Chapter 20

64 2 0
                                    

New Year






Sa nag daang anim na araw walang imik si Rod sa mga kasamahan namin na narito sa loob ng Clandestine, pagkatapos din ng pag uusap namin, tanging trabaho lang muna ang inaatupag niya. Hindi ko rin naman naaabutan si Krieverles na nagagawi rito, madalas siyang napag uutusan na pumunta sa kampo kasama ang iba naming miyembro, kung hindi tulog ako, nasa banyo na naliligo, nag kakasalisihan kami.

Narito ako ngayon sa sala at naka-upo, nakasuot ako ng bistidang puti na hanggang taas ng tuhod lamang ang haba pati iyong heels na binigay sa akin ni Krieverles. Nakapag-ayos na ako ng sarili ko at hinihintay na lamang si Andrew na ihatid ako sa bahay ni Miesha. Habang hinihintay ko ang kaibigan ko, pinapasadahan ko ng tingin ang mga litratong naka dikit sa abong pader, isa-isa kong tinignan ang mga itsura ng mga terorista. 

SEOA invasion and LANOIS invasion possible terrorist members.

Sa kabilang gilid naman ay ang panibagong misyon ng mga orihinal na ahente ng silangan. Illegal drugs transactions, mayroong litrato ang mga miyembro nito; si Samuelo Sequera ang isa sa mga nasa litrato. How could he be so reckless in his decision?

Tumunog ang pinto mula sa opisina ni Rod, napalingon ako rito dahil iyon lamang ang tanging nag bigay ingay. Nakita ko si Rod na lumabas, marahang napababa ang tingin niya sa suot ko, bumalik ang paningin niya paitaas at nag katinginan kami.

It was a quiet stare, but it didn't last. Rod impassively walked into the restroom.

He is always silent, a serious, marvelous man who has been on his books since he was sixteen, until he works on his passion. I saw the things he wanted to accomplish, and he was there for the things that happened in my life. I remembered his confession before, including the last time we talked. I understand him and his action very well, but we shouldn't force it because feelings for each other are not made of lies.

Happiness will come from the truth.

The magical feeling will be there if we can give genuine love. But I know that I can't, it's for someone else.

"Zaf! Tara na!" I heard Andrew came from the second floor.

Nilingon ko na lamang si Andrew at pinalipas na lamang ang dapat nang lisanin.

"Tara, kanina pa ako nag hihintay, tagal mo." Sabi ko, tumayo ako sa couch at pinag masdan ang suot niya. Nakapang bahay lang siya, tanging gray v shirt at pants.

"'Di ka ata prepared?" Nakangiwi kong tanong.

Sinimangutan niya ako. "Ikaw lang naman pupunta ro'n, uuwi rin ako dito. Gaya mo 'ko sa'yo.." bulong pa niya sa huli kahit pa'y narinig ko.

"Oh narinig ko 'yon!" Ani ko.

"White dress like a princess, huh.." nakangisi niyang sabi at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Excited karin umalis e no, pinag hahandaan ang pag punta.." Ani Andrew, bumulong muli sa huling sinabe habang sabay kami nag lalakad palabas ng Clandestine.

"Puro ka bulong." Inirapan ko siya.

Pag ka labas namin, tumambad sa amin ang kotse na gagamitin.

"Hoy ikaw a!" Mabilis siyang lumingon sa akin, nakataas ang kaniyang kaliwang kilay nang buksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Wag mong kakalimutan 'yung mga trabaho mo pati 'yang pag aaral mo!" Bigla'y bulyaw niya, akala mo pangaral.

Tumango-tango ako, here we go again, older brother vibes of him. "Oo alam ko." Sabi ko at pumasok na.

Bago niya isara ang pinto ng sasakyan, dumungaw si Andrew sa akin. "Tama lang 'yang alam mo, graduating ka na next sem. Pag laanan mo ng oras 'yan, aral sa umaga, serbisyo sa gabi." Sagot niya, tila ba makapag salita kala mo mas matanda sa akin.

A Gust Of Vanish Vows (Valiente Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon