Chapter 03

2.1K 45 1
                                    

03


"You know Azarel Alarcon, Juliet?" kulit ng mga ka-block ko nang makapasok na ako sa room para maghintay sa susunod na prof.

I rolled my eyes and nodded once again. Ilang babae na ba ang nagtanong sa'kin niyan? Apparently, I lost count.

That yummy guy. Matunog pala talaga ang pangalan sa mga babae. Sabagay. Sa mukha ba naman niyang 'yon.

Kahit nakakatakot 'pag nagagalit.

"What the heck? Did you know how elusive that guy is?!"

Kumunot ang noo ko. Elusive? 'Di ko lang sure. Dalawang beses ko pa lang naman siya nakita. Siguro tama rin sina Mags na hindi ko siya napapansin sa Lickquor dahil busy ako lagi sa pag-aalaga ng kimchi ko.

Pero sa tangkad niyang 'yon, feel ko kahit naka-upo siya kita pa rin ang ulo niya sa malayo. At dahil lumilinaw mga mata ko kapag nakakakita ng pogi, baka hindi rin naman niyan ako mahirapan na hanapin siya sa mga susunod na araw.

"Ewan ko..." I shrugged my shoulders nonchalantly. Ang importante lang naman sa'kin gwapo siya at gwapo talaga siya.

"Crush na crush ko 'yun nung sa Ateneo pa ako," singit naman nung isa. "Kaso kahit 'yung pinaka-maganda na sa Ateneo, naghabol sa kanya, ni hindi niya man lang pinansin. Hindi naman siya bading pero wala talaga siyang interest sa mga babae."

"Some girls like the chase, sis," ngumisi 'yung katabi niyang babae.

Hindi ko sila kilala dahil wala naman akong interest na kilalanin sila.

"Pakilala mo naman kami, Juliet."

Umarko ang mga kilay ko sa request nila. When pigs fly, no! Ano sila? Sinuswerte?

Ako nga hirap na hirap landiin tapos ipapamigay ko lang nang ganun-ganun lang? Over my sexy body.

Hindi ko na lang sila pinansin pero kita kong nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol kay Azarel. Nagsalpak na lang din ako ng earpods sa tenga at nakinig ng music habang naghihintay sa susunod na klase.

Then suddenly, I remembered how I managed to escape from his tight grip and anger a while ago.

Well, akala ko talaga susundan niya ako. Pero buti at hindi kasi swear kakagatin ko na talaga 'yon 'pag hinatak niya ulit ako. 'Di ko nga alam saan na napunta, e.

Napaisip tuloy ako kung seryoso ba talaga siya sa part na kakasuhan niya ako.

Hindi naman siguro niya gagawin. As you see, my kisses affect him. Paano niya ipapakulong ang taong nagbibigay sarap sa kanya, diba? Ang bastos naman niya kung ganon.

Right after my classes, hinintay ko muna si Mags sa parking lot bago dumiretso sa MOA para kitain 'yung tatlo at doon na magdi-dinner. Nakataas 'yung isang kilay niya sa'kin habang nakangising-aso, mukhang naghihintay kung may dapat ba akong sabihin sa kanya.

Well. The news really flies too fast, huh?

"We french kissed," amin ko nang hindi na nakayanan 'yung pagtitig niya sa'kin. Para siyang timang. Kala mo naman ngayon lang nakabalitang may kadilaan ako in public.

Her smirk grew wider.

"Wow. Iba talaga ang kamandag mo, mods."

Pumalakpak siya kaya inirapan ko. First base pa nga lang 'yon pero nahirapan na'ko. Challenge talaga si Alarcon. No doubt.

"Don't praise me yet. 'Di ko pa napo-prove kung virgin pa ba talaga isang 'yon," sumulyap ako sa kanya at nakitang tinatali niya na ngayon ang buhok. "How did you know about the kiss, anyway?"

Corrupting His Innocence (Innocence Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon