Chapter 29

1.1K 29 5
                                    

29


Putang ina. Ang bobo ko talaga kahit kailan.

Gusto kong kalbuhin ang sarili ko habang pilit na pinoproseso sa utak kung anong katangahan na naman ang nagawa ko ngayong gabi. Pero ano pa nga bang magagawa ko?

Andito na 'yong tinext ko. Sa harapan ko mismo. Gago nung makita ko siya, parang nahimasmasan ako bigla. I even forgot that I was kind of drunk when I sent him a text! At ngayong rumehistro na sa akin ang nagawa ko, saka pa siya magpapakita na para bang kabute!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko, hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Is there a problem?" he asked carefully, trying to gauge my mood.

"Malay ko sa'yo!" inukutan ko siya ng mga mata ko. Nakaupo ako ngayon sa side pavement dito sa parking lot. Nakatayo naman siya sa harapan ko at inaabot 'yong kamay niya sa'kin, tinutulungan akong tumayo pero mabilis ko lang tinabig ang kamay niya.

"Baka pinanghawak mo pa 'yan ng pekpek ng iba ba't mo ipapahawak sa'kin gago ka ba," sunod-sunod na litanya ko at muling iniwasan ang mariing mga titig niya.

I heard him sigh deeply and noticed he was still wearing his usual work attire. A white long-sleeve polo shirt under his coat, black trousers, and a pair of black brogue shoes. Naka-brush din iyong buhok niya pero medyo nagulo na dahil sa lakas ng hangin dito sa pwesto namin.

Nang sigurong matantiya niya na wala akong balak tumayo, siya na mismo ang nag-squat sa harapan ko. Again, I avoided his emerald eyes, but he gently cupped my chin and turned it towards him.

When our eyes met, my heart jumped into my throat. Sandali akong nawala sa sarili ko. Fuck it. Gusto kong kalmutin ang sarili ko dahil gwapong-gwapo ako sa kanya! With my messed-up mind and uncomposed self, I fucking knew this was not the right time to admire his perfection.

I heaved a deep sigh, trying to summon my confidence.

"You're drunk," that's a statement. Not a question.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So? Ano naman ngayon sa'yo?"

He studied me for a moment. Bahagya pang umawang ang mga labi ko nang taasan niya rin ako ng kilay niya. Napakurap-kurap ako don. Puki naman kasi ng ina, foul!

Kahit lasing ako, malinaw na malinaw pa rin sa'kin ang bawat detalye ng mukha niya. Even after a year, nothing had changed. At kung meron man, mas lalo lamang iyong nahubog ng mabuti. His face remained stoic, something that could drive you crazy in an instant. That's what I was feeling right now.

Mababaliw na yata ako!

"Ano naman sa'kin?" he repeated my question, and I saw the corner of his lips curl into a small grin. Ipinilig niya ang ulo pagkuwan ay muli akong tinitigan.

Ngumuso ako sa ginagawa niya.

"Nilalandi mo ba ako?"

"I'm not," mabilisan niyang tugon kaya tingin ko ay mas lalo lang humaba ang nguso ko. Mama mo, I'm not!

"Kasi iba na nilalandi mo ganon?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"What are you saying?" kumunot ang noo niya ng samaan ko siya ng tingin. If looks could kill, I swear, he'd be double dead by now!

"Stop acting like you don't know who I'm referring to!" I spat angrily. "Denisse Saito, huh?! Galing mo talaga mamingwit e no?!"

Litong-lito pa rin ang mukha niya. I took that chance to push his chest with both hands, but he quickly grabbed them. Mas lalong tumalim ang mga titig na binabato ko sa kanya.

Corrupting His Innocence (Innocence Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon