25
"Juliet... gago, kumain ka nga..."
I stared at Claiborn lifelessly. It's been two days since that night happened and I haven't eaten anything. Alak.
Puro alak lang laman ng tiyan ko.
"Ayoko," pirming sagot ko sa kanya. "Wala akong gana."
Bumuntong hininga siya atsaka na tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko. Nilapag niya ang tray na may lamang pagkain sa bedside table pagkuwan ay tinabihan ako sa kama. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Juls... hindi sa break up niyo ni Azarel titigil ang buhay mo, ha?" malumanay na paalala niya sa akin. "Andito pa kaming mga kaibigan mo. Hinding-hindi ka namin iiwan..."
"Clai..." I looked up at her, my eyes starting to glisten with tears. No matter how disappointed, hurt, and angry I was... at the back of my mind, I'm still hoping that he will come after me.
That he would apologize... and we would face this problem together.
I know myself, one sorry from him, and I will still accept him and forget the pain he caused me.
Pero wala. Sa loob ng dalawang araw, walang Azarel na nagpakita, dumating, o tumawag man lang.
"Hindi ba talaga niya ako hinanap sa inyo?" halos magmakaawa ako na sagutin niya ang tanong ko sa paraang gusto kong marinig.
She sighed painfully and held both of my cheeks, gently wiping the tears from my eyes. "Kapag hinanap ka niya, ano'ng gagawin mo?"
"Babalik ako. Patatawarin ko siya,"
Pumikit siya nang mariin at muling humugot nang malalim na buntong hininga. "Juliet, to be honest, after that night, we haven't heard anything from him."
"Ah weh," natawa ako. "Abangan niyo sa gate. Pupunta 'yan dito, maniwala ka sa'kin. Kilala ko 'yon, marupok 'yon sa'kin eh."
Sa loob ng dalawang araw, ayon palagi ang pinaniniwalaan ko. Na babalik siya, na babawiin niya lahat ng sinabi niya... and even if he asked me to give his father a chance, I know I would fucking do it.
Basta babalik lang siya sa akin.
"Juliet, please... Let's just find another way to sue his father. We'll consult a lawyer and see what we can do. Pero kay Azarel, hindi na tayo sigurado."
Umiling-iling ako. If that's all they had to say, ayoko nang marinig. Hindi ba nila alam?
Masakit. Sobrang sakit.
"Pa-abot ng phone ko," hindi ko pinansin ang sinabi ni Clai.
"Bakit? Ano'ng gagawin mo?" kumunot ang noo niya. "Gago, kung ano man binabalak mo, 'wag mo na ituloy. Lasing ka na!"
"'Di pa 'ko lasing."
"Ah talaga ba?" sarkastikong sabi niya nang sinubukan kong umahon pero muntik na akong nagpagewang-gewang.
I ignored her again and continued searching for my phone. Nang sa wakas ay mahanap ko na iyon sa paanan ng kama ko, agad ko nang hinanap ang number ni Azarel sa contacts ko at nagtipa ng message.
Ako:
nagbibiro lang naman ako nung sinabi ko sayong sirain mo buhay ko. di ba uso yung joke sayo? bat mo naman sineryoso tanga ka ba
I laughed at myself when I hit the send button. You're really a mess, Julietta.
Nang tingnan ko ulit ang cellphone ko, my message had already been read by him. But he didn't reply, so I texted again.
BINABASA MO ANG
Corrupting His Innocence (Innocence Series #1)
RomansaInnocence Series #1 (COMPLETED): Azarel Alarcon is a type of guy that every woman would die to ask for but he never commits himself to someone because apparently, he's busy becoming a lawyer. However, when he met this badass woman namely Juliet Aro...