Chapter 21

1K 13 2
                                    

21


"Uy, Juls! Thanks ulit sa invite! Super nag-enjoy kami!"

Nginitian ko ang mga ka-block ko. I waved my hand at them as they got into their respective cars. Isa-isa pa silang bumusina bago tuluyang umalis sa resort.

Ramdam kong maagap na hinawakan ni Azarel ang kamay ko nang maglakad na kami pabalik sa restaurant kung saan kami kakain ng lunch. We'll stay here until afternoon, and, uh, kasama namin iyong mga kaibigan niya.

"Sure ka ba 'di awkward niyan?" tanong ko ulit dahil kitang-kita ko na mula rito ang mga kaibigan ko at ang mga papalapit na kaibigan niya sa iisang table.

"Trust me, they know well how to handle a casual conversation." Azarel squeezed my hand.

"Pero please, sana naman wag landiin niyang Laszlo na 'yan si Saff sa harapan ni Claiborn."

"Yeah. I'll kick his ass if he does."

Napaamang agad ako. "Eh?! So may posibilidad na pwede ngang mangyari?!"

I heard him grunt. Pinitik niya ang noo ko atsaka sinamaan ng tingin. Mukhang nabigla yata siya sa biglaang pagsigaw ko. "You sound so dramatic." aniya pa.

Aba't!

"Hoy! E kung laplapin ko kaya 'yang bunganga mo?!"

Tumaas ang isang kilay niya atsaka ako nginisian, "Try,"

Bwisit. Bakit pati paraan ng pagsagot ko, nakukuha na niya?

"You're getting good at answering back, huh. Sa'n mo natutunan 'yan?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"I learned it from you."

Pfft. Sabi ko nga.

Nakahawak siya sa baywang ko nang pumasok kami sa loob ng restaurant. We actually have matching outfits. I'm wearing my cream bateau top and an umber godet skirt. Nakaputing flats lang ako ngayon kaya halatang-halata 'yong layo ng height naming dalawa kahit na matangkad naman na ako. Meanwhile, he's in his oversized plain white shirt, dark brown sweat shorts, and white sliders.

"Kahit saan talaga kita dalhin, pinagtitinginan ka no?" puna ko habang tumitingala sa kanya. Naka-shades pa siya sa lagay na 'yan kaya mukha talaga siyang Hollywood celebrity na naligaw dito.

Nagkibit balikat lang siya. Sa reaksyon niyang 'yon, parang sanay na sanay na talaga siyang maging center of attraction ng mga tao.

"Tahimik mo naman," siniko ko si Clai pagkaupo ko sa tabi niya. She was swiping on her phone with slightly arched eyebrows.

Isang tingin lang ang iginawad niya sa akin bago bumalik sa ginagawa, walang response. Seenzoned. Minaldita ako.

Sa left side ko naman ay si Azarel na katabi si Elizer, kasunod ay si Danial. Katapat ni Clai si Saff, sunod ay si Mags na kaharap ko, tapos si Ishmael na katabi si Gideon, tapos dulo si Laszlo.

Kanya-kanya na silang kwento nang maupo kami ron. Nag-order na rin pala sila ng pagkain kaya naghihintay na lang kami ngayon. Nakahilig lang sa akin si Azarel, tinatapik-tapik ko 'yong pisngi niya. Deserve niya naman 'to kasi for sure, pagbalik namin ng Manila, puro libro na naman aatupagin niya.

"'Di naman ba 'to nagwala kagabi?" tanong ko kay Mags matapos nginusuan ang direksyon ni Clai. Mahina lang ang boses ko para 'di marinig nung iba.

"Kaalis mo, knockout na rin 'yan," sagot naman niya kaagad. "Pero si Saff halos umantabay sa kanya nung nagsusuka."

Tumango-tango ako. Tinignan ko ulit si Clai na busy pa rin sa cellphone niya hanggang ngayon kaya siniko ko ulit. "Hoy ikaw, 'wag mo 'ko malditahan. 'Yung totoo, kamusta ka?"

Corrupting His Innocence (Innocence Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon