunod sa aming apat.

"Si Lucius kaya naandon? Si Fraser lang naman kasi varsity e." Nagtatakang tanong ni Klarisa.

"Same course lang naman sila, baka dismissal narin nila?" Si Fia ang nag salita.

"Section B si Lucius, A si Fraser e." Sagot ni Klarisa, at napangiwi.

"Text mo!" Sambit ni Miesha. "Nag kita naman kayo kanina, okay lang 'yan kung wala siya, e di, siya naman ang hintayin mo. Diba! Give and take!" Sunod-sunod na dagdag ni Miesha, para bang ang sigla kung mag salita.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon